CHAPTER 43

822 31 5
                                    

[Jerish/Lairen POV]

Mga ilang oras lang ay nakarating rin kami sa Maynila.Lumuwas kasi kami agad pagkasikat ng araw.Para maaga na rin kaming makabalik sa Maynila.

Napa-wow ako sa laki ng bahay na ito.Hindi pala bahay!Mansyon ito!Yung mga sa teleserye sa TV o di kaya yung mga nasa magazine.Akala ko di totoo yung mga ganito.

"Dito tayo titira?"pagtatanong ko kay Zero na busy.

"Yes."buhat buhat ni Zero yung mga gamit ko at gamit niya.Si Zero ay iniwan daw muna si Elrah sa Lolo niya.Dun daw muna kasi di pa naayos itong bahay na titirhan namin.Matagal na raw na hindi natitirhan kaya ayaw naman niyang magkasakit yung bata.

"Ang laki naman dito!"manghang sabi ko.

Ang ganda rito!May chandelier pa!Gusto ko tuloy kumanta ng Chandelier!

Pero ang laki talaga ng bahay nila tsaka yung mga gamit rito ay pangmayaman talaga.

Iba itong bahay sa mga bahay dun sa Santa Barbara.Yung mga ganitong mga bahay ay mga bahay lang ng mga mayayaman.Mayaman talaga si Zero.Sabi na nga ba!

"Arrange your things and we'll go to the supermarket."iniwan na niya ako sa isang kwarto na mukhang magiging kwarto ko habang nandito kami.Napakalaki rin ng kwartong ito!

Napanguso naman ako nang iniwan niya ako.Simula nung nakita niya akong binubuklat ko yung mga photo album ay biglang lumamig yung pakikitungo niya sakin.

Di ko naman alam kung bakit kaya nung nasa kotse pa lang kami ay kinakausap ko siya pero sumasagot lang siya ng 'Oo','Hindi'.Konti na lang 'Pwede' para magmukha na kaming nasa Pinoy Henyo.

"Hayst!Ang moody talaga ng lalaking yun!Weirdo!"di ko na lang pinansin yung kaartehan ni Zero.Normal ng ganyan ang mood niya.

Hindi naman yata magagalit yun na pinakialaman ko yung mga photo albums nila.Kung iyon man ang kinapuputok ng butsi niya ay ang babaw naman niya.Sinilip ko lang naman yung mga pictures nila.

Nilagay ko na yung mga damit ko sa closet.Sosyal rito!May closet talaga!Sa bahay namin sa probinsiya,maliit na cabinet lang okay na.

Actually,isang kwarto siya na puro lagyanan lang ng damit.Sosyal nga eh.May tawag rito eh.Ang laking closet!Parang napakakonti tuloy ng mga damit ko sa laki ng closet na ito.

Parang di naman bagay rito ang mga ukay kong damit sa ganda ng closet na ito.Kahit na malaki-laki ang sahod ko sa hospital,hindi ako bumibili ng mga gamit sa mall.Basta makatipid lang ako,okay na sakin yun.Basta may masuot lang.Jusko!Pag nakita ba ng ibang tao ang damit mo,kung magkano ba ang basehan ng ganda nun?Basta para sakin ay komportable ka sa damit mo,yun ang masasabi mong maganda at mahal.

Nang maayos ko na lahat ay umikot ikot muna ako rito.Napapa-wow talaga ako sa bawat sulok ng kwartong ito.

Maraming paintings rito.Nagmumukha na ngang museum itong kwarto sa sobrang daming paintings.Tsaka yung mga gamit dito ay may kumikinang kinang rin.Totoo kaya yung mga yun?Pwedeng kumuha tsaka isasangla ko?Para magkapera man lang!

Yung sa CR naman ay sobrang laki!!May bathtub pa!!Parang pwede na nga akong mag-swimming sa loob!!Wala pa namang mga gamit pero maganda pa rin siya!

Tinabing ko yung malaking kurtina sa tabi ng kama at lumabas sa may veranda.Napamangha ako sa ganda rito!Yung katapat kasi nito ay yung garden.Namumukadkad pa yung mga flowers!Akala ko ba walang masyadong nakatira rito?Parang alagang alaga naman?

"Ang ganda naman dito!"

Di ko na pinalagpas ang pagkakataon na makapag-selfie.Jusko!Ngayon lang ako makaka-experience ng ganito kaya kailangang sulit sulitin na.

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Where stories live. Discover now