Chapter 38

3.2K 70 2
                                    

Angeline

MAYROON akong naririnig na isang pamilyar na boses na kumakausap sa akin.

Pilit kong tinitingnan kung sino ang taong yun ngunit madilim na paligid ang bumungad sa akin.

Tila nagmumula sa taas ang kumakausap sa'kin. Sinusubukan kong igalaw ang katawan ko ngunit nanatili akong nakahiga sa isang malambot na bagay.

Hanggang sa kainin na naman ako ng dilim...

***

PUTING kisame ang bumungad sa'kin nang tuluyan ko nang imulat ang mga mata ko.

Nasa hospital ako.

Hanggang sa unti-unting bumalik sa'kin ang mga kaganapang nangyari nang gabing yun.

I shook my head to stop myself from crying. Hindi ko muna iisipin ang bagay na yun, may dapat muna akong alamin ngayon.

"No." Bulong ko sa hangin at umiling.

Hindi totoo ang mga sinabi ng lalaking yun.

Hindi totoong ampon lang ako at... hindi totoo ang isa pang napagtanto ko ngayon sakali mang nagsasabi nga siya ng totoo.

Hindi pwede. Hindi ko iyon matatanggap.

Dahan-dahan kong iginalaw ang kanang kamay at pilit inaabot ang basong may lamang tubig na katabi ng kamang kinauupuan ko ngayon.

Parang disyerto ang lalamunan ko sa sobrang tuyo.

Ngunit dahil sa panghihina, nabitawan ko ito at nahulog sa sahig. Natigil ang tunog ng tubig na sa tingin ko'y nangagaling sa shower ng banyong nasa loob ng silid na ito.

Napatingin ako nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa nito si Percy.

Umiwas ako ng tingin para itago ang biglang pag-iinit ng mga pisngi ko. May tapis lang kasi siyang isang maliit na tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan niya.

Kahit na hindi ko na siya nakikita ay tila naka-imprinta na ang imahe niyang may tumutulong tubig mula sa kaniyang buhok hanggang sa kaniyang matigas na dibdib, sa kaniyang abs at sa bagay na yun na itinatago ng tela mula sa aking mga mata.

Kung wala lang kami sa sitwasyong 'to baka kanina niya pa ako inulan ng panunukso sa paninitig ko sa kaniyang katawan.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman nang makita ang pag-aalala sa mukha nito. Kaya't nang magtama ang mga mata namin ay mabilis akong nag-iwas muli ng tingin sa kaniya at sa kaniyang nakakaakit na katawan.

Ano ba naman yan Angel?! Umayos ka nga!

"Baby you're awake. Wait, I'll get you a glass of water." Mabilis nitong sambit, tila hindi makapaniwala.

Hindi ko siya kayang tingnan nang matagal hangga't hindi nabubura ang mga agam-agam ko.

Mabuti na lamang at hindi babasagin ang basong nahulog kaya naman hinugasan muna ito ni Percy saka sinalinan ng tubig mula sa pitsel. Agad ko itong tinanggap nang hindi siya tinitingnan. Iniwasan ko ring magdikit ang mga balat namin nang iabot niya ito sa'kin.

"Salamat." Mahina kong saad.

Mabuti na lang napansin niyang hindi ako komportable sa hitsura niya kaya naman mabilis siyang bumalik sa banyo para magbihis. Wala pang ilang sandali ay bumalik na muli siya sa kinaroroonan ko.

"How are you feeling Baby? Are you alright? May masakit ba sayo? Tell me, please." Sunod-sunod nitong tanong at humila ng upuan malapit sa kama.

Akma niyang hahawakan ang kaliwa kong kamay na may nakakabit na swero ngunit iniwas ko ito. Hindi ko rin tiningnan ang naging reaksyon niya sa ginawa ko.

Ang Mafia Kong Pasyente (Completed)Where stories live. Discover now