DA BEST ANG FEELING by Toni Gonzaga

544 37 5
                                    

[DA BEST ANG FEELING by Toni Gonzaga]

 

“Just close your eyes and spread your arms wide... breathe slow... and call my name.”

 

“Ahy wala akong pakialam kahit na di ka na magbalik noh! Sows! Para namang mami-miss kita! Che!”

 

“Yna, aminin mo man o hindi, alam ko ding mami-miss mo ako.”

 

Di ko na pinakinggan pa ang sinasabi ng epal na kapitbahay naming si Francis, pupunta lang naman sa states, ang dami pang sinasabi. Buti nga at aalis na, makakahinga na ako ng maluwag. Wala ng manggugulo sa aking pinakaiingatang lablayp!

***

Yna’s POV

 

Nakakapagod naman ang maglinis ng bahay, nakakainis lang talaga. Magtatakbo ba naman ang mga anak ng kuya Luis ko sa loob ng bahay na may putik-putik pa ang mga paa, naku!

“Kung ako magkakaanak, di ko hahayaang maglaro sa putikan!”

 

“Magkakaanak ka kaya kung wala namang nanliligaw sayo?”

 

Napaangat ako ng tingin. Si kuya Luis.

“At bakit naman hindi? Sa ganda kong to? Imagine’in mo na lang na ako ang susunod na reyna ng Ingglatera! NakOw! Maiinggit kayo!”

 

“Kapal talaga, pumunta ka sa kanto, bumili ka ng toyo bago ka maging reyna ng kung ano pa mang imaginary place na yan.” Binigyan nya ako ng perang pambili.

Tinigil ko muna ang paglilinis. Wala akong pakialam kung super haggard ko. Nakasuot lang ako ng cotton shorts na may printa ng favorite cartoon character ko, si spongebob at pantulog na tshirt na kung di ako nagkakamali ay may butas pa sa kaliwang kili-kili.

Napadaan ako sa bahay nina Francis. Isang di-kataasang bakod lang naman kasi ang naghihiwalay sa mga bahay namin. Napaingos ako nung maalala ko siya. Lagi nya akong binibiro, lalo na ang lovelife kong tigang na tigang dahil sa kanya. Sinisindak kasi nya ang mga manliligaw ko eh.

”Oy, Yna!”

 

Nakita ko si Ate Mayet, ang nag-aalaga sa bahay nina Francis. “Oh, teh, balita saten?”

 

“Darating na sina Francis mamaya, punta ka ha? May pasalubong yun sayo, sigurado!”

 

“At akala nyo ba lalabas pa ako ng bahay ngayoong nasabi mo na? Ahy naku, teh, alam nyo kung ganu kasuklam suklam ang kapalaran ko kapag napalapit ako sa Francis na yan!”

 

Pagkatapos kong makabili ay agad-agad din akong umuwi. Sinara ko lahat ng bintana sa bahay o kahit anong pwedeng pasukan ng LIVING THINGS. Kilala ko si Francis, hahanap at hahanap yun daan papasok sa bahay para lamang masira ang pagkaganda ganda kong araw.

Song-inspired Single Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon