Epilogue

5.3K 74 4
                                    

Angeline

IBANG klase maglaro ang tadhana.

Isang araw bored ka lang. Isang araw, simple lang ang buhay mo bilang isang mamamayan ng Pilipinas. Hanggang sa naisipang maglaro ng tadhana. Hindi mo na namamalayang nilalabag mo na pala ang batas sa trabahong sinumpaan mong sundin habang buhay.

Hindi mo na namamalayang nahuhulog ka na pala sa taong dapat ay pasyente mo lang.

Siguro nga kailangang mangyari ng lahat ng yun. Kinailangan munang maghiwalay kami ni Percy para hanapin ko ang sarili ko. Upang muling makita ko ang kagandahang taglay ko mula sa sarili kong mga mata at hindi sa ibang tao.

Hindi naman kasi laging sa panglabas lang na anyo nakabase ang kagandahan. Nasa loob mo yan. Kailangan nating matuto na ang kumpiyansa, tiwala at pagmamahal sa kung ano at sino tayo ang siyang tunay na kahulugan ng kagandahan.

Malaki ang ngiti ko habang naglalakad sa gitna ng simbahan. Tanaw ko si Percy na malaki rin ang ngiti sa akin. Napakakisig niya sa suot na tuxedo. Sa lahat ng pagkakataon ay ngayon ko masasabing napakagwapo niya. Ngayong magiging asawa ko na siya, sa harap ng Diyos at ng aming pamilya.

Totoo ngang susubukin kayo ng pagkakataon hanggang sa tila ubos na ubos na kayo pero nasa sa inyo yun kung pipiliin niyong bumitaw o ipagpatuloy ang laban. Natutunan kong kahit pala bumitaw ka, kung kayo, kayo pa rin talaga dahil gagawa muli ng paraan ang tadhana para muli kayong pagtagpuin.

Naiiyak akong kumapit sa braso ni Itay na may mumunti ring luha sa kaniyang mga mata. Malaki ang ngiti niya at inalalayan ako sa paglalakad.

Kinabahan ako noong unang makilala ang lolo't lola ni Percy pero buong puso nila akong tinanggap na para bang isang pamilya. Agad ring silang nagkasundo nila Inay kaya't sobrang saya ko.

"Alagaan mo at mahalin ang anak ko, iho." Ani ni itay nang nasa harap na kami ni Percy. Ngumiti naman ng malaki si Percy sa sinabi ni itay at tumango. "More than my life 'tay." He uttered seriously.

I smiled widely at Percy, my heart feels like it's going to come out of my chest. Masuyong hinawakan ni Percy ang kamay ko at inalalayan ako sa harap ng pari.

Para akong lumulutang sa langit at hindi na namalayang oras na pala para sabihin ang vow ko. Ngumiti ako at humarap kay Percy, "I love you." Panimula ko, natawa naman ako nang pumula ang mukha ni Percy at naghiyawan ang mga nanonood sa amin ngayon. Unang-una na diyan si Grey na masayang-masaya ma nakaupo sa gitna nila Richo at James.

"You were my patient back then and I was your nurse. We weren't supposed to fall in love with each other but here we are, stating our vows." I chuckled before continuing.

"Shout out nga pala kay Mr. President." Natawa ang mga nanonood sa sinabi ko bago muling magpatuloy. "Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ko makikilala ang lalaking 'to."

The crowd erupted into cheers and whistles with what I said.

Napangiti ako nang makita ang mga pamilyar na mukha ng mga kaibigan ko sa hospital, si Dr. Baldey, kahit si Ms. Bitt nandito. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang magkasabay silang pumunta rito kanina ni Mr. President.

Mas lumaki ang ngiti ko nang makita sina Grey, ang pamilya ko, Aling Isel, ang lolo't lola ni Percy, sina Piper, Sperce, James, at maging ang lolang inalagaan ko sa hospital na si lola Nora. Dumating rin sina Thor at Baron pero nagtataka lang ako kung bakit parang ayaw nila ipakita ang mukha nila sa tao.

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora