Chapter 12

4.7K 97 4
                                    

Angeline

I'M ON my way to bring Percy's milk.

Nakakwentuhan ko rin sina Aling Isel at Butler Lucifer na kakatapos lang mag-swimming. Ang taray nga ni Aling Isel e. Mas sexy pa ang dinalang two piece kaysa sa'kin.

Nahiya naman ako. Siguro bukas na lang ako magsi-swimming. Plano ko kasing libutin muna ang buong isla at puntahan ang bahagi nito na puno ng mga puno ng buko.

Nami-miss ko na kasi ang uminom ng buko juice. Last month pa yata ang huli kaya feeling ko naglalaway na ako sa inuming yun. Marami rin kasi siyang benefits sa katawan kaya paborito ko talaga siya.

Nakakakwentuhan ko na nga rin si Manong Usoy kapag bibili ako ng buko juice sa tanghali. Tig-five lang kasi kaya oks sa budget pero syempre ang binibili ko ay tig-kinse para hindi bitin ang sarap.

Dire-diretso na akong pumasok sa kwarto niya nang hindi kumakatok pero nagtaka ako nang hindi ko siya maabutan sa bed niya.

Ipinatong ko muna ang dalang tray na may baso ng gatas sa mini table na nakita ko dito sa may sala ng kwarto niya.

Nasa'n naman kaya ang lalaking yun?

After i-check ang banyo, pinuntahan ko naman ang veranda at doon nakita si Percy na parang may kausap.

Sino kaya ang kausap niya?

Ngayon ko lang siya nakitang may kausap sa cellphone kaya nakakapanibago talaga.

Naku, siguraduhin lang niyang hindi yung chix kundi--char lang. Mukhang wala naman ang ganung bagay sa isip niya ngayon pero kung hindi yun, then ano?

Pupuntahan ko na sana siya nang mabato ako sa kinatatayuan sa mga salitang kailanman ay hindi ko naisip na maririnig mula sa kaniya.

"Prepare the guns and bombs Lucifer. I'll fucking kill him after this vacation. Dig deeper and gather every fucking data that we can use against that motherfvcker!" Binaba na niya ang tawag at hinihingal pang ibinagsak ang cellphone sa balkonahe.

Kill?

Guns and bombs?

Data?

S-saka motherfvcker?!

Tila galit na galit siya at gusto niyang manuntok sa oras na 'to.

Shit!

S-si Percy ba talaga ang nakikita ko ngayon?

Kinusot ko ang mga mata at tumingin uli sa kinatatayuan ni Percy.

S-siya. Siya talaga yun.

Unti-unti akong umatras kasabay ng malakas na pagbundol ng aking dibdib.

Bakit parang papatay talaga siya?

Bakit parang hindi siya si Percy?

B-bakit. Bakit parang iba talaga siyang tao?

Tama ba ang kutob ko sa kaniya sa simula pa lang?

Totoo ba talagang involve nga ang pamilya nila sa mafia?

Sa kakaatras ko hindi ko napansin na malapit na pala ako sa mini table at hindi sinasadyang natabig ito. Kung kaya nahulog ang dala kong tray kanina.

Agad napalingon sa gawi ko si Percy dahil sa ingay na nilikha ng basag na baso at pagkalampag ng tray sa sahig.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko pero ang gusto ko lang ngayon ay ang tumakbo at lumayo sa lugar na 'to.

Tumalikod agad ako at tumakbo papunta sa pinto.

"A-angel! Angel wait!" Natataranta nitong pagtawag sa akin.

'Di ko alam kung talagang malas ako o ano kasi hindi ko mabuksan ang pintong maayos naman kanina.

"Taena anong problema mong pinto ka?!" Inis na sigaw ko.

Mas lalo akong kinabahan nang marinig ang nagmamadaling hakbang ni Percy.

Shit! Anong gagawin ko?! Ba't naman kasi bigla na lang nasira 'tong pinto?!

Nananadya lang ang peg?!

Jusko, sa pintuan na naman ang eksena ng buhay ko!

"Angel let me explain please." Naramdaman ko na lang ang dalwang brasong bigla na lamang pumulupot sa bewang ko. Ipinatong niya ang kanyang baba sa ulo ko. (Oo! Ganun ako kaliit! Whatever.)

"P-percy. Let me go!" I did everything to be free from his grip but to no fvcking avail, I'm still in his arms.

"Stop moving Baby, nabubuhay si Pare" He huskily whispered near my ear.

"P-pare?" There I felt his buddy getting excited.

Agad ko siyang tinulak at hinawakan uli ang doorknob pero ayaw talagang bumukas ng peste! Ilang sandali lang ay naramdaman ko na lang na lumulutang ako.

Oh my God!

Yung powers ko! Activated na?!

Gusto kong batukan ang sarili at agad binura ang mga walang kwentang naiisip nang marealize na buhat na pala ako ni Percy.

Sayang, akala ko may powers na talaga ako!

"Percy! Ibaba mo ako!" Sigaw ko sa kaniya dahil nalulula na ako.

Ba't ba kasi ang tangkad ng lalaking 'to?!
Unfair ha!

"Percy! Ibaba mo ako!" Muli kong sigaw at nagpumiglas sa kaniya.

Maingat niya akong ibinaba sa kama at nang aktong tatayo ako ay hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko.

"Stay. At least let me explain my side. Please Angel. Please. Give me one more chance." He pleaded with his stormy blue eyes.

He held my hands and gave me a firm grip.

Biglang pumasok sa akin ang pinag-usapan namin sa kwarto niya.

"I hate people who will leave me without letting me explain. We all have our dark secrets that we are scared if someone finds out. So why don't you let that people explain first right? Explain why it is so hard for him to gather the confidence and reveal that secret. Because maybe, he's protecting the secret because of you."

Eto na ba yun?! Grabe! Hindi ako handa!

"Please." My whole system came crashing down as I noticed a tear falling down his handsome face.

Oh Percy.

Bakit kahit merong pwersa na pumipigil sakin para bigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag mas nananaig pa rin sakin ang pakinggan siya.

Ang pakinggan kung ano ba ang totoo.

I sighed and faced him. I nodded my head as a signal.

Mababago ba ng kwento at totoong pagkatao ni Percy ang nararamdaman ko sa kanya?

~~~

Ano nga ba ang totoo? 😽Hmmm...

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Where stories live. Discover now