(Season 1) Chapter 16

8.6K 329 26
                                    

Chapter 16: 'NO TITLE', Yan ang Title 3

 

(Baekhyun's POV)

 

"~Gateun nara e tae eonaseo, gateun eoneoro mareul haeseo, cham haengun iya, cham dahaeng iya.~" Nakangiti ako habang kumakanta. Naglalakad ako ngayon dito sa campus dahil masyado pang maaga. Wala pang masyadong tao kasi ang Korean Version ni Mura ay ginising kami kaninang alas tres ng umaga. Ang sarap pitikin ang noo nya.

Papunta ako ngayon sa ewan ko kung saan. Basta ang alam ko, ang direksyong tinatahak ko ay papunta sa taong mahal ko, papunta SAYO! *killer smile*

Napansin ko na dumarami ang mga bulaklak na nakikita ko. May flower shop pala rito?? Pero pamilyar ang lugar na 'to.

 Felicity??

Nakita ko siya na nakaupo sa dating bench kung sa'n ko sya nakita na kumakain. Ba't ba parating senti 'tong babaing 'to?

"Hi." Bati ko sa kanya nang makalapit ako sa kinaroroonan nya. Tiningnan nya ako saka sinamaan ng tingin. 'No namang masama sa sinabi ko?!

"Good morning." Nakangiti kong sabi saka umupo dun sa bench na katabi ng bench na inuupuan nya. Hindi sya sumagot saka nagpatuloy sa pagbabasa ng libro. Para syang si Preschy.

Napangiti na lang tuloy ako nang maisip ko si Preschy.

"You still have to pay me." Bigla nyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Hala! Kelan pa ako nangutang sa babaing 'to? 

"May utang pala ako sa 'yo? Hala! 'Di ko maalala. Pero magkano ba?" Tanong ko kaya mas lalong sumama ang tingin nya sa 'kin.

"Idiot." Sabi nya saka nag-basa ulit. Eh sa 'di ko maalala eh!! Makapag-isip na nga. Sinusubukan 'ata ng babaing 'to ang utak ko.

Unti-unting nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang utang na sinasabi nya. 'No gusto nya?! Bayaran ko sya ng NAPKIN?!!!!

"Hoy! Manghingi ka ng kahit ano pero 'wag na 'wag kang manghihingi ng...ng..alam mo na!!!" Sigaw ko habang nakaduro sa kanya. Itiniklop nya ang librong binabasa nya saka ako hinarap.

"Kahit ano?" Nakangisi nyang sabi. Patay. Baka humingi 'to ng kiss sa 'kin. Hala!! Nakareserve na 'yon!!

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DWhere stories live. Discover now