LUCKY by Jason Mraz ft. Colbie Caillat

538 28 7
                                    

[LUCKY by Jason Mraz ft. Colbie Calliat]

 

Felicce’s POV

 

Naningkit ang mga mata ko ng makita ko si Jelly, ang ex ng bestfriend kong si Seth. Nasa tagpuan din siya... tagpuan na dapat ay nakalaan lang sa amin ni Seth kapag uuwi na kami. Bilang bestfriend ni Seth, hinahatid niya ako sa bahay namin kahit may kalayuan yun sa bahay nila. At ngayong nakikita ko si Jelly na malandi, nahuntaan kong makikisabay siyang umuwi.

Umupo ako sa tabi ni Jelly na prenteng nakaupo rin, “ang sikip ng upuan. Para sa dalawang tao lang which means, sa amin lang ni Seth. Pero ngayon, may impokrita pang nakikisali,” parinig ko sa kanya.

“Kung bestfriend ka lang naman, wag ka ng mangengealam,” balik niya sa akin na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

“Kung ex ka na lang din naman na halos apat na buwan na ang nakalilipas, pwedeng umalis ka na lang?” nakakainis na babae! Akala mo kung sino eh ex lang naman! At ngayon, naghahabol siya? Bwisit!

“At sana naman, naisip mo na kahit ex man ako nga apat na buwan, ako pa rin ang mahal ni Seth. Ikaw ba, minahal ka niya?”

 

“A-aba! Oo!” oo nga ba?

“Ows? Bilang ano? Bilang bestfriend for seven years? Pitong taon na pero di ka pa rin niya pansin! And hello? Mag-ga-graduate na tayo ng high school pero wala man lang siyang sinasabi sayo na ‘I love you’ noh, eh ako, sampung beses isang araw niya sabihin yun,” ngayon ay totally na siyang humarap sa akin.

Di ko siya uurungan, “paanong hindi ako mapapansin eh nakaharang ka? Subukan mo kayong lumayu-layo ng mga one thousand kilometer at tignan lang natin kung di ako mapansin ni Seth! O mas mabuting wag ka na lang magpakita FOREVER!”

 

“Kapag mawawala ako, hahanap-hanapin ni Seth ang alindog ko,” ngumisi pa siya sa akin.

“Yuck! You did that?!” nanlaki pa ang mga mata ko.

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay, “and what do you think we’ll do inside his room for three hours? Magtititigan? Come on, di na kami isip-batang gaya mo noh. Bakit, you wanna try?”

 

“Nagmamahal lang ako, hindi nanlalandi.  Hindi ko gugustuhing ibigay ang sarili ko para lang mapasaakin siya noh. In short, di ako gaya mo!”

 

“Oh really?” pagkuwan ay umusog siya palapit sa akin, “you must try. It’s fantastic, by the way. Especially Seth.”

 

Lumapit din ako sa kanya, “don’t worry, masusubukan din namin yan. Because I’ll be his wife.”

 

Sasagot pa sana siya pero nakita naming palapit na si Seth. Nakangiti gaya ng  dati. Mukhang di na siya nagulat na makita pa si Jelly. Kung titignan, parang magkasundo talaga kami ni Jelly kasi nakangiti pa kami pareho. Pero ang totoo, nagtutulakan na kami kung sino ang tatayo para makaupo si Seth.

Song-inspired Single Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon