(Season 1) Chapter 1

16.2K 468 43
                                    

Chapter 1: Is it a ghost? Am I the host?

 

(Preschy's POV)

 

"What is the square root of 90 times the cube root of 200?" Bulong ko sa sarili ko habang patuloy na nagso-solve ng Math problems. Hindi ko 'to favorite subject. Henyo raw ako kunwari kaya naisipan kong magpaka-intelligent kuno. Bayaan ang mga taong nagsabi na kasing talino ko si Einstein. Kamukha ko pa nga raw.

"Ohmygad!! May album na ako ng EXO!!!" Sigaw bigla ng classmate ko kaya napa-angat ako ng ulo.

Nagkumpul-kumpulan ang lahat ng classmates kong babae sa isang sulok maliban sa 'kin na nakaupo lang at kunwaring nagso-solve. Pero sa totoo talaga, nakikinig ako sa pinag-uusapan nila.

"Sa'n mo ba nabili 'yan?" Tanong nung kaklase kong babae.

"Syempre sa shop nila. Original copy 'to!" Pagmamayabang nung mayabang kong classmate.

Sinilip ko yung CD na hawak nya. May tatak na Blu-Ray Disc. Original pala ha! Napakauto-uto naman ng mga 'to.

"Talaga? Patingin nga!" Sabi naman nung isa ko pang chismosa na kaklase.

"Ah..eh. Sa susunod na lang." Sabi nung mayabang na nagyayabang habang itinatago lalo yung CD sa likod nya. Mas nakita ko tuloy kung anong laman nung CD na yun. Nakaharap kasi sa 'kin yung likod nya.

'Exo's Concert' sabi ko sa isip ko. Tss. Album raw. Kitang-kita nga na concert yung nakalagay. Hindi ba sya marunong magbasa? Mas tiningnan ko pa nang maigi yung CD. Medyo malayo kasi kaya mahirap nang basahin yung ibang nakasulat dun.

"Anong tinitingin-tingin mo?!" Singhal nung mayabang kong kaklase sa 'kin. Nahuli kasi nya akong pinapahaba yung leeg ko para mas mabasa ko yung description ng CD.

"Wala. Tss." Sabi ko saka umirap. Inayos ko na lang 'yong mga gamit ko.

"Anong wala? Eh tinitingnan mo yung CD ko eh! Naiinggit ka 'no?!" Sigaw nya habang nakatingin nang masama sa 'kin. Tss. Alam naman pala nya kung ano yung tinitingnan ko, nagtatanong pa sya.

"Haha. Malabo namang mainggit si Preschy dyan sa CD mo." Natatawang sabi nung kaklase ko. 'No nakakatawa dun?

"At bakit hindi?! Dahil Blu-Ray Disc 'to?!" Sigaw nya kaya napasinghap silang lahat pati na rin sya. 'Yan kasi!

"I-i mean...Take 2!!! At bakit hindi?! Dahil hindi Blu-Ray Disc 'to?!" Sigaw ulit nitong mayabang na 'to. Mukha syang baliw. Kumukulo dugo ko sa kanya.

"H-hindi. Eh kasi hindi naman sya fan ng EXO." Paliwanag ng isa ko pang kaklase. Sorry. Tinatamad akong bumanggit ng pangalan.

"Oo nga 'no?" Bulong nung mayabang kong classmate. Mga walang magawa sa buhay. Makaalis na nga. Total snack time na.

Nagsimula akong maglakad palayo sa kanila nang makarinig na naman ako ng isang sigaw.

"Hoy Preschy! Kung isa kang anti-EXO, pwes, humanda ka! Dahil gagawin kong miserable ang buhay mo!!" Sigaw nung mayabang na babaing yun.

Ang OA nya. Ang luma pa ng ginamit na line. Atsaka hindi ako anti-EXO. Hinding-hindi yun mangyayari 'no! Peksman! Mamatay ka man! Dejoke. Basta ang masasabi ko lang, avid fan nila ako. 'Di nga lang halata.

Pagkatapos kong mag-recess, pumunta ako sa garden ng school namin para magbasa ng EXO FACTS. Total absent yung teacher sa next subject namin. Actually, palagi na yung absent. Kaya ginagawa kong subject sa mga oras na 'yon ang EXO. May natututunan naman ako.

Habang nagbabasa, tawa ako nang tawa rito. Mukha tuloy akong may sayad. Pero okay lang. May sayad naman talaga ako. Pinagpatuloy ko yung ginagawa ko pero napatigil ako nang may mapansin akong tao na nakatayo sa gilid ko. Pero hindi ako sigurado kung tao nga ba yun. Nakayuko kasi ako at ang silhouette lang nya ang kita ko. Patay. Nakalimutan kong sabihin na walang nagpupunta sa garden na 'to kasi originally, libingan 'to ng mga Hapones. Kaya nga 'to ginawang garden kasi pinataba ng mga katawan ng mga patay ang lupa.

What to do?! Ayaw ko namang silipin kung tao nga ba o hindi ang nasa gilid ko ngayon. Baka kasi pagsisihan ko 'pag ginawa ko yun. Gosh, help me! Ayoko pang makakita ng multo!! Masyado pa akong bata!! Marami pa akong pangarap sa buhay!

Kfine. Ang OA ng mga sinasabi ko. Pero seryoso. Ano'ng gagawin ko?! Tumakbo? Umupo na lang rito? Umiyak? Humingi ng tulong? Ano na?!

Lumapit pa lalo yung tao slash multo sa gilid ko. Pinagpapawisan na ako! Kailangan ko nang gawin 'to.

Dali-dali akong tumayo saka tumakbo palayo sa kanya at sumigaw ako ng..

"RAPIST!" Malapit na ako sa gate ng garden nang..........madapa ako. At worst, ang awkward ng position ko. Face on the ground with the arms and legs stretched widely. Mukha akong palaka dahil dito.

"Miss, okay ka lang ba?" Tanong nung....tao? Tao pala yun?! Tanga! Ba't 'di ko naisip na walang silhouette ang isang multo?! Engot! Atsaka boses pa lang, halatang lalaki! Nakakahiya!

Unti-unti akong bumangon saka umupo. Natatakpan ng buhok ko ang mukha ko. Ayaw kong harapin ang lalaking yun. Bukod sa nadapa ako sa harap nya, sumigaw pa ako ng rapist. Eh sa yun lang yung alam kong KEY WORD para may sumaklolo sa 'kin eh. Ang cliche naman kasi kung sunog ang isisigaw ko.

"Heto ang panyo o." Sabi nung lalaki sabay abot nung panyo nya. Nahihiya kong tinanggap yung....pink nyang hanky. No comment na lang sa panyo niya. At least naman concerned siyang nilalang.

"S-salamat..." Bulong ko sabay yuko pa. Ayokong makita nya ang mukha ko. Nakakahiya talaga!

"Haha. You're welcome. Pero next time mag-ingat ka. Sige, aalis na 'ko. Oh, by the way, usong mag-shorts." Sabi nya saka naglakad paalis. Naiwan ako rito na pulang-pula ang mukha. Mga bulaklak, lamunin nyo na ako!


Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DWhere stories live. Discover now