Chapter 11

5.1K 122 1
                                    


Angeline

I ROLLED my eyes heavenwards as I came face to face with the most annoying patient in the world.

He's pouting his lips and looking at me like a kicked little puppy. Ginagamit rin niya ang kanyang ulo para ipanghimas sa balikat ko like a freakin' cat.

Pusa ka ghorl?

Kulang na lang e bigyan ko siya ng tinik para maging isang ganap na pusa na talaga siya.

"Baby please forgive me. I know that it's wrong to kiss you without your permission but I am just jealous. So the next time I'll kiss you I am sure that you are willing to kiss me back." Napaawang ang bibig ko sa mga salitang lumabas sa bibig ng lalaking 'to.

Aba at talaga namang hindi pa rin naiintindihan ng may topak sa utak na lalaking 'to ang dahilan kung bakit hindi ko siya pinapansin simula kahapon!

At saka Baby?!

Lahat naman siguro nadadaan sa santong dasalan hindi ba?

Paspasin ko na lang kaya siya ng pagmamahal? Hihihi.

Tinitigan ko siyang mabuti at saka itinuro ang sarili ko.

"I am your nurse. Not your Baby, okay?" I smiled gently at him.

Hindi sa ayaw kong maging 'baby' niya pero pasyente ko pa rin siya.

"No--" I cut him off.

"You are my patient. We are not allowed to have an intimate relationship because it's against the contract I've signed. Gusto mo bang iba na ang nurse mo?" Agad siyang umiling.

"Kaya nga stop this, okay?" Pinilit kong maging mahinahon habang nagpapaliwanag sa kaniya.

"But you are the first woman aside from my mother who took care of me. I don't care if you are a nurse because I can definitely protect you. I will not let you go. Not now. Not ever." He pinned me using his hard stare and I tried very hard not to give in with seeing his beautiful eyes.

Damn it, get a hold of yourself Evangeline!

"Percy naman e!" Hindi ako sumisigaw dahil ang tigas ng ulo niya kundi sa epekto ng bawat salitang binibitawan niya. Naapektuhan kasi si heart e.

Bigla na lang niya akong niyakap nang mahigpit like he's scared of losing me.

How can I forgot that he's been traumatized by the accident kaya para siyang bata na ayaw maiwanan ng mga taong naging mahalaga na sa kaniya?

Teka, mahalaga na rin ba ako sa taong 'to?

"Your duty as a nurse is to make me happy." Ginamit na naman niya ang nurse card! "And I am your patient, that's why your attention must be solely focus to me and only me. I don't want to see you with that guy from yesterday."

Wait parang may mali ha.

He pulled from the embrace and made me face him. He's frowning and looking at me angrily.

"Masama akong magalit Angel. Baka kung anong magawa ko sa kanya 'pag nakita ko pa ulit kayong magkasamang dalawa. I'll use my power if I should. I will not care kung hospital ang kahantungan ng lalaking yun. Kasi naniniwala akong nurse kita at dapat akin lang ang atensyon mo. Akin ka lang baby." Tengene. Wala na. Oo Percy! Iyong iyo na ako!

I quickly shook my head to erase those thoughts.

I can't form a single word. Bumibilis ang pintig ng puso ko pero kasabay nun ang takot na bigla na lamang umusbong sa mga sinabi niya.

Why do I felt like he's starting to get obsessed?

I shook my head again. Ano ba 'tong mga naiisip ko?!

Medyo oa ako sa part na yun ha.

To lighten up the tension between us, I did the only thing that I can think of. Binatukan ko siya. Oo! As in batok talaga. In english-- hmm. Nevermind.

"Why did you do that?!" Hindi ako nagpatinag sa sigaw nya at sa halip ay kwinelyuhan ko pa siya.

O diba? Ang lakas ko.

I glared at him and smirked inwardly when I saw him gulped.

"Ikaw na lalaki ka, ilang beses ko bang dapat ulitin na hindi mo ako pag-aari? You can't own me because I'm a person and not a thing. Saka childhood friend ko si Grey kaya wala kang karapatan para pagbawalan akong makipagkita sa kanya dahil una sa lahat hindi naman kita boyfriend. I'll do anything I want in my life!"

Pagkatapos ng speech ko ay agad akong nagwalk-out kasi mahirap na baka pigilan na naman niya ako at 'di na matapos ang usapan namin at tuluyan na akong madala sa mga mabubulaklak niyang pananalita.

Nang makalayo sa restaurant ay agad kong i-dinial ang number ni Mr. President. I need to hear his opinions and suggestions on how I can handle Percy right now.

Huminga muna ako nang malalim para pakalmahin ang sarili bago ko kinausap ang taong may gawa ng lahat ng 'to.

NAPALUNOK ako matapos ang pag-uusap namin ng doktor.

I told him about the events starting from how Percy thinks like a kid in the mansion then in here, where he got jealous because of Grey hugging me.

"It seems like you are the key that lead him to be mature based from the past events. Just continue his medications and take care of him Ms. Saira. I trust you with his life and heart."  Naging malabo na ang signal kaya't hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Mr. President sa huli.

Saglit akong napatigil, ako lang ba o may tinatago rin sa'kin si Mr. President?

Umiling ako at pilit kinalma ang sarili pero napuno na naman ng katanungan ang isip ko.

Can I really remain as only his nurse when my own heart beats otherwise?

~~~

Kayo beshies? Can you really remain as only his nurse kung ganyan ka-hot ang patient niyo?😂😂 meowooootttttt

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Where stories live. Discover now