(Season 1) Chapter 22

7.8K 327 69
                                    


Chapter 22: EXO Souvenir

 


(Preschy's POV)

 


Unti unti kong itinaas ang aking slender fingers na may makintab pa na cutex. Eenie meenie minie moo, sino sa kanila ang gwapo??



Unti-unti ko nang itinatapat ang hintuturo ko sa napili kong pinakagwapo kuno.






















"Time's up!!!!" biglang sigaw ng putspa naming professor. Leshe! Kelangang manggulat? Nilingon ko yung professor namin na ngayon ay kinokolekta ang mga activity sheets ng bawat grupo.



Langya kang kalbo ka! Konti na lang at maituturo ko na kung sino'ng mas gwapo eh!



"Seriously, Preschy??" Biglang sabi ni Luhan kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko pa rin ibinababa ang hintuturo ko.



"Huh? 'No problema?" Nakakunot noo kong tanong.



"Nyek! Akala ko tama na 'yang contact lenth mo para tha mata mo. Kelangan mo pa rin pala ng thalamin." Sabi ni Sehun.



Tinaasan ko sila ng kilay. 'Di ko kasi ma-gets kung anong sinasabi nila.



"Contact lens? Salamin? 'Di naman sira ang mata ko ah?" Nagtataka kong tanong.



"Weh? Eh ba't ka nakaturo dun tha thkeleton ng palaka? Payo lang, Prethy. 'Di totoo ang frog printhe kaya thana lang 'wag mong halikan 'yan mamaya kagaya nung ginawa nung engot na babae tha kwento." Seryosong sagot ni Sehun.



Napatingin tuloy ako dun sa palaka na buto na lang ang natitira. (Skeleton nga kasi 'di ba?)

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DWhere stories live. Discover now