(Season 1) Chapter 4

11.4K 431 105
                                    

Chapter 4: Curriculums

 

 (Luhan's POV)

 

 "Hay! Hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung anong Curriculum ang papasukan ko." Sabi sa 'kin ni Xiumin habang nakatingin sa kawalan. Nung tinitingnan ko 'to kanina, akala ko siopao yung iniisip nya. Yung tungkol pala sa KAU.

  "Ako nga rin eh." Sabat ni Kris habang pa-cool kuno na nakaupo.

 Andito kaming lahat ngayon sa main living room ng dorm namin. Magmi-meeting kasi kami ngayon kung saang curriculum kami mag-ienrol.

 "Ako, sa Acad. Curr. Total bago ako pumasok bilang SM trainee ay naka-focus ako sa studies ko." Biglang sabi ni Chen kaya napatingin kami sa kanya. Oo nga pala. Dating nerd 'to.

 "Tatlo na kayong mag-ienrol sa curriculum na 'yan. Si Suho, Baekhyun at ikaw Chen." Tugon ko.

 "Ako?! Sa Acad. Curr.? Wala pa naman akong sinasabi ah!" Depensa ni Baekhyun. Loko talaga 'to.

 "Sabi mo, kung saan ako mag-ienrol, dun ka rin papasok." Sabi naman ni Suho habang nakatingin nang masama kay Baekhyun. Maluto kang Bacon ka sa titig nya.

 "Ah..eh. Joke ko lang 'yon. Akala ko kasi sa PB Curriculum ka mag-ienrol. Hehe." Sagot ni Baekhyun sabay peace sign.

 "Baklang Bacon ka talaga!" Sabi ni Chanyeol sabay duro kay Baekhyun.

 "Saan ka papasok, Duwende?" Walang ganang tanong ni D.O habang kinakalikot yung Panda ni Tao. Tawa naman nang tawa ang baklang Panda Boy na 'to.

 "Sa PB rin." Sagot ni Chanyeol sabay ngiti nang wagas.

 "Dalawa na kayo." Sabi ni Lay.

 "Oo. Dalawang mga tamad mag-aral." Pang-aasar ni Tao habang patuloy sa pakikipaglaro sa panda nya. Ano bang meron sa Pandang 'yan at hindi nya mabitaw-bitawan?

 "Sa'n ka pala papasok, Tao?" Tanong ko.

 "Sa PB rin. Hindi ako tamad mag-aral. Mas gusto ko lang idiskubre ang tinatago kong talent." Sabi nya sabay tingin sa Panda nya. Naiinis na talaga ako sa matabang stuff toy na 'yan.

 "So, si Baekhyun na ayaw sa Acad. Curr., si Tao na nagfefeeling na may hidden talent  at si Chanyeol na duwende ay sa PB. Si Suho at Chen ay sa Acad. Sa'n tayong mga natitira? " Tanong ni Kai habang hawak-hawak yung gatas nya. Advice kasi ni Sehun na uminom sya ng gatas para pumuti sya. Totoo kaya 'yon?

 "Sa Equi ako." Sabi ni Lay habang isinusulat sa notepad nya yung salitang Equi.

 "Ako rin." Sabi naman ni D.O. Bagay rin naman sa kanya ang maging isang Equi-Student.

 "Sa Acad ako." Sabi ni Xiumin.

 "Ako, tha Equi." Nakangiting sabi ni Sehun.

 "PB." Tipid na tugon ni Kris.

 "Sa Equi na lang ako. Ikaw Luhan, sa'n ka?" Tanong sa 'kin ni Kai.

 "Sa Acad. Curriculum na lang." Sagot ko. May tendency pa rin kasi na maging kaklase ko ang babaing may hawak ng panyo ko kung taga Equi sya.

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon