Nang makarating ng bahay ay agad akong dumiretso kay Mama at biglang umiyak. Nagtaka ito lalo pa't ang tagal namin bago nakabalik. Saglit akong pinapasok ni Papa sa kwarto pero hindi pa man tuluyang nakakapunta roon ay narinig ko nang kinuwento nito ang nangyari sa amin. Maya-maya pa'y mabilis akong bumalik sa kanila nang marinig ko ang sigaw ni Papa.

Napatigil ako sa nakita. Ang tuhod ko'y biglang nanlambot kaya't napahawak ako sa pintuan. Malakas ang sigaw at iyak ni Papa habang marahang niyuyugyog ang mga balikat ni Mama. Tumayo ito't mabilis na hinalughog ang kwarto, hinahanap ang gamot.

Hawak ni Mama ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Inaatake na naman ito! Mabilis na dumausdos ang mga luha ko dahil sa naisip na inatake ito dahil sa nagawa ko.

"Mama!" Tawag ko sa kanya nang makalapit. Sa isip ko'y hinihiling na sana huwag mangyari ang kinakatakutan ko.

Ngunit natapos ang araw na iyon na tanging kami na lang ni Papa ang naiwan.

Naging tahimik si Papa at laging umiinom. Maging ako ay naging ilag din sa kanya. Naroon lamang ako sa kwarto at pinapadalhan ni Manang ng makakain. Wala pa man isang linggo nang mawala si Mama ay sinama ako ni Papa sa isang Ice Cream Parlor ngunit ako lang ang inorderan niya. Iniwan niya ako roon at sinabing may dadaanan lang daw siya.

Tulala akong nakatitig sa ice cream na natutunaw na sa malaking bowl. Kung naroon pa rin kami sa sitwasyon noon, malamang ay kanina pa namin ito naubos ni Papa. I sighed and closed my eyes.

I unconsciously smiled because I saw her image again. Sa tuwing pipikit ako ay kusa ko na lang nakikita ang mukha ng batang white lady na iyon. Binuksan ko ang mga mata at gulat na napatayo dahilan para tingnan ako ng ibang customers. Paano ay nasa harapan ko na ang babaeng iyon na inosenteng tinitingnan ako.

Kanina lang ay nasa isip ko siya. Paano siya nakarating dito?

Kinakain niya ang ice cream na dapat ay para sa akin. Muli akong bumalik sa pagkakaupo at pinanood siya.

"Wala akong gana kumain sa bahay kaya akin na lang 'to." Saad nito habang ang paningin ay naroon pa rin sa ice cream. Mabilis niya iyong kinain at ayun na naman ang mga luha niyang kusang nagsituluan.

"Saan ka galing? Sinong kasama mo? Bakit ka andito?" Sunod-sunod kong tanong. Pinahid nito ang mga luha at suminghot-singhot.

"Sa labas." Nginuso nito ang labas ng Ice Cream Parlor. "Si Tita, may dadaanan lang daw. Para kainin ang ice cream mo." Sunod-sunod din nitong dagdag na iniisa-isa pa ang sagot sa mga tanong ko.

Wala akong panyo kaya inabot ko na lang sa kanya ang libreng tissue paper na pamunas dapat sa bibig. Tinulak ko rin papalapit sa kanya ang bottled water ko. Parehas niya iyong tinanggap at muling nagpatuloy sa pagkain.

Tulad noong una. Pinanood ko siya. Muling pinagmasdan ang kanyang mukha na kusa ring minimoryado ng aking isipan. Mula sa mga mata, ilong, pisngi, labi at maging ang suot nitong hoodie na may disenyong panda.

"Aray!" Saad ko sa inaantok pa ring boses. Pinagkukurot kasi ako ng mga nasa likuran ko. Inis ko silang binigyan ng tingin pero may sinisenyas ang mga ito na tanging pagnguso lang sa harapan ang aking naintindihan.

Napalingon ako sa harapan at doon ko nakita si Maam Sharlene. Naku po!

Matamis ko siyang nginitian at ginamitan ng kung anu-anong tricks. Easy lang 'to. Si Sir Dennis nga nauuto ko, siya pa kaya.

Akma akong may kukunin sa bag na nasa likuran ko ngunit agad napahinto. Napadako ang tingin ko sa babaeng nasisiguro kong hindi dito nag-aaral noon. Hmm, probably a transferee.

Unforgettable MistakeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ