Chapter 43

3.5K 62 2
                                    

Angeline

RAMDAM ko ang hanging tumatama sa mukha ko habang tulalang nakatingin sa mga sasakyang nakakasalubong namin.

"Welcome to Laguna." The guy whispered.

Hindi ko namalayang tumigil na pala kami kung hindi pa ako mahinang tinapik sa braso ng lalaking basta ko na lamang hinila kanina.

Sa tansya ko ay mahigit tatlong oras rin kaming bumiyahe. Kaya naman ramdam ko ang sakit sa pwetan ko at ang pagkangalay ng mga brasong wala akong choice kanina kundi iyakap sa lalaki.

"A-ano?" Wala pa rin sa sariling tanong ko.

Tumingin ako sa paligid at nanlaki ang mata nang nakitang nasa harap na kami ng isang hotel.

I quickly took a step back and gazed at him afraidly. Damn it, bakit ba ang tanga ko? Basta na lang akong nagtiwala sa taong hindi ko naman kilala.

Napatingin ako sa paa kong kanina lang ay sumasakit, himalang bigla na lamang nawala ang pagkirot nito na siya namang pinagpapasalamat ko.

Itinaas niya ang mga kamay at ngumiti na para bang pinapakalma ako, "Hey, hey. Hindi ako masamang tao, okay? I mean, you're the one who needed my help anyway." He ended it with a chuckle. Na para bang nakakatawa ang mga nangyayari ngayon.

I also noticed how his accent has a little bit of something into it, like he's not used in speaking Filipino. With that, I quickly observed him.  Matikas ang kaniyang katawan kahit medyo payat. He has a white hair--like literally white and a fair complexion. His eyes are hazel and it turns even lighter when the light is hitting it.

He's wearing a leather jacket with a white shirt inside, paired with ripped jeans and boots. He even have a piercing on his lower lip and left ear. His posture though, I don't know but it screams authority and power. Badboy na badboy ang dating ni kuya pero yung attitude niya more on the playful side.

I don't even know with myself, basta magaan ang pakiramdam ko sa lalaking 'to. Despite his appearance and all.

Nang napansin niyang pinagmamasdan ko siya, siya naman ang umatras mula sa akin at biglang niyakap ang kaniyang katawan.

"Hey! Stop eye-raping me!" He exclaimed and took a step back again. I rolled my eyes at him and failed not to let out a small smile with his silliness.

With my smile, he stopped hugging himself and chuckled again, "Finally, I saw you smile." I cleared my throat and looked at him from under my lashes, "Thank you nga pala sa kanina." I quietly said.

"No problem. Sino bang magtutulungan? Edi tayong mga sawi sa pag-ibig." He laughed again and this time, I looked curiously at him.

"But no, I'm not going to tell my story and I won't force you to tell yours." He smiled again, but it was a fake one. Saka ko lang napansin ang itim sa ilalim ng mga mata niya. Like he's not sleeping well or did not sleep at all this past few days.

Napatingin ako sa entrance ng hotel, may tao doong sumesenyas sa lalaking kausap ko ngaun. Mabilis din nitong tinawid ang distansiya at humahapong nagsalita, "Your ma--,"Not a word about that." Putol ng lalaking may puting buhok sa kakarating na lalaki na agad namang yumuko at nanatiling nakatingin sa ibaba.

Anong ginagawa niya?

I seriously need to know their names though.

"Here, c'mon---wait, what's your name?" He smiled sheepishly. Inaya niya ako papasok ng hotel na may pangalang, 'Onio's Lil Palace' at naupo kami sa may lobby malapit sa receptionist. Nanatili namang nakayuko ang lalaking lumapit sa amin kanina at tumayo lang sa may gilid.

"Evangeline." I said while roaming my eyes to the interior design of the hotel. It looks elegant, simple but it screams how rich the owner of this hotel is. "The name is Thor and yeah, welcome to one of my hotel here in the Philippines. You can stay in here while you know-- you're healing." Napanganga ako sa sinabi niya, so siya pala ang may-ari ng hotel na 'to.

"Here's my personal assistant, Baron." Parang hindi mapakali ang assistant na tinutukoy ni Thor pero hindi ko na lang ito pinansin. Siguro ay napagod siya kakahanap kay Thor kanina.

Tumingin ako kay Thor at ngumiti nang alanganin, "Ah, kase, h-hindi ko yata kakayaning magbayad dito kahit one night lang." Not that I don't have money, it's just that, this looks so freaking expensive! Mamumulubi yata ako rito para lang hindi makita si Percy.

He chuckled, "Don't worry, okay? Your stay in here is free as well as the food and all. It's because you remind me of my little sister too." He stared at me with a look of sadness but I refrained myself from asking. Not your business, Angel.

"Salamat." I sincerely said in which he waved his hands. "Small things. But I gotta go already. See yah when I see yah. Baron, assist her and make sure that she's comfortable." With that, he left me and rode on his motorcycle again going God-knows-where.

"Follow me young lady." Mukhang mas matanda sa'min ni Thor si Baron at mukha rin siyang masungit pero binalewala ko na lang ito.

Pagkatapos naming kunin ang susi at i-tour ako ni Baron sa lahat ng floor ng hotel na ito ay umakyat na kami sa ika-20 palapag ng hotel ni Thor. I am amazed to see na hindi lang puro bedrooms ang nasa hotel na 'to. May gym place, 2 floors with swimming pool, different stores, underwater aquarium, art museum at marami pang iba.

Bumili na rin ako ng gamot na ipapahid ko mamaya sa mga gasgas ko sa braso at binti. Short kasi ang napili kong isuot sa pagmamadali kanina.

Nanlalata na ako nang makarating kami sa pinto ng pansamantalang magiging kwarto ko. Kung sa pinto pa lang ay napanganga na ako, jusko hihimatayin na yata ako nang makita ang loob ng silid. Napakaperpekto ng pagkakadisenyo nito. Nakakadagdag rin ng thrill at excitement na nasa pinakataas ako ng gusaling ito.

"I'll order the staff to bring your breakfast here. For now, I shall take my leave." Yumuko muna ito sa akin bago lumabas ng pinto.

Napakunot noo ako sa naging akto niya maging sa kung paano siya magsalita pero hindi ko na lang ito pinansin. Baka masyado lang siyang magalang.

Ibinaba ko na muna ang susi at bag ko sa center table. Muli na naman akong napanganga nang makita ang glass wall at ang sikat ng araw. Alas-siete na pala ngayon.

Napabuntong-hininga ako at nagpasyang matulog muna.

~~~

Ano kayang role ni Thor at Baron?😆

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Where stories live. Discover now