Chapter 5

6.7K 171 8
                                    

Angeline

"I WILL let you find out what I mean with special case Ms. Saira. Good luck."

The words of Dr. Baldey rang in my head like a broken radio.

So this is what he meant by his special case?

Nagulat ako nang biglang sumara ang pinto.

Shit. I probably scared him just now.

Alam kong hindi ako maganda pero tama ba namang pagsarhan ako ng pinto kasi mukha akong isda sa shocked expression ko?!

Huminga muna ako nang malalim at tinungo ang kwartong pananatilihan ko habang inaalagaan ko si Percy. Katulad ng kabuuan ng mansyon ay elegante rin ang kwarto ko.

After ko maayos nang slight ang aking mga gamit at ilabas sa isang bag ang mga kakailanganin ko mula damit pampalit at pang-refresh, nagtungo na ako sa banyong kasing laki ng kwarto ko sa bahay.

Mag-iisang oras rin akong nagtagal sa banyo kasi inenjoy ko ang pagtitingin ng kung ano-anong bagay doon.

Sorry naman, taga-bundok lang ang peg.

Dumiretso na ako ng kusina para i-check kung kumakain ba si Percy kasi 12:30 na. Maski ako nga ay kumakalam na ang sikmura.

Naabutan ko doon ang isa--hindi, tatlong platong ngayon ay basag basag na. May kasama rin itong baso at isang mangkok.

"Magandang araw po ako po si Angel. Makakasama nyo na po ako araw-araw dito as Percy's nurse. Kung hindi nyo po mamasamaiin pero ano pong nangyari dito? Saka kumain na po ba si Percy?" Hindi ko na mapigilan ang pagiging madaldal at dala na rin ng matinding kuryosidad kaya nagtanong na ako.

Ngumiti ang wari ko'y mayordoma ng mansyon base na rin sa kaniyang suot na damit. Niyaya niya akong maupo sa isang silya sa harap ng counter.

"Ako naman si Aling Isel, ang mayordoma ng mansyon na ito. Nagugutom ka na ba? Ipaghahain kita." Wala na akong nagawa sa bilis niyang kumilos para ipaghanda ako ng makakain kaya't napangiti na lamang ako bilang pasasalamat sa pag-asikaso niya sa akin.

"Tungkol sa tanong mo kanina. Nabasag o mas tamang sabihin na binasag yan ni Percy. Kapag hindi nagustuhan ang pagkain ay basta na lang nitong itatabig. Nurse ka kaya't sana ay maintindihan mo ang kalagayan niya ngayon. Dala ng matinding trauma kaya siya nagkakaganyan ngayon. Lumala pa siya kaysa dati." May binulong pa siya na hindi ko naman narinig kaya binalewala ko na lang.

Napaisip ako nang ilang sandali at saka napangiti sa ideyang pumasok sa utak ko.

"Salamat po sa pag-inform nyo sa'kin Aling Isel. Pwede nyo po bang paghandaan uli ng pagkain si Percy? Gusto ko po siyang pakainin. At masama rin po sa isang tao ang nalilipasan ng gutom." Ngiti ko at nagdadasal na gumana ang pinaplano ko.

Saglit siyang napatigil ngunit bahagya rin siyang napangiti.

"Good luck Angel. Good luck talaga." Ngiti nito sa akin na may pag-aalalang mababanaag sa mga mata.

Nagpasalamat ako kay Gracia na isa sa mga maid dito sa mansyon at napagpasyahan nang kumatok after calming my nerves.

Bakit tila puro sa pinto na lang ang eksena ng buhay ko? Puro revelation ang laman ng mga pinto ah! Parang ayaw ko na tuloy humarap sa pinto!

Dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip rito ang isang guwapong binata na kung nasa tamang pag-iisip lang ay matagal ko nang na---okay, let's erase that freaking about to be green thought of mine.

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon