(Season 2) Chapter 16

407 34 13
                                    


Last updated: Mar 05, 2018 05:46PM


[Recap]


Huminga ako ulit saka walang emosyon silang pinasadahan ng tingin.


"Sino ba kasing nagsabi na hindi ako fan?" Turan ko at kasabay nun ang pagsulpot ng EXO.


(Preschy's POV)


Gulat silang tumingin sa 'kin. Maski ako eh gulat silang tiningnan pabalik.


"A-ah..." Mas kumunot ang noo nina Suho nang mapansin nilang nauutal ako habang 'di makatingin nang diretso sa kanila. 'Yan kasi Preschy! 'Yang bibig mo kasi! Aish!


"Oo nga, sino nga bang nagsabi na hindi siya fan?" Biglang sabi ni Illiya. Nanlaki naman ang mata nina Aika at Micka. Silang tatlo lang ang nakakaalam ng sekreto ko. Maiintindihan ko pa kung isa sa kambal ang nagsabi nun pero si Illiya?


Wow naman Preschy. Kaaway mo nga 'di ba? Ano'ng ini-expect mo?


Nabalot ng ilang segundong katahimikan ang buong classroom. Maya-maya ay biglang bumulanghit nang tawa Kris. Gulat naman kaming napalingon sa kanya. Wow, si Kris. Tumatawa. Ang cold city guy ng EXO eh sobrang pula na ng mukha. Ang happy rin niya eh 'no?


"A-ah Kris, okay ka lang?" Takang tanong ni Chen. Basang-basa ko sa mukha niya na siya dapat ang tumatawa ngayon at hindi si Kris.


Bigla namang tumigil si Kris at bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya. Kung 'di lang kaming lahat ang nagulat sa pagtawa niya eh aakalain kong namalik-mata lang ako. Ang bipolar.


"Tongaks. Gusto ko lang tumawa. Ang totongaks niyo kasi." At umalis siya. Nagtataka naman silang lahat habang si Tao eh parang naistatwa. Nang sikuhin siya ni Chanyeol eh bigla itong suminghap at naglagay ng kamay sa bibig niya.


"Hala, si Kris. Na-duwende!" Tiningnan na lamang siya nang masama ni Chanyeol.


"Wait, sa'n na nga ba tayo?" Turan ni Lay. Napabuntong-hininga na lang silang lahat.


"Dun na tayo sa parte Lay na maghuhubad ka ng damit ta's sasayaw ng Two Moons." Bored na tugon ni Luhan. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagtingin niya sa direksyon ko. Nang magtagpo ang mga mata namin, dali-dali siyang nagkunwari na nakikipag-usap kay Xiumin.


"Ha! 'Kala niyo mauuto niyo ako! 'Di 'to madaling makalimot 'no! 'Di pa naghuhubad si Kai kaya alam kong 'di ko pa part at 'di pa ako dapat maghubad!" Confident pa nitong sabi na para bang kami pa yung naisahan niya. Hay, kawawang Lay. Balang araw, aaminin ko sa kanya ang lahat ng kalokohan ng EXO sa kanya.


"Um, haha. Napagod ako ngayon. Hehe, sige una na'ko sa kwarto namin. Magpapahinga muna ako." Pakens Preschy, ang awkward ng haha at hehe mo. Ang obvious mo masyado. Tsk!


Nag-briskwalking pa ako kakamadaling malisan ang mga mapanuri nilang mata. Nang makalabas ako eh bigla akong pinanghinaan at napasandal na lang sa may pinto. Rinig na rinig ko pa rin ang kulitan nila at ang expected na pagtatanggol sa akin ni Suho.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon