CHAPTER 28: The Evil Sisters

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi sa ganun. Nag aalala lang kayo sa inyong dalawa ni Black."

Alam kong hindi ako dapat magtiwala sa kanila at sa tatlo pa nilang kapatid. Pero ayoko namang mapahamak sila.

Ewan.

"Hintayin mo nalang. Maayos ko ang gusot nitong si Black."

Napabuga ako ng hangin sabay tango.

"Bakit kasi hindi aminin ni Boss Black sa atin kung anong ka-ugnayan niya dun sa Madam X at paano siya napasok sa pagiging player nito sa Death Battle."sabi ko.

"Hindi niya talaga sasabihin yun lalo na at magiging kasiraan ito sa kaniya."

Kumunot ang aking noo.

"Anong ibig mong sabihin?"

Muli akong sumulyap sa kaniya. Nakita kong nakangisi siya sa akin.

"May alam ka?"dagdag kong tanong.

Halata sa kaniyang mukha na may nalalaman siya sa nangyayari.

"Si Madam X ang tunay na Ina ni Black."

Sa kaniyang sinabi ay bigla kong naihinto ang sasakyan. Bahagya itong pumreno ng malakas dahilan para mapasimangot siya.

"Anong sabi mo? Yung Madam X ay Ina ni Boss Black?"gulat kong tanong.

Nanatili siyang nakasimangot.

"Oo nga. Paulit ulit ka? Bingi ka?"

"Paano nangyari yun? Bakit? At paano?"

Hindi pa siya nakakasagot ng makarinig kami ng busina sa likuran. Nakita ko sa rear view miror ang mga sasakyang nasa likuran namin kaya agad ko ng pinaandar ang aming sinasakyan.

"Matagal ko ng alam yun. Halos tatlong taon na yata."sagot niya.

"Tatlong taon? Pero bakit umakto ka kanina na parang walang alam?"

Kanina ng tinatanong kung si Black tungkol dun ay wala lang pakialam ito si Red. Ang sabi niya lang, pinipilit niya din si Black na sagutin ang mga tanong niya. Pero yun pala, may alam na siya.

"Dahil hindi alam ni Black na alam ko na ang sikreto niya. Alam ko na kung anong ka-ugnayan niya kay Madam X."paliwanag niya.

"Paano mo nalaman ang tungkol dyan?"

"Nung time na kausap na ni Daddy ang kabit niyang si Chloe. Narinig ko silang nag uusap sa opisina. Itong si Madam X nga ay isa sa kilalang mafian leader dito sa Mackenzie City ang siyang totoong ina ni Black."

Bahagya akong naguluhan doon.

"Totoo ba yan? Kung ganun, paanong napunta kay Don Nicanor si Black?"

Habang nagmamaneho ay panay ang sulyap ko kay Red. Hindi ako mapalagay sa kaniyang sinasabi.

Kung hindi ang Madam X na iyon ang tunay na ina ni Black. Meaning, hindi ito ang hinahanap ko.

"Dahil nga curious ako tungkol dun. Ako mismo nagpa-imbestiga nun. Nagpatulong ako kay Flavian. Nalaman niyang may asawa at anak na si Madam X ng ipagbuntis si Black sa ibang lalaki. Ang mga ito ay nasa ibang bansa noon. Sa pangamba na malaman ng asawa ang kataksilan niya. Ipinaganak niya si Black. Dahil magkibigan daw sila ni Daddy. Dito niya ibinigay ang bata."mahabang pagkukwento ni Red.

Sandali akong natahimik at inisip kung dapat ba akong maniwala sa mga kinuwento niya.

Dapat may ibidensya para masabi kong nagsasabi siya ng totoo. Pero ang nakakainis lang. Hanggang ngayon kasi ay wala pang makalap ng info si Claud sa totoong pagkakilanlan ni Black.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon