(Season 2) Chapter 13

599 45 44
                                    


(Preschy's POV)


"O, para ka 'atang pinagsakluban ng sandamakmak na siopao?" Turan sa akin ni Kai nang makasalubong ko sila ni Xiumin. Pabalik na ako ngayon sa kwarto naming pinamamahayan ng isang demonyita.


"O, ba't nasali mga siopao ko?" Nakasimangot na tanong ni Xiumin.


Hindi ako sumagot saka nilagpasan lang silang dalawa kasi wala ako sa mood makipagbiruan o makipag-usap. Parang sirang plaka na nagri-replay sa utak ko yung mga sinabi ni Baekhyun. Parang ang sikip-sikip ng pakiramdam ko. Feeling ko ang tanga-tanga ko. I felt betrayed.


Alam kong mali pero parang ang sarap hukayin nung bangkay ng kakambal ko at tanungin siya kung ano'ng nangyari sa kanila ni Baekhyun. At bakit si Baekhyun pa? Alam naman niyang yung byuntae lang na 'yon ang isa sa mga nakapagpapasaya sa 'kin nun ta's hindi man lang niya sinabing close pala sila.


Wow, Preschy. Ang selfish mo. Ang sama mo pang kapatid. Dakilang engot. Ganyan pa mga tanong mo eh alam mo nang siyang ang mahal at hindi ikaw. Pero ang unfair lang kasi.


"Oy teka, umiiyak ka ba?" Hindi pa pala ako tinatantanan ng dalawang 'to?


"Hindi 'no," sagot ko kay Xiumin habang sumisinghot pa. Mas dinalian ko na lang ang paglalakad ko at hindi ko na sila nilingon nang tawagin nila ang pangalan ko. Sorry, wala lang talaga sa mood ang secret fan niyo.


***


"Hinay-hinay sa pagtingin, baka matunaw niyan si Baekhyun," puna ni CJ sabay upo sa tabi ko. Andito ako ngayon sa field at pinapanood ang mga KAU students kasama ang EXO na naglalaro ng patintero. Mas pinili kong magmukmok na lang dito sa tabi at panoorin na lang mula rito si Baekhyun na kasalukuyang nakikipagkulitan kay Jane.


Nginitian ko si CJ nang mapakla saka bumuntong-hininga.


"I heard everything," sabi nito. Gulat ko siyang tinignan at napakaseryoso ng ekspresyon ng mukha niya.


"A-anong everything?" Tanong ko pero alam ko na ang isasagot niya.


"Yung pag-uusap niyo ni Baekhyun. I'm sorry. I wasn't eavesdropping, 'di ko lang sinasadyang mahagilap yung usapan niyo."


"Loko, umalis ka na lang sana. Naki-tsismis ka pa," pilit-ngiti kong tugon saka sinulyapan ulit si Baekhyun. Kung sa bawat sulyap ko eh may matatanggal na isang corrupt na leader dito sa Pinas eh baka umunlad na 'tong bansa natin.


"Do you hate Preschylla?"


Ngumiti ako nang malungkot saka umiling. "How can I hate her? Baka puso siguro ng byuntae na 'yon ang dapat kong saksakin," turan ko saka tumawa nang mahina. Letse, gamitin ko pa mga eyeliner niya.


"Baliw. Mahal mo pero pinaplano mo pang i-murder."


Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DWhere stories live. Discover now