Chapter 27

3.3K 68 0
                                    

Angeline

NAGISING ako sa isang pamilyar na silid.

Kulay puti ito ngunit may disenyong pang-bahay. Maaring isa itong personal clinic, ngunit nino?

Pinalibutan ko ng tingin ang buong kwarto at sa pagtagal unti-unti na itong nagiging pamilyar.

T-teka! Bakit ako nasa clinic ng bahay ni Psylach?!

Saka ko lang napansin ang IV na nakakabit sa'kin. Naaksidente ba ako?

Anong nangyari?

Nasa'n si Percy?

My thoughts are cut off by a sound of the door opening.

Bumungad sa'kin ang masayang mukha ni Psylach at ang nagmamadali niyang pagtakbo saka ako niyakap.

"Gaga ka talaga! Pinag-alala mo ang baby face kong mukha kaya feeling ko magkaka-wrinkles na ako nang dahil sayo!" Maarte pa siyang humawak sa noo niya at sinipat kung may wrinkles na ba siya.

Kahit kailan talaga ang lalaking ito.

Napailing na lang ako at bahagya kong tinulak ang sobrang lapit niyang mukha sa akin at pinunasan ang mukha kong natalsikan ng laway niya. Eww.

Inabot ko ang tubig at sandaling uminom bago ko siya ratratin ng tanong.

"Bakit ako nandito? Nabangga ako diba? Sinong nakabangga sa'kin at nasa'n na ang hampaslupang yon? May nagligtas sa'kin di'ba? Sino siya at ba--" Sunod-sunod kong tanong na sinamaan niya ng tingin.

Kinurot niya ang kanang pisngi ko nang mahina saka ako sinenyasang kumalma at nagsalita.

"First of all, may nagligtas nga sa'yo kaya kaunting galos lang ang nakuha mo but I don't know his name." Napasinghap ako sa narinig.

His? So totoong lalaki ang nagligtas sa'kin at bumulong ng nakakatakot na mga salita na yun?

Hindi ko mapigilang kabahan at kahit aircon ang kwartong 'to ay pinagpawisan ako nang malamig. Napansin naman yata ni Psylach yun kaya tumigil siya sa ambang pagsalita.

"Are you okay Cupcake? You seemed a little tense when I mentioned about who saved your life. Tell me, what's the problem?" Nag-aalala nitong tanong sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil na parang yun ang paraan ng pagpapakalma niya sa'kin. Seryoso siyang tumingin pero may bahid pa rin ng pag-aalala ang kaniyang mukha.

I contemplated whether I should tell him or not but I chose to do the first one.

"Ba-bago kasi ako tuluyang himatayin dahil sa pagkakasagasa sa'kin may naaninag pa akong lalaki na siyang bumuhat sa katawan ko at b-bumulong ng, You are mine now, mahal ko. N-natatakot ako Psylach. Lalo pa't nasisigurado akong hindi siya si Percy."

At the mention of his name I can't help but to feel sad and that familiar feel of pain creeping through my heart.

Natulala si Psylach sa sinabi ko at tila gulat na gulat.

Pero pagkaraan ng ilang segundo ay niyakap niya ako uli habang sinusuklay ang buhok ko.

"Wag kang mag-alala Cupcake, nandito lang ako. Kung sino man yang creepy stalker mo, yun ang dapat nating alamin. At saka marami ka pang kwento about sa nangyari sayo for the past months pero maiintindihan ko naman kung ayaw mo pang sabihin sa'kin kasi ramdam kong may sakit kang dinaramdam ngayon. Pero wag mong kakalimutan na nandito lang ako lagi, nandito lang ako for you Cupcake." Seryoso niyang wika at nginitian ako.

Hindi ko na napigilang mapangiti at makaramdam ng kahit papano'y kaginhawaan sa mga sinabi ng matalik kong kaibigan.

Ngunit ang hindi ko alam ay may taong labis na nagngingitngit at sobrang nagseselos sa nakikita niyang yakapan.

At hindi ko rin alam na may labis na nasisiyahan sa nagaganap ngayon.

~~~

Sino nga ba ang nagligtas?

Sinong hula niyo meowskiii?

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Where stories live. Discover now