(Season 1) Chapter 34

5.8K 295 32
                                    


Chapter 34: 'No Title', 'Yan ang Title 8


(Preschy's POV)


"Annyeong Preschy!!" Masayang bati sa 'kin ni D.O. Maaga pa ngayon at kukunti lang ang tao rito sa canteen. Alam nyo naman siguro kung ba't andito si D.O 'di ba? Pero ako, alam nyo?


Tss. Nag-text kasi sa 'kin si D.O na may ibibigay raw sya. At si ako, na-excite naman saka nagmadaling pumunta rito. Actually, akala ko nasa kwarto nila sya pero nang sumilip ako dun kanina, halos mapasigaw ako.


Ikaw ba naman ang makakita kay Kai na nakahubad habang natutulog. I was like, Ohlala!! That abs and the hot look kahit na natutulog sya? Parang gusto ko syang gapangin kanina!


"'No palang kelangan mo?" Tanong ko habang pinagmamasdan syang magluto. Kung sya lang talaga ang makatuluyan ko, Oks na Oks na!


"Pwede bang tikman mo muna 'to?" Tanong nya sabay ngiti. Napalunok naman ako! Hontou ne?! Waaah! Matitikman ko na ang luto nya! SA WAKAS!!


Tumango ako saka nya inilapit ang kutsara sa bibig ko! Ahem! Sya na mismo ang sumubo sa 'kin!!


"Okay lang ba?" Tanong nya with a concerned face. Syempre, pabitin effect muna.


"Ahm...." Sabi ko at sya naman eh napapa-cross fingers.


"Ahhh...masarap!" Sagot ko at nagtatalon naman sya sa tuwa. Ang kyut nya pramis!


"Thanks sa compliment. Ito nga pala ang gusto kong ibigay." Sabay abot nung isang papel. Nagtataka ko 'yong tinanggap.


"Sa ibang lugar mo na 'yan basahin. Sige." Sabi nya saka dinala ang tupperware na may pagkain. Agad akong naglakad papunta sa garden kung saan ako palaging pumupunta saka naupo sa damuhan. Nang buksan ko ang nakatiklop na papel, napaisip ako.


'Don't be afraid to show a bit of yourself. Don't be afraid to step closer to us. Just for this day, make yourself happy. :)'


Make myself happy? Posible ba 'yon? Lalo na sa araw na 'to?


——————————-


Pagkatapos nun, bumalik ako sa kwarto namin ni pusit. Pero pagdating ko, wala na sya dun. Tss. Malamang nagshopping na naman 'yon. Araw-araw na lang.


Wednesday ngayon at free kaming lahat na magpahinga o asekasuhin ang mga activities namin. Hihiga na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at biglang pumasok si Baekhyun na may dala-dalang box.


"Good morning!!!" Sigaw nya saka inilapag ang bitbit nya.


"'Nong ginagawa mo rito?" Taka kong tanong. Ngumiti lang sya.


"May gagawin lang ako sayo." Sabi nya kaya nanlaki ang mata ko! Rereypin na ba nya ako?!?!


"Haha. Don't worry. Wala akong gagawing masama sayo. Gusto ko sanang ayusin ang buhok mo." Sabi nya kaya nabigla ako. Hanuraw?! Si Byun Baekhyun, aayusin ang buhok ko?! Andwae!


Binuksan nya 'yong box at may nakita akong sari-saring kulay ng pantali sa buhok. Woah! Ba't meron sya nyan?


"Binili namin 'to kahapon. Hehe. Gusto ko sana talaga na ako ang magtali ng buhok mo!" Sabi nya at akmang tatanggalin na nya ang tali sa buhok ko nang umiwas ako.


"T-teka lang! Bakit? And, isn't it unusual para gawin mo 'yan?" Tanong ko pero ngumiti lang sya.


"Hehe. Ngayong araw lang naman. Sige na Preschy!! Sige na!! Nakasalalay rito ang kinabukasan ng eyeliners ko!!" Pagmamakaawa nya sabay kapit pa sa paa ko.


Oh-kay. May mali eh.


"O-okay. Sige." Sabi ko nang maalala ko 'yong sulat ni D.O. I would be happy kung si Baekhyun na mismo ang magtatali ng buhok ko.


"Yesss!" Sabi nya at dali-daling tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko. Sinimulan nya 'yong suklayan saka itinali. I secretly smiled. He's a celebrity, a famous one pero heto sya at nagtatali ng buhok ng isang ordinaryong tao.


"Tapos na!" Sabi nya at pagtingin ko sa salamin, I almost choked.


"Ang galing ko 'no?" Nakangiti nyang sabi pero nanatili akong nakatingin sa salamin.


Not this hairstyle please.


"A-ah, e-eh, I really prefer ponytail." Sabi ko. In my 19 years of existence, puro ponytail lang ang style ng buhok ko.


"'Di mo nagustuhan?" Malungkot nyang tanong. Nataranta naman ako nang mapansing maiiyak na sya.


"H-hindi. Ang g-ganda!" I said saka nag-fake ng ngiti. Ganyang hairstyle lang naman Preschy. Ngayong araw lang.


————————————-


Pagkatapos nun, hinila nya ako pababa. May mga estudyanteng napatingin sa 'min pero tuloy lang kami sa pagtakbo.


"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko.


"Basta!" Sagot nya kaya nagpadala na lang ako.


At nang huminto kami, napansin kong nasa garden kami kung saan ako nanggaling kanina. Pero ang mas ikinabigla ko ay ang banner na andun.











"HAPPY BIRTHDAY PRESCHY!!!!" Sigaw nilang labindalawa. Nakatayo lang ako dun habang nakatingin sa kanila.


Sh*t. Who said I want to celebrate my birthday?

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DWhere stories live. Discover now