(Season 1) Chapter 6

10.6K 390 44
                                    

Chapter 6: Meeting Them

 

(Preschy's POV)


Yung feeling na gusto mong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig mo? Yung feeling na para kang natatae pero walang lumalabas? (Pasintabi sa kumakain) Heto yun eh. Ramdam na ramdam ko na! Para akong nauutot na nasusuka na kinakabag na nahihilo. Alam nyo kung bakit?


Dahil lang naman sa EXO na ngayon ay kaharap KO! Ang tindi ng kaba ko. Feeling ko nakikipag-racing ang puso ko.

 

"Eto nga pala sina Cyrus Jeen Dominguez, Illiya Ramirez at Preschy Gail Cortez. Sila ang mga supreme students ng KAU. Si Cyrus ang president ng PB Curr. Si Illiya ang president ng Equi-Curr. At si Preschy naman ang president ng Acad. Curr." Paliwanag ng principal sa kanila.


Andito kami ngayon sa principal's office. Ipinatawag kaming tatlo kanina dahil may kailangang sabihin raw ang principal.

 

"Ah sila po ba ang sinasabi nyong magiging guide namin ngayong school year?" Tanong ni Suho. Tour guide kaya ang ibig nyang sabihin?

 

"Yes. Sila ang bahala sa inyo para na rin hindi kayo guluhin ng fans nyo. Pero sa loob lang ng school premises ang tungkulin nilang ito." Sagot nung principal. Ano raw? Kami ang magiging knight in shining armor ng mga 'to? At sila ang magiging damsel in distress?

 

"Sir, ano po bang ibig nyong sabihin?" Tanong ni Cyrus. Good question!

 

"You guys are going to guide them. You are going to protect them." Sagot ni Mr. Principal. Yun rin yung sinabi nya kanina eh!


Sinubukan kong umupo nang tuwid. Medyo napapansin ko kasi na may mga matang nagmamasid sa 'kin. Hindi ko lang kayang tingnan kung sino.

 

"Si Cyrus ang mag-ga-guide kina Mr. Park, Mr. Wu, Mr. Byun at Mr. Huang. Si Illiya naman ang guide nina Mr. Kai, Mr. Do, Mr. Zhang at Mr. Oh. Si Preschy ang guide nina Mr. Xiumin, Mr. Suho, Mr. Chen at Mr. Luhan."

 

"WHAAAAT?!!!" Sigaw ko bigla. Ba't ako? Wala nang nakita ang principal na 'to kundi ako! Ako parati ang inuutusan at ginagawang delivery girl.

 

"May problema ba dun, Ms. Cortez?" Taas-kilay na tanong nung tabatsoy na principal na 'to.

 

"Sir, she's an anti-kpop. Baka mahirapan syang i-guide sila." Sabi nung Illiya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Napansin nya kayang matangkad ako?

 

"She is?" Tanong bigla ni Chen. Kanina pa tahimik ang mga 'to. Buti't naisip nila na may bibig pa pala sila. Waaaah!! Ba't ganito ako? Love na love ko naman ang mga 'yan eh!!

 

"Hala Luhan! Pa'no yung——umph!" Sabi ni Tao pero tinakpan ni Luhan yung bibig nya. Ako rin!! Takpan mo rin ang bibig ko! Para kunwari tatanggalin ko tapos mahahawakan ko ang kamay mo!! 

 

"You're an anti-kpop? That's good. That'll help a lot." Nakangising sabi nung principal. 'No nakain nito? Mukha syang timang.

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz