Chapter 9

5.8K 132 3
                                    

Angeline

"ANONG pinakaayaw mong ugali sa isang tao?"

We are currently playing Twenty Questions but not really kasi lagpas bente na yata ang naitanong namin sa isa't isa.

Sa super bored na rin dahil hindi ko naman masyadong magets ang mga nilalaro niya sa computer kaya niyaya ko siyang maglaro nito.
Para na din makilala pa namin ang isa't isa nang lubusan hihihi.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto ni Percy at sa kamang inuupuan namin ngayon bago tumingin sa kaniya. Wala lang, trip ko lang tingnan ang paligid.

"Ayaw na ugali sa isang tao? Hmm. Una sa lahat, I hate liars. Ayoko talaga sa taong sinungaling. Kasi ayokong masaktan. Yung tipong binigyan mo ng buong tiwala tapos lolokohin ka lang. Like, paano nila kinakaya yun diba? Yung nakakaya pa rin nilang tumingin sa mga mata mo kahit na puro kasinungalingan na lang ang lumalabas sa bibig nila." Diretso kong saad.

I don't know if I am mistaken but I saw how his eyes shifted their direction from looking at me to the bedsheets and then at me again.

What was that?

Napakunot ang noo ko pero nagkibit-balikat na lang rin dahil naeewan na naman lang siguro ako.

"W-what is the other one?" Tanong nito at tinitigan ako nang matiim.

Naku Percy, don't look at me like that. Mas lalo kang nagiging hot sa paningin ko. Sige ka, dambahin kita diyan e.

Huminga ako nang malalim bago muling magsalita.

"Yung second at last siguro is yung taong insensitive. Mga taong hindi marunong makaramdam at makahalata na meron na silang taong nasasaktan pero patuloy pa rin nilang ginagawa yun. Like they are not aware that their actions or words can cut someone's heart. Ayoko sa mga taong gano'n kasi feeling ko napakawala kong kwenta para pagtuunan ng pansin at maramdaman kung nasasaktan ba ko or what."

The whole time I am saying those words, Percy's attention is on me. His face is so serious that I remembered what happened when I attempted to be a curious cat.

Nginitian ko siya saka tinanong.

"E ikaw? Anong ayaw mo sa isang tao?"

Lumipas ang ilang minuto na nakatitig lang kami sa isa't isa. I faced the opposite direction because I can't take his gaze anymore.

Heart, kelme ke leng. Wala pa nga siyang ginagawa kundi ang titigan ka, tumatambol ka na nang malakas. Paano na lang kung may gawin na siya? Baka hindi mo na kayanin.

Napalingon lang muli ako nang magsimula na siyang magsalita.

"I hate people who will leave me without letting me explain. We all have our dark secrets that we are scared if someone finds out. So why don't you let that people explain first right? Explain why it is so hard for him to gather the confidence and reveal that secret. Because maybe, he's protecting the secret because of you."

Nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Hindi ko inaasahang yun ang magiging sagot niya.

Seyoso na naman siya ngayon at tila may malalim siyang pinaghuhugutan sa mga sinabi niya. Yung titig niya ngayon sobrang nakakapaso. Para bang nagagalit siya na nasasaktan sa hindi ko mawaring dahilan.

May sikreto ka bang itinatago Percy?

"Pero sigurado ba yung may sikreto na nagawa na niya lahat ng alam niyang paraan para masabi dun sa taong yun? At kung pinoprotektahan nga niya yung taong yun, ibig sabihin lang na mahalaga siya para dun sa taong may sekreto. Another thing to say it to the person. Kung naiexplain mo na beforehand, mape-prevent na ang upcoming heartbreaks right?"

Natigilan siya sa aking sinabi. Tila ba binabalanse niya ang mga sinabi ko kahit na medyo nalito rin ako sa mga nasabi ko.

Taena, feeling ko ang mema at ang gulo ng sinabi ko.

Jusko naman kasi ang taglay na kakisigan ng nasa harap ko, nakakawala sa wisyo nga bes.

"But what if telling that secret will lead both of them to their death?" Seryoso niyang saad.

Umawang ang aking bibig kasi napakaseryoso na niya ngayon.

Death? What the hell?

I can't help but to bite my lip and a sudden thought occurred to me na hindi ko napigilang sabihin.

"Para namang sindikato yung may sikreto sa isang samahan kaya bawal niyang sabihin ang sekreto. Ano yun brother code ganern?"

Totoo ba ang sinasabi nila Percy? Na involve ang pamilya niyo sa isang Mafia?

Nagulat na lang ako nang bigla siyang masamid sa sariling laway. Oo sa sariling laway kasi wala naman siyang iniinom ngayon e.

I lightly pat his back to ease his stupidity.

I tsked. "Bakit ba kasi napakaseryoso ng usapan natin ngayon? Tara na nga kumain nagugutom na ako and I am sure ikaw din."

I was about to lead him out of his bedroom when he stopped me by holding my hand tightly against his.

"I want to go to Basijan. My family owns a resort on that island." He uttered in a deep sexy, voice suddenly.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. Island Basijan? Seriously? The rumored hidden paradise of the Philippines?

"What do you mean?" Tanong ko sa kaniya.

"Go with me. Help me erase the painful memories I experienced here."

G-go with him daw. As in kaming dalawa. Kami lang dalawa sa islang yun?

I can feel my face heating up as I imagined the scenarios I've read in one of my books. Yung virgin ka pa pagtapak ng paa mo dun, pero pag-alis mo juntis ka na!

"Hey! Are you listening? All right, because as a nurse, your job and responsibility is to ensure my health and comfortability in every situation. So of course you are coming with me. Together with Aling Isel and Butler Lucifer."

Nalaglag ang panga ko sa huli niyang sinabi.

Why do I feel a little disappointed? Gusto ko bang kami lang dalawa sa islang yun?!

Gusto ko nang lamunin ng lupa sa kung ano-anong naiimagine ko ngayon sa pasyente ko.

But what shook my core is the small smirk playing on his handsome face while going out of the room.

What the heck is that?!

~~~

What the heck was that Evangeline?😂

Ang mga isip niyo rin mga kapusanggala ha, baka iba na iniisip niyo diyan. Hmm.

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon