CHAPTER 65

417 14 3
                                    

NAPATAAS naman ang kilay ko nang nanatiling tahimik silang dalawa.Anyone?Walang magsasabi sa akin?Yuhoo!Nandito pa rin ako!

“Calyx?Babe?Baka naman gusto niyong magsalita?"

Bumuntong hininga naman si Zero at kinuwento na sa akin ang lahat.Nakakagulat ang namamagitan sa kanilang dalawa.Hindi ko iyon in-expect!

Sila Hanz and Aleon ay magkarelasyon pa pala simula nung high school silang dalawa.Mahal nila ang isa't isa at payag naman sila Mama sa pagmamahalan nila dahil alam nilang hindi nila mapipigilan ang pagmamahalan nilang dalawa.Pero hindi payag doon ang mama ni Aleon.Ayaw nilang maging bakla si Aleon kaya pumunta ito ng ibang bansa na hindi nagpapaalam kay Hanz.Kaya sobrang sakit ang binigay niyon kay Hanz at sobrang galit ng pamilya ng Smith sa mga Evans lalo na kay Aleon.

“Grabe naman ang ginawa ni Aleon kay Hanz"

Kung sa akin gawin iyon ay talagang magagalit rin ako katulad ng galit nila Mama kay Aleon.Kaya pala galit na galit si Zero noong kasama ko si Aleon.

“Kaya nga nagulat ako nang malaman kong magkasama silang dalawa.Sobra ang galit noon ni Hanz kay Aleon tapos ngayon magkasama na silang dalawa.Ano?Ginayuma ni Dr.Evans?"natawa naman ako sa part na ginayuma pero mukhang wala sa mood ang dalawa makipagbiruan kaya pinigilan kong tumawa ng malakas.

Inabutan ako ni Zero ng juice na dinala ng katulong kanina at ininom ko agad iyon.Kumuha pa siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko.

“Let them talk"tumango naman kami ni Calyx sa sinabi ni Zero.

Ang pinaka-kailangan talaga nila ngayon ay ang mag-usap nang masinsinan.Kung sa sobrang galit ni Hanz kay Aleon ay napatawad niya iyon agad paano na kaya ang pamilya niya.Tsaka stubborn yang si Hanz,paniguradong hindi niya rin naman susundin kahit anong naging desisyon nila G.Pops at nila Papa.

“Papasok ako.Calyx,bantayan mo si Jerish"sumaludo naman si Calyx kay Zero.

“Jerish,ask Calyx if you need something.Or better call me if you need me.Just stay here,okay?"hinubad niya ang coat niya at pinatong sa may balikat ko.

Tumango lang ako sa kaniya na may ngiti sa labi.Humalik muna siya sa akin si Zero bago umalis.Kahit ganun kasungit yun sweet pa rin iyon.Nasanay na rin ako doon.

“Nakakainggit naman!"nakasimangot na puna niya habang kumukuha ng chips.Wala pa kasing girlfriend kaya ganyan.Masyado rin kasing workaholic.

“Masyado kasing subsob sa trabaho.Paano ka magkaka-girlfriend niyan?"nakataas kong kilay na tanong sa kaniya.

Busy kasi ito lagi sa kumpanya niya.Siguro dahil siya mismo ang nagtayo ng kumpanya niyang iyon mula sa scratch lamang.Nasa lugar kung nasaan ito ang kumpanya niya dahil sa tyaga at determinasyon niya kaya proud din ako sa lokong ito.

“Mga babae na lumalapit ngayon!"kumindat pa ito sa akin.

“Tanga!Ang babae ang nilalapitan!"nanunuya kong sagot sa kaniya. “Tignan mo si Kaizer tapos si Rex,may mga girlfriend na."

“Anong meron na si Kaizer?Hindi pa nga siya sinasagot.Asadong asado pa rin yung kay Zuri kahit tinataboy na siya."

Mukhang hindi pa sinasagot si Kaizer ni Zuri.After naming makilala si Zuri ay nakakausap ko na rin siya at sa akin siya nagrereklamo siya kapag kinukulit siya ni Kaizer o di kaya kapag may lumalandi kay Kaizer.Naging barkada na rin namin ni Lexi si Zuri kaya mas naging open siya sa amin.Syempre girl power!

“Sabagay paanong sasagutin ni Zuri iyon kung nakikipaglandian din naman si Kaizer sa ibang babae?"

“Sinong nakikipaglandian?"muntik na akong mapamura nang may magsalita sa likod ko.

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon