(Season 1) Chapter 43

8.2K 285 65
                                    


Chapter 43: 'No Title', 'Yan Ang Title

 

(Preschy's POV)

 

"Are you okay?" Bungad sa 'kin ni Cyrus. Ngumiti lang ako nang tipid habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa garden na 'to. Kahapon lang nangyari ang lahat ng showcasing ng bawat curriculum kaya lahat ng mga estudyante ay may dalawang araw para magpahinga.


Ang EXO naman ay bumalik sa Seoul para sa isang urgent performance. Akala ng mga fans nila eh nagttraining sila para sa comeback nila kaya 2 am pa lang ay pinalipad na sila ng manager nila papuntang SoKor para makaiwas sa media.


"Silence means no." Sambit ni Cyrus kaya napangisi ako. Bago 'yon ah!


"Haha. I'm fine, CJ." Sagot ko pero natauhan ako bigla nang mapansin kong CJ pala ang naitawag ko sa kanya.


"I miss that name." Bulong nya sabay yuko. Bumuntong-hininga na lang ako kasi mahirap nang bawiin pa ang nasabi ko na.


"Umm...next week na nga pala ang enrolment. A-ahh sa PB Curr. ka pa rin ba?" Pagda-divert ko sa pinag-uusapan namin. Ayoko na kasing balikan kung anong meron sa nakaraan.


"Yeah. Mas nai-enjoy ko kasi ang sarili ko dun." He answered without looking at me.


"Well, same here. May meeting nga pala tayo with Mr. Lim in a few minutes. Tara na dun sa office nya." Aya ko saka tumayo't pinagpag ang skirt ko.


"Why don't you just step out of your comfort zone?" Bigla nyang tanong and I was taken aback pero hindi ko ipinahalata.


"You mean, gusto mong magtransfer ako ng curriculum? Haha.. You know me Cyrus. Utak lang ang meron ako." Sagot ko pero seryoso syang nakatingin sa 'kin.


"'Yon na nga Preschy. Kilala kita! And the girl standing in front of me now is not the Preschy I grew up with!" Bulalas nya sabay tayo. Nabigla naman ako dahil sa pagtaas ng boses nya. He..he never shouted at me before.


Ayan ka na naman Preschy. Magkaiba nga kasi ang before, during at after. Matalino ka nga, kukote mo naman nasa paa!


"Wala ako sa mood ngayon." Sagot ko na lang. Bakit ba kasi sya galit?


"Ang Preschy noon, hindi nagpapatalo! Ang Preschy noon, hindi nagpapaapi! Nang dumating rito ang EXO, bumalik ang dati mong ugali and I thought na babalik rin ang dating ikaw! Ang Preschy noon——"

 

"Ay iba na sa Preschy ngayon so please, drop the topic." Pagpapatuloy ko sa mga hinaing nya kuno. Minsan talaga eh parang tatay ko na ang lalaking 'to. But how I wish na ganito ka-pakialamero ang Daddy ko 'cos in reality, he never gave a damn about me and my existence.


"I want you to be happy. She might be gone pero alam mong hindi sya masaya sa ginagawa mo ngayon! Stop being an impostor." Naging mahinahon sya pero ako naman 'tong sinapian.

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon