Chapter 6

6.5K 150 10
                                    


Angeline

I WAS busy humming a random tune while also finding the man---more like a boy with his state of mind right now.

Para na rin akong nag-totour sa malawak na labas ng mansiyon ng mga Trinidad.

Ramdam ko ang malamyos na simoy ng hangin at ang huni ng mga ibon sa puno.

Ilang minuto rin akong naglakad hanggang sa makita ko ang pakay ko.

Percy.

Mag-isa siyang nakaupo sa swing at inuugoy ito sa tamang bilis.

Dahan-dahan akong naglakad sa kinaroroonan niya at nilapat ang mga kamay ko sa balikat niya.

"Boo!" Sigaw ko rito at matatawa na sana nang hindi ko inaasahan ang sunod niyang gagawin.

Sa halip na sumigaw katulad ng inaasahan ko ay ginawa niya ang bagay na nagpalaki ng mga mata ko.

He expertly pulled me to his arms and snaked one hand to my waist and held my hands with the other.

"P-percy." I don't know what's wrong with me but I just found myself blushing a shade of red.

With this close proximity I can't help the way my heart beats like a runner. Napakalapit niya at sa sobrang lapit niya kitang-kita ko kung gaano siya kagwapo.

Ang mga kilay niya'y tila iniukit ng Panginoon. Nakakaakit ang pilantik ng kaniyang mga pilik-mata. Ang kulay ng mga mata niya ay parang dagat at kagubatan. Napakaganda.

"What are you doing?" Sabay naming tanong sa isa't-isa.

Umubo ako at mabilis na tinanggal ang kamay niyang nakapalibot sakin. Kahit na gusto kong damhin pa ang muscles niya, syempre preno muna ako ngayon.

"H-hinahanap kita. Kanina pa kasi kitang hindi nakikita." Utal kong pahayag.

Umupo ako sa kabilang swing saka uli siya hinarap.

"Okay ka lang ba?" Basag ko sa katahimikang bumalot sa'min.

Nakatulala lang siya sa langit at nakakunot ang noo.

"Percy." Tawag kong muli sa kaniya.

Itinaas ko ang kaliwang kamay at akmang hahawakan siya nang mabilis siyang umiwas sa'kin at tumayo.

Bakit kumirot ang puso ko sa iniakto niya?

"Leave me alone." Malamig niyang saad at mabilis na naglakad patungo sa loob ng mansyon.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagpasyang hayaan muna siyang mag-isa.

Bahala siya diyan. Gusto pa yata niyang agawin sa'kin ang pagiging 'Drama Queen' e.

***

HE has a trauma.

A very special trauma that affects the functioning of his brain. It shocked the hell out of me to know how special his case is.

However, something is out of place. Something is definitely strange.

It has been a whole month since I became his nurse and I noticed something. It was like he is protecting some sort of a secret. But the question is, what is it?

Naalimpungatan ako nang may maramdamang tila may nakamasid sa'kin.

Dahan-dahan akong lumingon katulad ng mga napapanood ko sa T.V. na horror movies. Pinalaki ko na rin ang mga mata kasabay ng paghanda sa aking vocal cords para sumigaw.

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Where stories live. Discover now