CHAPTER 12

1.4K 47 2
                                    

[Jerish POV]

Napadpad kami sa ibang mall dahil sa nangyari kanina.Napagod ako ng bongga kanina.Sumakit pa yung paa ko sa pagtakbo kaya nagpapahinga muna ako sa isang table sa labas ng isang sikat na fast food chain.

“Nagugutom ka ba?"tanong ni Zero sakin.Hingal na hingal rin ang isang to.Ang tagal namin bago nakapunta sa parking lot.

“Hindi.Ikaw ba?"

“Hindi."

“Bumili na lang tayo ng grocery para sa bahay na tayo kumain kung ayaw mo rito."

“Paano yung ipinabibili ni Kaizer na libro?"

“Fuck him.Siya na bahalang bumili ng gusto niyang libro."

Tumango na lang ako at sumang-ayon na lang ako sa desisyon niya at sumunod papuntang grocery.

Kumuha ako ng cart at tinulak iyon pero hindi pa ako nakakalayo ay kinuha iyon ni Zero sakin at mabilis na lumayo.Napakunot noo naman ako sa ginawa niya.

Una muna siyang nagpunta sa mga meat section.Mula sa malayo ay may nakita akong babaeng nakasunod sa kaniya.Mga nasa 16-17 years old pa lang ata.Mukhang may gusto kay Zero.

Agad akong lumapit dahil biglang kumulo ang dugo ko.

“Kuya,pwede pa-picture?"agad tumalim ang mata ko nang marinig ko ang boses ng babae.

Papicture?!Ano ba si Zero?!Artista para magpapicture siya?!Ang dami daming lalaki tapos si Zero pa?!

“Hindi pwede!Pwede ba umalis ka na nga sa paningin ko bago pa ikaw ang maidisplay dyan!"tinuro ko yung mga meat na na nakadisplay sa harapan namin.

“Sorry,Miss.I can't."siniko ko siya ng malakas at biglang tumalim ang mata ko kay Zero.

Bakit kailangan pa niyang mag-sorry sa babaeng ito?!Itong babaitang ito dapat ang nag-so-sorry sa amin dahil ginugulo niya ang pamimili namin.

May pa-piggy back,piggy back pa siyang nalalaman para di kami mahabol ng mga tao,pero nakikipaglandian naman sa iba.Bwiset!!

Ang landi talaga!!!

“Kukuha lang ako ng chips."walang sa mood na sabi ko kay Zero at inis na dumiretso na sa section ng mga chips.Tinignan ko pa ng matalim yung babae para makalayas na.Nakakawala ng mood sa sobrang bwiset ko.

Kada makuha kong chips ay hinahablot ko lang mula sa pinaglagyanan nito.Hawak ko na ang kinukuha kong paboritong chips ko pero biglang may humablot ng hawak ko.

Aba!!Bastusan?!What the fuck she's doing?Can't she see that I already touch that one!

Siya yung babaeng gustong magpa-picture kay Zero.Itong malanding babae na ito!!Ang sarap sabunutan!

Hinatak ko yung chips at nag-agawan kami kaya biglang nabukas ang chips at tumapon ang laman.

Agad na nag-init ang ulo ko at alam kong lalabas na naman ang pagka-bitch ko ngayon.Pinipili ko na ngang itago ang side kong iyon pero sa mga taong ganito.Naku!Hindi dapat ako patalo!

“Anong problema mo?"tinulak ko siya kaya tinulak niya rin ako.

“Ako naunang kumuha ng chips!"

“Ako ang unang humawak!Ang dami namang stocks dyan pero nakipaghatakan ka pa?!Bulag ka ba o tanga lang?!Gamitin mo nga yang utak mo!May utak ka nga ba?!"inis kong sabi sa kanya.Nakakaagaw na kami ng atensyon pero wala akong pakialam.

Kanina pa ako bwiset na bwiset sa taong ito!Masyadong malantod at maarte.

“Alam mo?Ang sama naman ng ugali mo!Super sama ng ugali mo!Artista ka pa man din pero napaka-sama ng ugali mo.Walang kwenta!!"

Lalo lang uminit ang ulo ko sa mga salitang lumalabas sa mabahong bunganga ng taong ito.

“Hindi mo na kailangang ipaalala pa sakin na masama ang ugali ko dahil hindi ko nakakalimutang pairalin yan sa mga katulad mo!!"tinulak ko siya ng malakas kaya napaupo siya sa sahig.

Hinawakan ko ang buhok niya at sinubsob siya sa mga chips na natapon kanina.Talagang nilampaso ko ang mukha niya.

Nang magsawa na ako ay binitawan ko na rin naman,kinuha ang mga chips na gusto ko at naglakad palayo.

“Ang sama talaga ng ugali mo!!Kaya di ko malaman kung bakit ikaw ang gusto ni Mr.Smith!"

“Huh?"agad kumunot ang noo ko sa narinig ko.Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad palayo.

“Saan ka galing?"seryosong tanong ni Zero pero bakas pa rin ang pag-aalala doon.Inilagay ko yung mga hawak kong chips sa cart namin at mukhang tapos na rin siyang mamili.

“Naglampaso lang."

Kumunot ang noo niya pero alam niyang hindi ko siya sasagutin kaya hinatak na lang niya  ang kamay ko papuntang counter.Pina-punch na yung mga pinamili namin nang makapag-isip isip ako.

Bakit ba parang nakadikit sakin ang gulo?!

Pero isang bagay pa rin ang bumabagabag sa utak ko.Yung sinabi nung babae sakin.

“Ang sama talaga ng ugali mo!!Kaya di ko malaman kung bakit ikaw ang gusto ni Mr.Smith!"

Ako ang gusto?Gusto ni Zero?Paano niya naman nasabi iyon?

“Nakikinig ka ba?"

“Huh?"

“Bingi ka ba?"

Agad ulit uminit ang ulo ko.

“Hoy!FYI lang!Hindi ako bingi!Maayos pa ang pandinig ko."

“Okay."

Letse!Ang cold ng lalaking ito!Ang tipid pa gumamit ng salita.Hindi ba niya alam na ang mga ganyang lalaki ang mas gusto ng mga babae?!

“Kumuha ka ng isa pang item para sumakto na sa ₱5000."

Agad akong napatingin sa may strawberry sa tabi ng counter kaya iyon na ang inabot ko sa cashier.Bubblegum siguro iyon dahil nakalata.

Nagbayad na si Zero at gumamit kami ng cart para mabuhat ang mga plastic bag.

“Bakit nakasimangot ka?"

“Hindi ako nakasimangot."

“Okay."

Napataas ang kilay ko sa sagot niya.Hindi man lang niya ako tatanungin or pipilitin na umamin ganun.Wala talagang kasweet sweet sa katawan itong lalaking ito.

“Sinong hindi sisimangot kung nakikipaglandian ka sa ibang babae samantalang nandito ako.Ang sarap pa ng landian nyo no?Respeto naman oh!"

Lalo akong napasimangot ng makita ko siyang napangiti..

“Bakit?!Anong nakakatawa?!"bumalik agad sa seryoso ang mukha niya.Ang bilis naman magpalit ng emosyon itong taong ito.

Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?!

Nakarating na kami sa bahay ng hindi pa niya sinasagot ang tanong ko.Pero napapansin kong ngumingiti ngiti siya.Palihim na ngiti,ganun!Na sobrang kakaiiba kasi parang hinipan ng masamang hangin ang mukha niya at hindi masyadong nangingiti pero iba ngayon.

“Bakit ka nga ngumingiti?!"

“Nagseselos ka."

“Huh?"

Lumabas na siya at iniwan na niya ako.

Ako?Nagseselos?What the heck?!

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Where stories live. Discover now