(Season 2) Chapter 10

1.9K 133 71
                                    

Author's Note: Oops! Please read this first. Sa mga nagbabasa pa rin nito, I salute you for not removing my story in your library even though I partially abandoned this story T__T. College life guys! Sorry for the very very very long wait. Sana talaga may nagbabasa pa rin nito *cross fingers*. Hindi na mauulit guys. Hindi nga ba? Chaaar, hindi na talaga guys. But I can't promise na magaganda ang mga updates ko (kelan pa ba gumanda ang mga updates ko -_-). I actually forgot some of the details of this story and I'm sure na kayo rin so pwede ring mag-back read kayo para 'di kayo malito in case nakalimutan niyo kung sino si Preschy at ang iba pang characters.

That's all. Sana suportahan pa rin ninyo ang PreHan, KrEschy, PreKhyun, GailSoo (pagbigyan niyo na si Kyungie) at ang tandem rin na Preschy x V.


Last updated: Nov. 16, 2015   12:53 AM  (Ang tagal na pala 'no? -.-)


***

#10


(Luhan's POV)


"Uy! Ang daya! Bakit nga kasi?!" Sigaw ni Preschy kay Kris. Tanaw ko silang dalawa mula sa kinatatayuan ko.


"Ouch." Biglang sabi ni Abby habang napapailing.


"Bagay sila 'no?" Nakangisi niyang dagdag pero seryoso pa rin akong nakatingin kay Preschy. Ba't ba ang saya niya 'pag kasama niya si Kris?


"Selos ka 'no? Bakit, kayo ba?" Tiningnan ko si Abby saka ngumiti.


"Soon." Sagot ko sabay talikod at nakapamulsa akong naglakad papunta sa conference room.


"Eh?! Teka nga lang! Paki-ulit nga ng sinabi mo. Nabingi 'ata ako eh." Habol ni Abby sa 'kin habang sinasabayan ako sa paglalakad. Gulat pa niyang sinilip ang mukha ko, ang mukha ko na siyang magiging dahilan kung bakit ma-fa-fall sa 'kin si Preschy.


"Soon." Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina. Bigla naman akong nakatanggap ng isang malakas na batok mula sa kanya.


"Aray—"


"Soon?! Huh soon?! Litse! Soon kung kelan nauunahan ka na?! Soon kung kelan dumarami ang karibal mo?! Soon kung kelan wala ka nang pag-asa?! Soon kung kelan who you ka kay Kris?! Aba naman Luhan! 'Wag mong sino-soon-soon 'yang feelings mo para kay Preschy. Gumaya ka kaya kay V nang umasenso ka naman?!" Litanya niya habang nakapameywang. Ang lakas makatalak nitong babaing 'to. Kung 'di lang niya ako ini-inform tungkol sa mga ginagawa ni Preschy, baka ipinalapa ko na siya kay Hello Kitty.


"Basta soon." Kinindatan ko siya't ngumiti sabay alis. No worries, Abby. Sobrang lapit na ng soon na 'yan.


(Preschy's POV)


"Eh?! Wala kang nagawang plano para sa definite flow ng 3-day program na 'to?!" Malakas kong sigaw habang pinanlalakihan ng mata si CJ.


"Aray naman, Preschy. 'Wag mo nang ipangalandakan. Pumila ka na lang dun. Ako na ang bahala rito." Turan niya habang itinutulak ako papunta sa mga estudyante na kasalukuyang nakapila nang dahil sa hindi ko malamang kadahilanan. Sinamaan ko siya ng tingin saka kinuha ang planner niya na tinatapatan ang kanta ni Taylor Swift na Blank Space.

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DWhere stories live. Discover now