Chain63

34 2 0
                                    



KIM

Ang tanga mo talaga Kim! Ano bang pumasok sa isipan ko at pati dito sinundan ko si Prince? Ano bang pakialam ko kung hindi ako yung kasama nya?! Argh!

Tinanggal ko ang cap na suot ko at sinabunutan ang sarili ko habang nagmamadaling bumalik sa parking lot.

Pero habang naglalakad ako, nararamdaman kong may sumusunod sakin. Nilingon ko ang likuran ko pero wala naman. Ako lang ang magisang tao sa parking lot. And take note. Gabi ngayon at konti lang ang nagpupunta ng Mall kapag gabi. Malapit na rin kasi mag 10 pm.

Hindi ko na lang pinansin ang kung ano mang meron sa paligid ko at hinanap ang susi ng kotse ko sa bulsa ko.

Huh? Nasan susi ng kotse ko?

Kinapa kapa ko ang bulsa ko pero mukhang nalaglag ko ata nung tumakbo ako palabas ng Cinema.

Babalikan ko ba? Kaso nandun pa si Prince.

Bahala na nga.

Pagpihit ko patalikod ay may isang taong tinakpan ako sa bibig at hinila sa isang madilim na sulok. Hindi ito naabutan ng ilaw.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakita ko ang mukha niya. Hindi ko siya kilala pero parang may kamukha siya. Hindi ko maalala pero may familiarity.

Sa wakas tinanggal na nya ang pagkakahawak sa bibig ko at nakahinga ako ng maluwag.

"Sino ka?!"

Tinulak ko sya pero malakas sya at naikulong nya ako sa mga malalaking braso nya.

Nginisihan nya ako. Nakakatakot ang itsura nya. Naka Black hoodie sya at pants na black. Nakakatakot ang mga mata niya.

"I-ikaw ba? Ikaw ba ang stalker ko?" Nauutal na tanong ko. Dapat sa ganitong oras ay tumatakbo na ako pero gusto kong malaman kung siya nga ba ang tao sa likod ng unknown number na yon.

Ngumiti siya ng matamis. Nakakatakot.

"Sa tingin mo?"

Inilapit niya ang mukha nya saakin. Mas lalo akong nanginig nung binulungan niya ako sa tenga ko.

"I finally found you Babe." Tumayo lahat ng balahibo ko sa sinabi nya.

Tinulak ko sya ng malakas kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas ngunit hindi pa ako nakakalayo ay hinila na niya ang sweater ko at napunit ito ng pagkalaki laki. Nakita ang bralette na suot ko. Nanginginig ako sa takot.

"You can never escape." Nginisihan nya ako bago ako hilain at isandal sa pader.

Hinila niya ang punit na sweater ko at hinalikan ako sa tenga pababa sa leeg. Tumulo ang mga luha ko.

Nais kong sumigaw ngunit  pinilit niya akong hinalikan. Inilalayo ko ang mukha ko ngunit sinampal nya ako ng malakas.

Mas lalong tumulo ang mga luha ko. Nanginginig ang mga labi ko. Naalala ko ang lahat. Lahat ng ginawa saking kababuyan ni Sir Ramos saakin dati.

Bumaba ang halik niya papunta sa balikat ko, hanggang sa collarbone ko. Nais kong sumigaw ngunit walang lumalabas na boses sa labi ko. Gusto ko na lang umiyak ng umiyak dahil nag flashback sakin lahat ng nangyari.

"T-tama na!" Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa paligid at nagpumiglas akong lumayo sakanya ngunit sobrang lakas nya.

"Sandali lang babe . Diba gusto mo rin naman to—-"

Nagulat na lang ako nang nakahilata na siya sa sahig. Paulit ulit siyang sinusuntok ng taong nagligtas saakin hanggang sa nawalan siya ng malay at dumugo ang ilong at bibig nito.

"P-prince tama na! Baka mapatay mo sya!" Sigaw ko dahil kinakabahan ako. Hindi na ito gumagalaw.

Tiningnan niya ako ng nakakatakot ngunit bigla ring naglaho iyon nang makita niya ang suot ko.

"Fuckshit."

Tinanggal niya ang coat na suot nya at ipinatong sa katawan ko. Halos wala na kasi akong suot dahil sa kahalayang ginawa saakin ng taong yon kanina.

Hanggang ngayon nanginginig ako. Niyakap ko ang sarili ko.

"Let's go Home." Malamig na sabi nya.

Naglakad kami papunta sa mga kotse namin. Pero hinila nya ako palapit sa kanya.

"I'll drive you home. Baka kung ano na namang mangyari sayo." Nagaalala niyang sabi at hindi makatingin saakin.

"I can manage. May dala akong kotse." Sabi ko at tumalikod sa kanya para sana puntahan ang kotse ko ngunit nagulat na lang ako namg buhatin nya ako at isakay sa loob ng kotse nya. Nilock nya ito at umikot sya papunta sa Driver's seat.

Nag drive na siya papunta sa Condo niya. Hindi ko alam kung bakit hindi sa bahay ko pero siguro mas mabuti na lang kung dito muna ako dahil natatakot ako sa kung ano pang pwedeng mangyari sakin.

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Where stories live. Discover now