Pumasok ako sa pinto ng secretary's office dahil ang sabi ni Ms. babes nakaalis na raw si Mr. Navarro kaya hindi na ako nag-abala pang kumatok.

Malawak ang lugar nito at hindi ko na lamang inisa-isa pa ang mga kagamitan dito. Pagkalapag ko sa folder sa mesa ay lumabas na rin ako.

Pahakbang na ako paalis nang makarinig ako nang kaluskos at mahihinang boses. Bumaling ako sa pinakadulong pinto kung saan nababasa ko ang nakasabit sa pinto mula dito sa kinatatayuan ko.

Conference Room

Hindi ko alam pero may nag-udyok sa akin na humakbang papunta sa pintuan na iyon. Curiosity kills the cat but I have this need to know what's goin on in there.

"Pare, she should know, if you want to protect her. Tell her the truth. Not this way. Hindi ko gusto ang plano mo." ang unang boses na narinig ko.

I frowned. The voice sounds familiar.

"Dude baka naman may iba pang paraan." ani pa ng isang boses.

"I've been figuring things out for days now at wala akong makita na solusyon kung hindi ito lamang. It'll be hard for the both of us but I prefer it to be this way. It has to be this way. It has to end." that voice, I'm certain of was from Lawrence.

Ano bang pinag-uusapan nila? Sigurado na akong mga kaibigan ni Lawrence ang naririto sa loob ng room.

Without thinking twice, I knocked the door three times.

Narinig ko ang ingay ng mga upuan at mayamaya pa ay bumukas ang pinto.

Mukha agad ni Jack na nakakunot-noo ang nasilayan ko.

"Emz! What brought you here? Kanina ka pa nakatayo diyan?" panggilalas niya. Bumaling siya sa mga tao sa loob na nakatingin din sa akin at bakas ang gulat at pagtataka sa mukha nila.

Kompleto silang lahat. Si Lawrence na hindi ko mailarawan ang ekspresyon ng mukha  ay marahang tumango sa akin.

"Who told you to come up here, Emerald?" he asked in monotone, but there's annoyance in his voice.

Napatungo ako at tumitig sa mga kamay kong nakasalikop.

"I'm sorry for intruding. May pinag-utos lang si Ms. Babes. Paalis na sana ako kaso nakarinig ako ng kaluskos. Akala ko may nangyayaring masama dito. I'm sorry, Lawrence." nakatitig pa rin ako sa aking mga daliri at hindi ko magawang tumingin sa kanya. I'm trespassing. I shouldn't be here.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Let's talk some other time." I thought he was talking to me pero nakita kong sa mga kaibigan niya siya nakatingin. Tumango ang lahat sa kanya.

"Hi Emz! Bye Emz!" wika ni Ian na nakangisi nang makadaan na siya sa aking gilid.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

Sinapok ito sa ulo ni Reid. "Fucker!" he scoffed. Ngumiti lang ng nakakaloko si Ian.

Bumaling si Reid sa akin at ngumiti.

"We'll go ahead Emz." bahagya pa itong yumuko.

"Ingat kayo." sagot ko para sa kanilang lahat.

Tinapik ni James at Chris ang balikat ni Lawrence at nagpaalam na rin sa amin.

Si Lawrence na ang nagsara ng pinto pagkalabas ng lahat. Tumitig siya sa akin mula ulo hanggang paa at pabalik and everything suddenly became awkward.

He gave me a lopsided smile before he walked towards me. "Now, what shall I do with you? Hmm? I really want to punish you right now. But I have a better way of punishing you.."

"Lawrence?" ang tanging nasabi ko dahil naguluhan ako sa sinabi niya. Napaatras ako ng wala sa oras. There's something in the way he looked at me.

He sighed again and to my surprise, he embraced me. Hinalikan niya ang likod ng tenga ko na siyang nagpakiliti sa bawat himaymay ng aking katawan.

"I missed you. But then again, I'm always missing you." he whispered.

Yumakap din ako sa kanya pabalik. "I missed you too. Wala kang text sa akin ngayong araw." I replied as I buried my face on his chest. I smelled his expensive perfume.

"Sorry. Kinda busy today. And baby, next time don't eavesdrop. I don't like it." tiningnan niya ako palalim.

"I know and I'm sorry. So, what was that for?" I asked. May binuksan siyang pinto at kanugnog nito ang opisina niya.

Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng loob. Ang laki at ang linis. Napapalibutan ito ng salamin. From floor to ceiling. Blue ang kulay ng carpet at may mini sala set. May isa pang pinto akong nakita pero napagbatid ko na ito ay washroom.

Umupo siya sa sofa at tinapik ang hita niya. Napangisi ako. Lumapit ako at halos patalon na kumandong sa kanya.

"So, para saan yung pag-uusap nyo ng mga kaibigan mo?" tanong ko ulit. Naka-pencil cut na palda ako at litaw n litaw ang mga hita ko sa kanya.

"Hmmm...." umungol lang ito at hinihimas-himas ang aking paa paakyat sa tuhod at papuntang hita. Paulit-ulit niyang pinalandas ang daliri sa balat ko at gusto ko na agad kapusan ng hininga. Sa simpleng dantay ng balat niya sa balat ko ay parang sinilaban na agad ako.

I bit my lips. May kung anong nagrambulan na naman sa aking tiyan. My stomach twitched with excitement. Lawrence never crossed the line since the beginning. Katakot-takot na pagpipigil ang ginagawa niya whenever we make-out.

"Nothing baby, we are just talking about Veronica." bulong niya at bumaling sa akin. I saw fire ignited in his eyes. And I think he saw that in mine too. He looked at me intently and I did the same and the tension started to rise.

I swallowed. I ran my tongue through my dried lips involuntarily.

"Fuck." mahinang mura niya before he captured my lips in a second.

Our kisses were intense this time. Agad na inapuhap niya ang butones ng aking blouse at mabilisang kinalas ang mga ito. Tinulungan ko siyang magtanggal ng damit ko. I felt his hands on my behind as he unzipped my pencil cut.

"Wait. Not here." sinara niya ulit ang zipper ng palda ko pero hindi na nag-atubiling ibutones pa ang blouse kong nabuksan na niya.

"Lawrence! Where are we going?" I asked him habang hinihila niya ako. Pumunta kami sa isa pang pinto na hindi ko napansin at tumambad ang hagdanan paakyat. Kita ko mula rito ang likurang bahagi ng penthouse niya.

"Naiwan ko ang gamit ko sa HR office." I told him as I remembered my things.

"I'll get it later baby. But now, let me ravish you. That's why I don't want to be near you always. You make me lose control. And I can't take it anymore. Are you ready for this? You can still run for the hills habang kaya ko pa." may paghihirap sa boses niya. He held my face as I held his hands.

Am I ready for this?

He kissed me and I answered back with equal passion. Huminto siya sa paghalik at tiningnan ako sa mata.

"I take that as a YES...." before I can utter a protest, binuhat na niya ako paakyat at kumapit na lamang ako sa batok niya.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now