Chapter 3

7.6K 154 2
                                    

Angeline

NANLAMIG ang buong katawan ko at napatulala sa mukha ni Itay na mahimbing na natutulog. Para siyang isang sanggol na walang problema sa mundo.

"G-gagawin ko ang lahat Inay. 'Wag po kayong mag-alala. Gagaling si Itay... Malakas pa yan sa kalabaw e." Pareho kaming napangiti sa sinabi ko kahit na may luhang dumadaloy sa mga mukha namin.

Hinawakan ko ang kamay ni Inay at binigyan siya ng maliit na ngiti. Bagay na ipinapanalangin kong kahit papaano ay makakapag-pagaan ng loob niya.

"Kayo na muna ang bahala kay Itay, Nay. Makikipag-usap lang ako sa Doktor."

"Sige anak." Kahit binigyan ako ng ngiti ni Inay ay hindi pa rin nito mabura ang kalungkutang mababanaag sa kaniyang mga mata. Tunay ngang ang mga mata ng isang tao ang salamin sa kanilang nararamdaman.

Dumiretso na ako sa itinurong silid ng isang nurse na nakasalubong ko. Doon raw namamalagi si Dr. Chavez, ang doktor na tumingin kay Itay kanina.

Kahit labis na kaba ang aking nararamdaman ay nagawa ko pa ring kumatok sa pinto ng Doktor.

"Yes Ms.? Do you have an appointment? You may take a seat anywhere you want." Naks, parang sa classroom lang ha.

Binigyan  niya ako ng propesyunal na ngiti at pormal rin ang tono ng kaniyang pagsasalita.

Pinili kong maupo sa kaniyang harapan--, I mean sa upuang nasa harapan niya! Diyos ko, ang gulo na ng utak ko ngayon.

Huminga ako nang malalim at ipinahayag ang sadya kung bakit ako narito.

"I-i I am the daughter of Mr. Saira, the one you checked earlier..." Panimula ko na ikinatango niya nang marahan.

Napalunok ako bago muling nagsalita, "I want to know what exactly his condition is right now and please be honest." Pagsusumamo ko.

Mayroon kasing ibang mga doktor na pilit binibigyan ng pag-asa ang pasyente at kamag-anak nito. Napakasakit umasa sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan.

Napaiwas siya ng tingin pagkatapos tumango.

"Yes, Mr. Saira. He has a heart disease as you know. Recently he had a heart attack that made his situation worse. Pu-pwede pa niyang iinom ng gamot ang kaniyang sakit sa puso noon but this time, it's entirely different." Malungkot siyang tumingin sa akin at mas lalo ko namang naramdaman ang kaba sa dibdib ko.

"Surgery must be performed as soon as possible. We already found a heart donor for our heart transplant but let me be honest with you, the surgery has a 50/50 chance of success and failing. "

Hindi ko na maiwasang mapapikit sa mga binitiwang salita ng doktor.

50/50 chance?

Napailing ako at minulat ang aking mga mata.

No. Gagawin ko ang lahat para kay Itay.

Bata pa siya at hindi pa rin niya ako nakikitang magkaroon ng asawa o kahit boyfriend. Hindi pa rin siya nagiging lolo kaya hindi pwede. Hindi pwedeng mawala ka Itay.

There is still a 50 percent chance that the operation will be successful. I've seen and witnessed so many people surviving even with only 10% chance of survival. It may be because of the skilled doctors and nurses  or the faith of the people around the patient and the patient himself to God.

Ang kagustuhan na mabuhay at makita muli ang ganda ng langit at malanghap kahit ang maduming usok ng hangin dulot ng mga sasakyan. Alam ko and I am sure na lumalaban si Itay ngayon kaya wala akong rason para panghinaan ng loob.

Malakas si Itay. Malakas siya. Kaya niya yan. Kaya naming lagpasan ang hamon na ito.

Bumaling ako kay Dr. Chavez at sa determinadong boses ay nagsalita.

"Please, do everything to save my father... N-nagmamakawa ako sa inyo. I'll do everything to pay for the bills even if I need to sell my soul to the devil for my father's life." Matigas kong wika.

Wala na akong pakialam sa ibang bagay ngayon basta ang importante ay ang kaligtasan ni Itay.

Pagkatapos ng pakikipag-usap ko kay Dr. Chavez ay natagpuan ko na lang ang aking sarili sa maliit na chapel ng ospital.

Lumuhod ako at nagsign of the cross.

"P-please papa God, mama Mary, brother Jesus at lahat ng santo't santa kayo na po ang bahala kay Itay... Please lang po, 'wag nyo po siyang kuhanin sa'min. N-napakaaga pa po. Andami pa po niyang gustong maranasan sa buhay. Ni hindi pa nga po niya ako nalalagpasan sa level ng Kendie Crush e..." Napatawa ako kasabay ng patuloy na pagpatak ng mga luha sa aking pisngi.

"P-pakiusap po gabayan niyo ang aking Itay. Sabihin niyo po sa kaniya na ipagpatuloy lang ang paglaban kasi kami patuloy lang kaming gagawa ng paraan para maging maayos siya... P-please po, please iligtas niyo ang aking Itay sa gaganapin niyang operasyon. Sana po ay maging matagumpay ito..." Taimtim kong dasal at pumikit.


HAWAK-hawak ko ngayon ang business card ni Dr. Baldey. I dialed his phone number and after three rings he answered it.

"Hello, Dr. Baldey of CIHCH. What can I do for you?" Wika nito sa kabilang linya.

"This is Ms. Saira and I just wanted to say that I am up for the job." Determinado kong saad.

Bahala na. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Itay. Kulang na kulang ang perang naipon ko para sa buong procedure at operation ni Itay.

Wala akong pakialam kung maubos lahat ng pera at ipon ko basta mabuhay lang si Itay.

Basta makasama lang namin muli siya.

Naniniwala akong lumalaban siya...

Kaya't lalaban rin ako.

~~~

Laban lang! 'Wag susuko sa mga hamon ng buhay!

Go lang nang go mga kapusanggala!!!❤

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Where stories live. Discover now