BETTER THAN THIS by Six Part Invention

607 46 15

[BETTER THAN THIS by Six Part Invention]

Gianis’ POV

 

I sit swiftly as I crossed my legs. “So, what’s new, girls?”

 

I’m with my barkada, Samantha, Diva and Lyn. May pinakitang picture sakin si Lyn na mula pa sa FB nya, “Look, Gianis, number one ka na naman sa Hottest Girl ng campus. You’re really a babe, girl!”

 

“So? Nothing’s new with that, all im asking is if may bagong girlfriend na si Drake,” crush ko si Drake ang kaso ay mukhang di nya ako gusto dahil maarte daw ako. “You know how I adore him. Kung di lang sya manhid.” Kapitbahay ko si Drake pero di man lang nya ako mapansin pansin.

 

“Girl, meron na ulit eh,” ani Sam, sya naman ang may pinakitang picture, “si Reina Andres. Yung transferee.”

 

Tinitigan ko ng mabuti yung babaeng nasa picture. Oo nga, ang ganda ng babae. Simple. Ano bang wala ako na meron sa mga babaeng yun? Girlfriend ba talaga yun ni Drake? Close sila pero di mukhang “sila.”

Nagring na yung bell kaya naghiwa-hiwalay na kami. Hindi kami magka-ka-classmate. Ako lang ang naihiwalay ng section sa kanila dahil sinundan ko si Drake. Ganun ako ka-obssess.

Pagpasok ko sa kwarto ay pinagtitinginan na ako ng mga classmate kong boys. Hindi nab ago sa akin yun, ang hinihintay ko lang ay tignan ako ni Drake na hindi na yata mangyayari.

“Mag-e-elect tayo ng officers nyo for this year,” sabi nung adviser namin.

As usual, si Drake na naman ang President ng room dahil hindi number one sya sa whole campus in terms of academics at as usual, ako na naman ang muse. Ang gusto ko ay tumaas naman ako ng konti kahit sa auditor lang para anamn mailabas ko rin mga kinikimkim ko.

Pagkatapos ng klase ay nagmeeting kami tungkol sa mga projects na gagawin sa room.

Nagtaas ako ng kamay, tinignan ako ni Drake pero di man lang nya sinabing “Okay Miss Gianis Mateo, ano yun?”. Nilalagpasan nya ako ng tingin.

“Can I talk here?!” sabi ko sa medyo mataas na boses.

“Gianis, muse ka lang naman,” sabi ni Drake. Hindi nakatakas sa pandinig ko yung pagdiin nya sa salitang “LANG”.

Tumayo na ako. “Muse LANG naman pala ako, bakit pa ako sasali sa meeting na ito, diba? Wala rin LANG namang makikinig sa mga suggestions ko, bakit pa ako magpapakaburo dito?”

 

Kahit na ano ang gawin ko ay di lang naman nila napapansin. Nagwalk out ako. nagpunta ako sa garden ng campus. Dun  ako naglalagi kapag naiinis ako.

Isang oras na akong nandun. And then naramdaman kong may pumatak sa kamay ko. Tumingala ako. sh*t. umuulan. Kung kelan di ko nadala yung payong ko. Hayaan na, mas mabuti nbg magkasakit ako. Hinintay kong lumakas yung ulan pero bakit parang wala ng pumapatak sakin?? Eh ang ingay ingay ng paligid dahil nga sa ulan??

Pagtingalan ko ayy may payong na lumulukob sa akin. “H-huh?”

 

“Hindi ka dapat nagpapaulan.”

 

“Anong ginagawa mo dito? Di ba, dapat nasa meeting ka?”

 

“Gianis, ikaw din naman, dapat nasa meeting.” Basang basa na ng ulan si Drake dahil mas pinapayong’an niya ako kesa sarili nya. tumayo na ako para naman magkasama kami sa payong.Ang tangkad nya :3 “Sorry kung di kita pinapakinggan.”

 

“Bakit nga ba hindi?” pakapalan na ng mukha. Ngayon lang kami naging malapit sa isat isa.

“Maniniwala ka ba kung sasabihin kong nangangamba akong mahulog uli?”

 

“A-ano?”

 

“Tara na, umuwi na tayo.”

 

Nagsabay kaming naglakad. I didn’t have the guts to ask him! Mas mauuna akong aalis kasi mas malapit yung bahay namin kaya naman nagtaka ako ng ibigay nya sa akin yung payong at tumakbo palayo. Naulanan tuloy siya. Di ko naman na sya nahabol.

Pagpasok ko sa bahay, pinatuyo ko yung payong na nakabukas.

“Hala, ano to?” nagulat ako kasi may nakasulat pala sa taas ng payong. “BE--- MY--- GIRL...” (O_O) “BE MY GIRL?!”

 

Nakasulat sa pentelpen yun at handwritten yun ni Drake!

Tumakbo ako palabas ng bahay. Umuulan pa rin. nakita ko si Drake na nakasandal sa poste ng kuryente. Nakangiti siya na medyo nahihiya.

“Ampupu mo, Drake!” I shouted at the top of my lungs as he walked towards me.

“Be my girl.” Ulit nya.

“Pero kayo ni Reina...”

 

“Sabi ko na nga ba... Reina is just a friend. And you’re different.”

 

Di ko alam ang sasabihin ko!

“Kaya di kita pinapakinggan ay dahil sa nawawala ang konsentrasyon ko...pero ngayon..hayaan mo ng mawala yun... wag lang ikaw ang mawala...” lumuhod pa siya sa harap ko... parang magpopropose! “Be my Girl, Gianis Mateo...”

 

Alangan namang magpakipot pa ako?! “Oo! I’ll be your girl!”

 

Ganito pala kasaya kapag alam mong mahal ka din ng taong mahal mo.

[BETTER THAN THIS by Six Part Invention]

+++

Author: Thanks ule! Walang katapusang thankyou!

Song-inspired Single Shot StoriesBasahin ang storyang ito ng LIBRE!