(Season 1) Chapter 36

6.4K 313 51
                                    


Chapter 36: Gifts


(Preschy's POV)


(Continuation of Flashback)


"Where is she?!" Sigaw ni Cyrus nang makarating sya sa Morgue. He's Preschylla's boyfriend.


Tahimik lang ako habang nakatingin sa kawalan. Wala na sya. At kahit kelan eh 'di ko na sya makikita. She once told me na kapag namiss ko sya, ibuhayhay ko lang ang buhok ko saka humarap sa salamin at makikita ko na raw sya.


Why? Bakit ngayon kung kelan birthday namin?! Bakit ngayon kung kelan handa na akong magbago para sa kanya? Rinig na rinig ko ang paghikbi ni Illiya.


"Where's my daughter?!" Sigaw ni Daddy na kararating lang kaya agad akong lumapit sa kanya pero nilagpasan nya ako saka dumiretso sa wala nang buhay kong kapatid. It hurts pero wala 'yon sa nararamdaman ko ngayon.


"Wh-what happened t-to h-her??!! S-sinong may gawa nito sa a-anak ko?!" Sigaw ni Mommy saka humagulgol. 'Di ko napigilang 'di maiyak. It's my fault.


"Ikaw! Ba't 'di mo tinulungan ang kapatid mo?! Wala ka talagang kwenta!" Duro sa 'kin ni Dad sabay sampal pa. Humikbi lang ako.


"Ba't..ba't 'di na lang ikaw ang nakahiga rito?!" Sigaw ni Mommy sabay hagulgol ulit. Ewan ko pero tama siya. Ba't 'di na lang ako ang andyan?! Total napakawalang-kwenta ko naman 'di ba?!


Lumabas ako sa Morgue saka napaluhod sa daan, hoping na sana eh may truck na dumaan para sagasaan ako. Napansin kong nakatayo si Illiya sa tabi ko. Hawak-hawak nya ang isang bagay. Binitawan nya 'yon sa lap ko kaya agad ko 'yong kinuha.


'Gail 2..tul—-'


Napahagulgol ako nang mabasa ang dapat sana eh text sa 'kin ni Preschylla.


"She tried calling you many times pero 'di ka sumagot. H-how could you b-be so damn selfish p-para hayaan syang m-mamatay??!!" Iyak nya.


'Di ako nakasagot. Tama sya. Kung sinagot ko sana ang tawag nya, dapat sana eh buhay pa rin sya ngayon.


(End of Flashback)


That was the reason kung bakit ako nagpatuloy bilang isang secret fan. Ayokong magaya sa kambal ko. She died because of being too lucky. Dahil hindi pa ako nakakamove on, 'di pa rin naaalis ang trauma na dinanas ko. I also tried to be like her. A sophisticated, smart girl. I buried the monster in me na pilit pa ring kumakawala.


Natigil na rin ang komunikasyon namin ni Illiya. We hated each other. At hanggang ngayon eh 'di pa rin nawawala ang poot nya sa 'kin.


I sighed saka napatingin sa mga ulap. Mag-isa na lang ako dito kasi kanina pa umalis si Cyrus.


I can't visit her tomb kasi 'di ipinaalam sa 'kin ng mga magulang ko kung saan sya inilibing. They hated me for being a heedless daughter at until now eh ganun pa rin. Hinding-hindi ko kelanman mapupunan ang role ni Preschylla sa buhay nila. I am not good enough to be their daughter.


"Hay. Happy birthday Gail 1. Sayang at 'di birthday ang sinecelebrate natin ngayon kundi ang 3rd death anniversary mo. Mianhe."


———————————-


Kararating ko lang ngayon sa school. Bumalik ako kung saan ko iniwan kanina ang EXO. Pagdating ko dun, wala nang banner at walang nakakalat na confetti.


Hay. Ang tanga ko naman kasi. Mga gwapong nilalang na nga ang bumati at nagbigay ng gifts sa akin eh inindyan ko pa sila. Waaaah!! Sayang!! Naman eehhh! Opportunity knocks only once! Pinakawalan ko pa!


Nanlulumo akong bumalik sa kwarto namin. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko ang mga regalo nila. Agad ko 'yong nilapitan saka chineck. OMO!! Gifts from EXO?! Seryoso?! Pwedeng-pwede na akong magpatiwakal!


Since wala si Illiya, binuksan ko ang mga 'yon. Una ay ang kay Sehun. Ang regalo nya ay isang bonnet na may nakalagay na EXO. Ang kay D.O ay Kimchi. 'Yon yung iniluluto nya kanina. Yung kay Chanyeol ay scarf na red. Kay Suho ay bracelet na pangalan ko ang nakalagay. Si Kai naman eh nagbigay ng whitening lotion. Ewan ko kung para sa 'kin ba talaga 'yon.


Si Baekhyun ay eyeliner ang gift. Ano pa nga bang iniexpect ko galing sa isang byuntae? Si Tao naman eh wallet na Gucci. Jaw drop at wide eyes! Sheyt! My feels sa regalo nya! Si Xiumin at Lay ay stuff toy. Kay Chen eh sulat. Ito 'yong nilalaman.


'Hi Preschy! Alam kong ang cheap ng regalo ko pero at least from the heart naman 'di ba? Yung sa kanila eh from the mall! Walang mga taste! Anyway, Happy birthday!! Wohooo! Wish ko na sana 'wag ka nang maging cold. Ang lamig na tapos dumadagdag ka pa. Hustisya naman sa balat kong giniginaw. Wala kaming cake kasi tinamad kaming bumili. Peace! Pero may hinanda naman si D.O!


Secret lang natin 'to ah! Sabi kasi ni Luhan noon na gusto nya ang mga babaing may X or Y ang pangalan. Sayang walang ganun ang pangalan ko. Hehe joke lang! Treasure the Y in your name para may pag-asa ka sa kanya.


-dancing maCHEN'


Natawa naman ako at syempre kinilig. Bwahaha may Y ang pangalan ko! Sunod kong binuksan ang kay Luhan. May note din sa loob kasama nung kwintas na susi.


'A special gift in your special day.


-Luhan'


Niyakap ko 'yon saka nagpagulong-gulong sa kama ko. Waaah!! Kumpleto na ang birthday ko! Hay sana andito si Gail 1.


Last kong binuksan ang kay Kris. It was a piece of a silver puzzle. 'Di ko naman gets kung ba't 'yon ang ibinigay nya. Wala ring note. Tinitigan ko 'yon saka nag-isip kung anong meron sa puzzle na 'to.


Namulubi na ba si Kris at eto ang ibinigay nya? But I know that there's something with this thing. Ewan ko kung ano ang something na 'yon.

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DWhere stories live. Discover now