(Season 2) Chapter 11

1.8K 106 53
                                    


#11

(Preschy's POV)

"Ahahahaha! Punyeheta! Ang boboplaks natin! Bwahahaha!"

"Leshe Chen! Nakakarindi kang pakinggan 'pag tumatawa! Tunog inipit na sisiw." Inis na turan ni Kai habang minamasahe ang tenga niya. Andito kaming labin-tatlo ngayon sa Lecture Hall. Ini-internalize kasi namin yung naging resulta ng treasure hunting.

"Thet. Ang tanga natin. Thet ipinusta ko pa ang bubble tea ko kay Kianna." Nanlulumong sabi ni Sehun.

"Ang itim ng budhi ni Cyrus." At sabay-sabay kaming napatingin kay Kai na napatingin naman sa balat niya.

"Jongina nyo talaga."

"Pahiram ng kutsilyo. Tatadtarin ko si Cyrus nang pinong-pino at ipansasahog ko sa tinolang ulam natin mamaya!" Nanlalaki ang mata na sabi ni D.O kaya kamuntikan na akong maduwal. Sila eh imbes na masuka, natripan pang tingnan sina Kris at Sehun.

"Mga tongaks! Kayo i-slice ko dyan!" Sigaw ni Kris sabay paikot ng mata niya.

"Sa wakas inamin na rin nya ang karumaldumal na talent ng baba niya." Walang ganang sagot ni Xiumin. Actually, lahat kami rito eh walang gana. Halata naman 'di ba? Putahamnida kasi ang CJ na 'yon! Matapos ang isang oras na pagpapaka-Dora the Explorer namin eh sasabihan lang niya kami ng 'Congratulations guys! Lahat kayo winner!'?

At si Chen naman na utak minion eh pumalakpak pa. Ni hindi man lang nagtaka kung paanong kaming lahat ang winners. "Wow! Sabi ko na nga ba ang galing-galing kong nilalang! Tsk! Kagwapuhan ko lang pala ang treasure na hinahanap!"

"Mali." Poker-faced na sabi ni CJ. Naghagikhikan tuloy kami pero si Leah na masyadong obvious eh tumawa nang sobrang lakas. Luh! Grabe sya oh! Konti na lang matatalo niya ang record ni Jae pagdating sa palakihan ng bunganga.

"Ang treasure na sinasabi ko ay kayo. As in ang mga sarili niyo." Nagawa pa niyang ngumiti! Aba kundi lang siya title holder ng may pinakamalaking ilong dito sa KAU, nako! Makikita niya!

"Huh? Eh para saan 'yong turn around three times? Self test? Para malaman namin kung uto-uto kami?" Naka-derp smile na tanong ni Chanyeol sabay tingin sa 'kin. Uupakan ko tenga niya mamaya. Oo tenga lang para masaya.

"Wala. Props lang 'yon. Nagaya lang ako dun sa nakita kong movie."

At dahil sa walangyang movie na yon na nakita ni CJ, nagmukha pa kaming mga engot na naghahanap ng bagay na 'di naman nakatago. Ang korni nya pramis. 'Ang treasure na sinasabi ko ay kayo.' Litse! Sang banda ng exo planet niya 'yan nahukay?

"Ano nga ulit 'yong prize?" Natigil ako sa pagre-reminisce nang magsalita si Luhan mylabs. Nakatingin siya sa 'kin at si ako eh natulala lang. Ba't ang gwapo ni Luhan? Hindi man lang ba nakonsensya si Lord kasi ibinuhos niya sa kanya ang lahat ng bagay na ikinababaliw ng mga babae? I mean c'mon! May iba rin kayang nangangailangan nun! Halimbawa na lang si Chen. Joooke! Masakit mang aminin pero mahal ko rin ang ugok na 'yon.

"H-huh? A-ah bonfire daw." Sagot ko saka nag-iwas ng tingin. Pakens! Kingina! Ngumiti kasi siya! At malamang baka mabaliw ako nang wala sa oras. Mabuti nang mag-ingat.

Shet Luhan. Ang kagwapuhan mo, parang baba nina Kris at Sehun, nakakasilaw. Parang mga siopao ni Xiumin, nakakabusog.

"Uy, Preschy, makatitig! Ikaw ha! Crush mo si Lulu 'no?" Nakangising bulong sa 'kin ni Chen. Ginaya pa niya ang derp smile ni Chanyeol. At surpriseeee! Hindi bagay. Mukha siyang rapist sa kanto.

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DWhere stories live. Discover now