(Season 2) Chapter 14

454 27 19
                                    

(Preschy's POV)

Naglalakad ako ngayon papunta sa garden. Nagmumuni-muni, tumitingin-tingin sa mga bulaklak na para bang nagsho-shoot ako ng music video ta's ang kanta ay Lucky. Ang saya lang. Pero syempre, sa utak ko lang nangyayari ang mga scenes gaya ng pag-amoy ko ng mga halamang ipil-ipil, ang mahinang pag-ihip ng hangin sa buhok ko, ang pagngiti ko na para bang ang saya-saya ng mundo—


"Hoy Preschy, nginiti-ngiti mo dyan? Para ka shunga." Leche naman. Ayon na eh, feel na feel na ng central nervous system ko. Panira naman ng moment 'tong Jae na 'to.


"Oy bespren, andito ka 'ata? Maghuhukay ka ng kabaong mo 'no?" Ngiting-peke na turan ko. 'Di naman 'ata nya nahalata na nanggigigil ako ngayon na ibalibag siya sa lupa.


"'Di 'no. Ba't naman ako maghuhukay ng kabaong ko? Patay ba ako?" Sabay tawa pa nya. Mas nairita tuloy si ako.


"Hindi pa. Pero 'pag hindi ka umalis sa harap ko ngayon din, baka maging lamay ang third day ng KAU Festival." Pagbabanta ko pero bumelat lang sya.


"Bespren naman kasi, ang bagal mo. Akala ko nung isang araw eh magiging kayo na ni insan Luhan. Ta's maiitsapwera na yung Abby na 'yon. New year na o, nung May 2014 pa 'tong istorya mo, January 2018 na. Hoy! Inaantay na namin ang ending ng Secret Fan, pakibilisan lang naman!"


"Leche! Akala niyo ang dali lang eh pakipot rin kaya yung usa na 'yon! Ako pa inaantay mag-confess!"


"Gaga! Nilalandi ka na nga, may this is how to seal a deal na ta's ipinangangalandakan na niyang may gusto siya sayo ta's ang ewan mo rin!" Hingal niyang sigaw pabalik sa 'kin ta's naalala ko na naman ang nangyari kagabi.


(Flashback)


"Okay! Ang game for tonight ay 'Minsan-Madalas Game!" Pa-cheerful na sabi ni CJ sa aming mga natitira dito sa field. Yung iba kasi nagkanya-kanya nang bumalik sa kwarto ta's kami eh naisipan na lang magpa-bonfire ulit. Alam niyo, chance ko na ring masulyupan si Baekhyun. Si Baekhyun na masayang nakikipagharutan kina Rian at Jane. Lagot sa 'kin yung dalawang 'yon. May razor ako, tingnan na lang natin kung sino ang hindi makakalbo *evil laugh*.


"Ano 'yon? Minsan naliligo, madalas pasaboy-saboy lang ng tubig sa mukha? Ganon?" Inosenteng tanong ni Chanyeol. Natawa naman kami na may halong pandidiri.


"Ganyan pala ginagawa mo Chanyeol? Ang kyut naman." Malanding sabi ni Yanna. Tsk tsk, nagpa-botox ba 'to sa utak?


"Ano?! Kadiri kaya! Buti pa ko dalawang beses sa isang araw maligo!" Proud na pag-aannounce ni Chen.


"Jino-Jongdae tayo nyan guys. 'Di yan naliligo." Sabat ni Leah.


"Pa'no mo nalaman?" Takang tanong ni Xiumin. Hala ka Leah, mabubuking na ang sekreto mo in three, two, on—


"Hala! Ikaw! Ikaw yung fan na nag-aala-ninja sa kwarto namin!" Duro ni Tao kay Leah na pulang-pula na ngayon!


Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DWhere stories live. Discover now