(Season 2) Chapter 3

3.9K 220 65
                                    

A/N: Here's the update. Sorry kasi ang tagal kong mag-upload ng isang chap. 'No school, no internet connection' policy kaya ayon. 'Tsaka busy rin ako. Enjoy! (Kahit lame -.-)


***


#3


(Preschy's POV)


"Tae talaga! Buset! Palulunukin ko talaga ng missile 'tong lalaking 'to." Tiningnan ko ang stalker ko kuno na si Kyle mula rito sa pinagtataguan ko. Naman! Gaano ba ako kasama para magkaroon ng ganito ka-persistent na stalker?


Aminado naman ako na makasalanan akong nilalang pero juice colored! Ibang klasing punishment 'to! Well Preschy, si Jellal nga na nagbagong-buhay rin eh 'di tinanggap agad ng lipunan, ikaw pa kaya? Pero sheyt lang! Magkaiba naman kami ng kasalanan.


Aish. Kung anu-ano na tuloy ang pinagsasabi ko. Langya naman kasi 'tong hinayupak na 'to. Kanina pa sunod nang sunod sa 'kin. Nalibot ko na ang buong KAU pero 'di pa rin niya ako tinatantanan kaya nga dito na lang ako sa library nagtago. 'Kala kasi niya 'di ko napapansin ang pagbuntot niya sa 'kin eh kulang na lang kalabitin ako nung orange nyang buhok.


"Asan na kaya si Gail my loves?" Napatakip ako sa bibig ko kasi muntik na akong maduwal. Sheez. Ang lapit na niya sa kinaroroonan ko. Juskopo! Tulong!


"Oh my gosh! Oh my gosh!" Nanlaki ang mata ko nang makita kong nakatayo si Candice sa harap ko habang nakaduro pa sa 'kin. Nag-hush sign naman ako para matahimik siya.


"Gail my loves?" Dahil sa takot ko na baka makita ako ni Kyle eh hinila ko ang pants ni Candice saka siya ipinantakip sa katawan ko. Pilit pa nga akong sumiksik sa isang sulok.


"Ay manyak ka!" Sigaw pa niya saka tumalikod. Sorry naman . Nataranta lang 'yong tao. Para ba namang pinagnanasaan ko siya. Geez. Kadiri!


Nakaupo lang ako habang ang baklita namang 'to eh shini-shake shake pa ang puchahamnida niyang pwet. "Tumigil ka nga! Pasakan ko 'yan ng thesaurus!" Bigla naman niya 'yong tinakpan at siya namang pagdating ni Kyle.


"Ay. 'Kala ko si baby Gail." Well, 'di ko ma-imagine ang sad expression niya kasi 'di ko na maalala ang peslak niya.


"Oh my gosh! You're so gwapooo!!!" Akmang lalapit na si Candice kay Kyle nang hilahin ko ang pants niya and then I heard something na para bang may napunit. Oh sheyt!


"Hehe. Nakita mo ba si Gail, ang forever ng buhay ko?" Sabay kaming nasamid nitong baklush na 'to. Aba! Pektusan ko siya.


"No. Baka namatay na." Mataray na sabi niya kaya kinurot ko siya. 'Kala nito. Narinig ko ang mga yapak no'ng Kyle na 'yon na paalis kaya napabuntong-hininga na lang ako. I survived!


Nakaramdam ako bigla ng masakit sa anit ng ulo ko kaya malamang eh napa-aray ako. "Balahura ka! 'Nong problema mo sa buhok ko?!" Tiningnan lang niya ako saka umirap. Matindi!

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang