Over Me (Just a one-shot)

Start from the beginning
                                    

“Class dismiss,” agad akong tumayo at halos patakbong lumabas ng pintuan. Mahirap na kapag naabutan pa ako ni Arvie, sandamakmak na pangungulit at tukso na naman ang aabutin ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung hindi ba siya nagsasawa sa ginagawa niyang pangungulit sa akin.

“Jeceline!”

“Gahd!” nabitiwan ko pa tuloy ang mga librong buhat ko nang dahil sa kanya. Kulang pa ba ang bilis ko para matakasan siya?

“Yan kasi, tumatakbo ka,” at tinulungan niya ako sa pamumulot.

“Bwisit!” pinalo ko sa balikat niya ang isang librong hawak-hawak ko na, “malas ka talaga, eh nuh? Lahat ng dala mo sa akin, puro kamalasan,” nanggigigil na hinablot ko sa kanya ang isang librong hawak niya, “bwisit!” muling sambit ko at ang bag ko naman ang isinunod na itinama sa kanya. “Sana lang wag ka na ulit mangulit, wag ka na ulit makipag-usap, wag ka na ulit sumunod kasi malas ka! Kuha mo, malas ka!” ngayon lang talaga ako nanggigil ng ganito sa kanya, kulang na lang yata ay umusok ang ilong at tenga ko dahil sa kanya pero agad din ako natauhan nang makitang tahimik ang buong paligid... lalo na si Arvie na mukhang nagulat sa mga nabitiwan kong salita.

“Kung iyan ang gusto mo,” naglakad siya paatras bago tuluyang tumalikod at mabilis na tumakbo palayo.

“Arvie...”

***

Nakasuksok ang isang kamay ko sa buhok ko na parang sinasabunutan ang sarili habang nakatitig sa mga online friends ko. Linggo naman at tapos ko na ang lahat ng assignments ko. Hindi naman ako ganito ka-bored noon, eh. Ngayon lang talaga.

Huwebes nung masigawan ko si Arvie. Dati-rati, sinusundo pa niya ako sa umaga sa bahay noon para lamang magkasabay kaming pumasok sa school pero naghintay na ako ng halos tatlumpong minuto sa labas ng bahay noong biyernes pero wala pa rin siya. Inisip ko na lang na baka busy siya or baka mahuhuli sa pagpasok pero nagulat ako nang pagpasok ko sa room ay nandoon na siya na masayang nakikipagkwentuhan sa mga naglilinis na babaeng mga classmate namin. Nagkatinginan kami sa mata, inirapan ko siya, hinintay ko na namang lapitan niya ako at kulitin pero hindi nangyari.

Kumukunot ang noo ko habang tinititigan siya nang araw na iyon, parang may bago sa kanya. Nung uwian na naman, hinintay kong tawagin niya ako pero wala talaga. Buong araw na hindi niya ako pinansin at mukhang hindi man lang aware ang mga classmates namin.

Sabado, hinintay ko siyang mag-chat sa facebook gaya ng dati niyang ginagawa. Paulit-ulit din niya akong tina-tag ng mga pictures na may quotes at todo likes naman ang mga classmate namin pero pinagbububura ko din naman iyon kapag nanahimik na siya noon pero ngayon, ni ‘hoy’ sa chat ay wala. Gaya ngayon, linggo na at katatapos ko lang magsimba pero wala pa rin siyang pagpaparamdam. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong mainis o matuwa dahil mananahimik na ang buhay ko.

In-open ko ang chatbox at nagulat ako nang makita ang ‘Arvie Victorino is typing...’ na agad ding nawala. “Baka mahaba ang icha-chat,” sabi ko sa sarili pero magkakalahating oras na pero wala namang dumating na chat mula sa kanya. “Fine! Kung iyan ang gusto mo, eh di, okay!” sigaw ko sabay shut down ng computer.

“Jeceline, ano ba yan?” kumatok pa si mama sa pinto.

“Wala po!”

***

Monday, dapat masaya ako kasi wala na ang bwisit na si Arvie.

Habang nagfe-flag ceremony, narinig kong nagbubulungan ang mga classmate namin tapos kapag nililingon ko naman, bigla-bigla silang mananahimik tapos parang nagkakainteres sa announcement ng isang teacher sa stage. Nang matapos na iyon ay pinabalik na kami sa mga respective classes namin.

Song-inspired Single Shot StoriesWhere stories live. Discover now