Over Me (Just a one-shot)

Magsimula sa umpisa
                                    

Kunot na nga ang noo ko, mas kumunot pa nang makitang wala ni isang classmate ko sa room. Nagkamali ba ako ng schedule? Pumasok ako at umupo, binuksna ko kaagad ang bag ko at chineck ang schedule. “Tama naman, ah?”

Narinig kong may nagsara ng pintuan. Paglingon ko ay nakita ko si Arvie na nakatago sa likod ang mga kamay.

Gusto ko siyang ngitian pero pumangibabaw na naman ang asar ko sa kanya, “wag mo nga akong pagtripan! Buksan mo na lang yang pinto, baka dumating na sina ma’am,” inirapan ko pa siya at kunwari ay inaayos ang bag. Naco-conscious ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin, eh, “ano ba---“ mas lalong nag-init ang ulo ko nang kunin niya sa akin ang bag ko gamit ang isang kamay, “I hate you!”

Sa gulat ko ay ngumiti lang siya, yung ngiting parang walang kasalanan. “I love you.”

Natigilan ako doon. “Ano ulit yun?”

“I love you nga.”

Sa gulat ko ay bigla na lang nagsulputan ang mga classmate namin sa likuran niya hawak ang mga colored paper na may nakasulat na mga nagko-kornihang quotes. “Parte ba ‘to ng mga pangungulit mo sa akin?” lumunok ako ng ilang beses. Para kasing may bumara doon.

“Parte ito ng nararamdaman ko sa iyo,” nilabas niya ang nakatagong kamay niya, may hawak iyong bulaklak, “matagal ko na sana ‘tong binigay sa yo kaso,” nagkibit-balikat siya, “sinungitan mo ako nung huwebes, eh, kaya tumira na muna sa freezer namin.”

Kumunot ang noo ko. Natawa pa ang mga classmate namin dahil halata namang nalalanta na iyon. “Ginagago mo talaga ako, eh.”

“Hindi, ah, kasi ang lalaking nagmamahal, ni minsan di kayang gaguhin ang katangi-tanging babaeng nagturo sa kanila kung paano maging totoo,” ngumiti ulit siya sa akin. “Ako, si Arvie Nolasco, ay hinihingi ang salitang ‘oo’ ni Jeceline Moreno para manligaw,” nag-step forward siya palapit sa akin.

“Teka,” pinigilan ko siya sa paglapit. “Magsasabi ako ng mga kasalanan mo, sa bawat kasalanang sasambitin ko, dapat umatras ka ng isang hakbang.”

“Ang unfair naman yata nun?”

Ako naman ang ngumiti sa kanya, “pagkatapos ng lahat ng mga kasalanan mo, yung mga bagay naman na nagustuhan ko sa iyo ang sasabihin ko. Sa bawat bagay na iyon, lumapit ka sa akin ng limang hakbang, deal?”

“Deal.”

“Ang yabang mo, isang atras,” umatras naman siya, “akala mo kung sino ka, atras,” umatras ulit siya, nagsunud-sunod ang mga sinabi kong kasalanan at ayaw ko sa kanya hanggang sa makaabot na siya sa labas ng classroom, kakamut-kamot pa siya at nagtago naman na ng mukha ang mga kaibigan niya.

“Ang layu-layo ko na, oh!” sigaw niya. Kailangan na talagang magsigawan kami kasi talagang hindi na kami magkakarinigan. Dumarami na rin ang tao sa labas ng classroom dahil siguro napansin nilang nagkumpulan ang mga classmate namin sa labas.

“Ganyan kadami ang kasalanan mo!” sigaw ko pabalik. “Isa pang kasalanan mo sa akin, MINAHAL MO AKO!”

“Hindi iyon kasalanan, ah---“ nagtangka siyang lumapit.

“Ops, diyan ka lang,” huminga ako ng malalim, “things I like about you naman,” di muna ako nagsalita agad, kunwari nag-iisip, “parang wala naman, eh.”

“Aray.”

“Sige, ito na. Una, lagi mo akong kinukulit, limang hakbang palapit. Kapag nakalapit ka sa akin, ‘oo’ na agad, pwede mo na akong ligawan,” pakikipag-deal ko ulit. Game na game naman siyang humakbang ng limang beses, “ikalawa, ang yabang-yabang mo na hindi naman masyadong nakakaasar sa iba, ako lang yata ang naaasar,” humakbang ulit siya, ngiting-aso na nga siya, “oh, yan, wala na. Hindi ka na makakalapit,” humalukipkip pa ako sa kanya.

“Wala na talaga?” bumagsak ang mga balikat niya, “konti na lang, oh, tatlong hakbang na lang siguro, makakalapit na ako sa iyo, wala na ba talaga?”

Tinaas ko ang isang kilay ko sa kanya, “meron pa.” Naghintay ang lahat sa sasabihin ko, “mahal din kita---“ hindi na lang siya basta naglakad kundi tinakbo na niya ang maliit na espasyo sa pagitan namin saka niya ako niyakap.

“Sabi ko na nga ba!”

“Ang yabang-yabang mo pa rin talaga,” umirap pa ako kahit alam kong hindi naman niya ako makikita kasi nga yinakap niya ako.

“Mahal mo naman, girlfriend na kita, ha?”

“’Di ka pa nga nanliligaw, eh!” nilayo ko siya sa akin.

“’Dun din naman ang tuloy ‘nun,” nagkamot pa siya sa ulo niya, nagmukha tuloy siyang batang napahiya. “Ayaw mo ba ‘nung tayo nga, pero araw-araw, nililigawan pa rin kita?”

Song-inspired Single Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon