Chapter 24

3.5K 71 0
                                    

Angeline

DAY 1

Nakataas ang paa niya sa center table ng sala habang nagbabasa ng magazine about business.

Ginaya ko ang tayo niya at inilagay sa hita ko ang plato ng manok na niluto pa ni Aling Isel.

Oo, yung fried chicken with secret ingredients at sauce ala-Isel ang kinakain ko ngayon.

Naalala ko kasing dito nagsimula kaya't ito na rin ang ginamit kong starting point. Sana lang gumana kasi ito ang pinakasimula ng mga plano ko.

Gamit ang kamay ay masaya kong kinain ang hita ng manok sa harapan ni Percy pagkatapos isawsaw sa sauce.

I moaned with the taste. It's still so delicious na mahihiya ang lasa ng nagtatayuang sikat na restaurant dito sa bansa natin.

Naku dapat talaga magtayo na ng negosyo si Aling Isel. Ako angmagiging number one fan niya!

Syempre, hihingi na rin ako ng discount 'pag nagkataon hihihi.

Mukha namang nakuha ko ang atensyon niya ngunit ibang atensyon nga lang.

Magkasalubong ang kilay na tinitigan niya ako na kasalukuyang nginunguya ang pagkain.

"If you wanna eat, why don't you go to the kitchen? Yun ang tamang lugar sa pagkain at hindi dito sa sala na kahit anong oras ay pwedeng may dumating na bisita." He eyed me once again and went upstairs.

Ang taray ng kuya niyo pero hindi ako magpapatalo!

Tumaas ang kilay ko pero napangisi sa napansin ko kanina bago siya tuluyang tumalikod sa akin.

Napalunok siya at tila ba natatakam sa kinakain ko. Nahiya lang ang lokong makisalo. Tsk. Pwede ko naman tong ishare sa kaniya e.

Napailing na lang ako at itinuloy ang pagkain.

At least nakuha ko ang atensyon niya kahit papa'no.

Day 5

Kinailangan ko pang kagatin ang ibabang labi para mapigilan ang hagikhik na gustong kumawala sa bibig ko.

Binuhaghag ko ang mahaba't itim na buhok bago kumatok sa kwarto ni Percy. Winisikan ko rin ang pisngi ko ng unting tubig para magmukhang umiyak talaga ako.

"Tsk. Who the he-- what the fvck?!" Nanlalaki pa ang mata ni Percy nang sinabi niya yan.
Pinigilan kong tumawa at tumikhim para sumeryoso at maisagawa na ang acting ko.

Sayang hindi natuloy ang pagtili niya! Naku, 'pag nagkataon, baka hindi ko mapigilan ang pagtawa kaya okay na rin na sumigaw lang siya hihihi.

"B-baby binangungot ako. H-hindi ako makatulog." May pasinok-sinok effect pa akong ginawa at for the best part ay ang tulo-luha na ginawa ko pagkatapos kong pumikit ng mariin.

Iba talaga kapag nasa akin ang korona!

Nang buksan ko naman ang mga mata ko ay nakita ko si Percy na parang naiilang at hindi alam kung ano ba ang dapat gawin sa kalagayan ko ngayon.

Pero tumambol ang puso ko nang masilip ang isang emosyon sa kaniyang mga mata.

Concern...

Concern siya sa'kin!

Bago pa ako makatili sa isip ko ay nagsalita na si Percy. "A-are you okay though? Don't worry I will let you sleep here in my bed tonight." He cupped my face for a minute but after a while he went to his room in a speed of light.

Muling kumabog ang dibdib ko nang hawakan niya ang mukha ko kahit na sa maikling sandali lang.

Iba pa rin talaga ang epekto niya sa sistema ko. Nakakaloka pa rin.

'Di ko alam kung papasok ba ako or babalik na sa kwarto ko kasi mukhang naawkwardan na siya.

Napabuntong-hininga na lang ako at tatalikod na sana nang may kamay na pumigil sa braso ko.

"Where are you going? I know that you're far from okay. So stay here in my room. Babantayan kita hanggang sa makatulog ka."
Ang bilis ng mga pangyayari at narito na ako ngayon sa kwarto ni Percy at nakahiga samantalang siya ay nakaupo sa sahig sa kaliwang bahagi ko.

Inalis ko na lang rin sa isipan ko ang alaalang kasama niya dito pumasok ang babae niya. For now, I will enjoy this moment with Percy.

And for the first time since he woke up from the hospital, he smiled...

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Sandali akong natigilan...

Ngayon ko lang na-realize kung kaano ko nami-miss si Percy.

Ang mga ngiti niya.

Ang mga tawa niya.

Ang pamilyar niyang ngisi at ang mga pagseselos niya.

Nami-miss ko na si Percy.

Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang dating kami. Ang dating makulit na siya.

"Don't worry, everything's going to be alright. It's just a nightmare." Masuyo niyang sabi na humaplos sa puso ko.

At ewan ko pero ang himbing ng tulog ko nang gabing yun. Tila napaka-positibo ng lahat dahil nagsisimula ng maging concern sa akin si Percy.

Sana lang talaga maalala na niya ako.

~~~

What do you guys think?

Percy's action? Is he really concern?

Just a short chappy for what's to come beshies!

I'd love to know your thoughts so just comment down love!❤

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Where stories live. Discover now