Chapter 15

4.8K 113 5
                                    

Angeline

And I think I'm starting to fall in love with you.

And I think I'm starting to fall in love with you.

And I think I'm starting to fall in love with you.

NAPAILING na lang ako at ipinilig ang aking ulo para mawala ang pangungusap na labis na nagpapagulo ng aking sistema at nagpapahurumentado ng aking puso.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa counter ng resto  nang may nakita akong nakakadiring pangyayari.

There, the Legendary Mafia King with a freaking frog--este babae na mukhang palaka and you-know-what-I-mean, ayokong mang insulto masyado, laughing with each other.

May pahimas-himas pa itong si Froggy na mukha namang espasol sa tindi ng kapal ng harina sa mukha! Letse!

Binalingan ko naman ng tingin si Percy na mukha pa yatang nag-eenjoy sa himas ng palaka sa braso niya at pangiti-ngiti pa.

Napansin niya siguro na may nakatitig na sa kanya kaya humarap siya sa gawi ko.

Tama! Madala ka sa tingin! Peste ka!

"Hmp!" Sinadya ko talagang dumaan sa gawi ni Froggy at ifi-nlip ang mahaba kong buhok sa mukha niya. Para naman itong napuwing sa buhok ko na sinadya kong ipatama sa buhok niya.

Tsk! Mabulag ka sana Froggy! Taena ka! Inaagaw mo ang Baby ko!

Rinig ko pa ang pagtayo ni Percy pero 'di ko na ito nilingon kahit pa tinawag niya ako. Mabilis akong pumunta sa garden-like location ng isla.

Peste! Bakit ba ako naiiyak?!

Umupo ako sa malaking bato at inayos ang pagkakaupo. Bwisit! Kaya siguro ako emotional because I'm on my period right now.

"Argh! Bwisit kang lalaki ka! Parang kagabi lang may pasabi sabi ka pang 'And I think I'm starting to fall in love with you' blahblah! Tangina. Alam mo bang ang daya mo? Nagsisimula ka pa lang mahulog sakin pero ako hulog na hulog na sayo. Sino naman daw ang sasambot sakin kapag 'di ka natuluyang mahulog sakin diba? Ano? Broken ang peg ko?! Ganern? Tangina. Ang sakit pala magselos." Pagda-drama ko.

Pinunasan ko ang luhang walang tigil sa pagtulo pati na rin ang tumutulong uhog ko.

Letse naman! Nagiging dugyot ako dahil sa lalaking yun e!

Napatigil ako sa pag-eemote nang may magtakip ng mga mata ko. Tsk! Sino naman kaya ang hinayupak na 'to?

"Tatanggalin ko 'to if you promise me that we will talk. Okay?"

Percy.

Alam ko nang si Percy 'to kasi narinig ko na naman ang boses niyang nagpapasikip ng dibdib ko. 'Di ko nga lang maamoy kanina kasi barado ng sipon ang ilong ko.

Agad akong tumango dahil gusto ko na ring mapalayo sa kanya. Feeling ko kasi sa paglapit pa lang niya natutunaw na ang galit na bumabalot sa puso ko.

Umupo kaming dalawa sa batong inupuan ko at pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan.

"Remember that I need to act like a child, Angel. I'm sorry. Kung pwede ko nga lang iwan agad yung babae kanina ginawa ko na but she's part of the game Baby. Isa siya sa mga tauhan ko na nag i-spy kay Arthuro. But you know what?"

He lifted up my chin and made me face him.

I gasped when I saw a whirlwind of emotions showing through his eyes. He gave me a genuine smile and let our foreheads touch. "I am willing to repeat the scene earlier just to hear you saying those words again."

He kissed the tip of my nose and gave a tiny smirk. "Na hulog na hulog ka na sa'kin at nagseselos ka. Baby you don't know your effect on me. I felt ecstasy."

Nang unti-unti na siyang lumapit para halikan ako ay agad kong pinitik ang noo niya. Napa-aww naman siya at binigyan ako ng nagtatakang tingin.

"Sinaktan mo pa rin ako. Nasaktan pa rin ako." 'Di nakatinging saad ko.

Hinagilap niya ang mga kamay ko at hinawakan iyon. "That's why I'm very sorry Baby pero dahil do'n ay nalaman kong nahuhulog ka na rin sakin. At nagseselos ka." Humalakhak siya at nang tingnan ko ay abot-tenga ang ngiti nito.

Hindi ko na rin napigilang ngumiti kasi nakakahawa ang smile niya. Nag-init ang magkabilang pisngi ko nang bigyan niya naman ako ng mapanuksong tingin.

Shet, ba't ba ang gwapo gwapo mo Percy?

Dahil hindi ko na makayanan ang mga nagaganap sa sandaling ito ay tumayo na ako at nagsimulang tahakin ang daan pauwi sa hotel.

Mukhang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko dahil ilang sandali pa lang ang nakalipas naramdaman ko kaagad ang matipuno niyang mga braso na dumantay sa bewang ko.

"Nope. No way I will let you leave me Angel. No fucking way." His  grip on my waist tightened as he pulls me closer to his body.

My breathing hitched. I can feel that freaking drums in my chest. Thundering like a million elephants!

"P-pero pupunta lang naman ako sa lo--" His soft warm lips cut my words and my heart hammered.

Isa lang ang nasa isip ko habang sakop ng Adonis na ito ang buo kong pagkatao sa pamamagitan lang ng isang halik.

Enebe!  Kung gusto mo ng kiss dapat nagsabi ka lang! Nakakagulat talaga itong si Percy kahit kailan!

Sinagot ko ang matamis niyang halik kasabay ng malakas na tibok ng aking puso.

Makalipas ang ilang sandali, pinakawalan na niya ang mga labi ko pero nakayakap pa rin siya sa'kin.

Kapwa kaming naghahabol ng hininga pero napatigil ako sa mga salitang binitiwan niya.

"I love you Angel. More than anyone in this world." Parang nakikipagkarera ang puso ko. Para akong isang runner na nagwagi ng gintong medalya. At sa sitwasyong 'to, panalo talaga ako. Panalong-panalo. Sa abs pa lang niya, aba'y panalo na sad'ya!

I smiled widely at him and saw how his ears turn a shade of red. Shit! Is he really blushing right now? Sa halip na tuksuhin ay sinagot ko ang sinabi niya.

"I love you too Percy." At sa pagkakataong ito, ako naman ang buong pusong humalik sa kaniya.

What's the point in threading a lie when my heart already beats the truth anyway?

Mahal ko ang lalaking 'to. Mahal na mahal.

~~~

Naku, froggy alert!

What's your thoughts about the story so far?

Gusto niyo rin ba ng kiss mula kay Percy?

Don't forget to VOTE and COMMENT if you want to mga kapusanggala! ❤Kung gusto niyo lang naman AHAHAHAHA basta nagsusulat lang ako dito sa tabi-tabi😂😆

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Where stories live. Discover now