CHAPTER 3

1.7K 61 3
                                    

[Lexi POV]

Pagkatapos naming mag-usap nila Jerish ay umalis din agad siya dahil may guesting pa daw sya bukas at kailangan na nyang magpahinga.Naiintindihan naman namin iyon dahil busy siyang tao.Hindi naman pwedeng kunin namin yung oras ng pamamahinga niya dahil lang gusto naming makausap namin siya ng matagal.Marami pang oras para doon.Sana nga marami pang oras.

"Iba na talaga sya no?"napatingin ako kay Katkat na nakatingin sa pintong nilabasan ni Jerish.

Oo,nagbago na nga sya.Hindi na sya ang dating Jerish na kilala namin.Iba na syang tao.Ito ba talaga ang nagagawa ng mga sobrang nasaktan?Sabagay,hindi namin siya masisisi.Maraming nawala sa buhay niya.Siya ang pinaka-nasaktan ng sobra sa mga nangyari.Pinilit niyang takasan ang mga problemang iyon na alam naming hahabulin pa rin siya ng mga ito.

"Binago ba siya ng environment doon or binago niya mismo ang sarili niya para pagbalik niya hindi na siya masasaktan?"

"May mga bagay kasi na nagbabago sa pagdaan ng araw o taon.May mga bagay rin namang nagbabago dahil sa mga pangyayari na nagiging dahilan ng sakit na nararamdaman o pinagdaanan nila."

Ilang minuto kaming natahimik bago nagsalita ulit si Kat.Hindi kami sanay sa ganitong katahimikan kaya siguro binasag na ni Kat ang katahumikang bumabalot sa aming dalawa.

"Tawagan mo na nga yang jowa mo ng sunduin ka na.Bawal rito ang madrama.Nangugulo ka na dito sa restaurant ko eh!"tinulak nya ako palayo na nakapag-patawa sa akin.

"Inggit ka lang eh!!"tinawagan ko na yung 'jowa' ko.Yun yung term ni Kat eh.

[Hello?]

"Sunduin mo na ako dito sa restaurant ni Katkat."

Hindi man lang ako sumagot ng Hello.Pero ganun talaga!Kung magreklamo man siya edi magbreak na kami para masaya.

[Wala man lang Hello no?]

Napataas ako ng kilay sa naging sagot niya.Nagrereklamo ba siya?!

"May problema don?"

Napatingin sakin si Kat na nakataas rin ng kilay.Alam kong alam naman niyang ang jowa ko ang kausap ko.

[Wala ho boss.Bakit naman agad-agad?]

Lalong napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

"At bakit?May kasama ka na namang babae dyan no?Ilang beses na kitang sinabihan na pag nahuli kitang may babae puputulin ko yang kaligayahan mo.Kilala mo ako.Baka gusto mong matulad sa mga napapanood mo sa Youtube na mga naputulan ng ano."

[Wala nga akong babae boss.Ayan ka na naman.Natutulog lang ako may babae na ako?]

"Malay ko ba kung may inuwi kang babae dyan sa condo mo!"

[Boss naman,baka nakakalimutan mo dito ka nanggaling?Dito ka rin natulog kaya kung may kalokohan man akong ginawa makikita mo iyon.Tsaka kung may kalokohan man ako,sayo ko lang papakita yun.]

"Sabi ko nga."

Natameme ako kasi totoo naman ang sinabi niya.

[Tulog muna ako,boss.Uwi ka na lang rito.]

Napasapo ako ng noo sa sinabi nya.Tulog is life para sa kanya.Bwiset!Kaysa babae ang kaagaw ko sa oras nya,pagtulog ang kaagaw ko!!

"Rex!Lagi ka namang natutulog kaya manahimik ka dyan at sunduin mo na ako kung ayaw mong sipain kita!!"

Yes,si Rex ang boyfriend ko.Di ko inaasahang itong sira ulo na ito ang magiging boyfriend ko.Jusko!Napaka-antukin nyang nilalang.Alam ko nung una,fan nya ako.Pero langya!Di ko naman akalain na ganito ang loko!!

[Eto na nga po.Papunta na ako.Hintayin mo lang ako dyan.]

Tinapos ko na ang tawag at napairap.Sasabunutan ko talaga siya pag wala pa siya rito sa loob ng five minutes.

Napatingin ako kay Katkat na nakasimangot.Bitter pa rin?

Alam ko naman kasing naging crush nya si Rex dahil umamin sya kay Rex dati.Gwapo ba naman ng jowa ko.Wala na namang meaning yun sakin at di na ako nagseselos.Syempre kaibigan ko rin itong si Kat at may tiwala naman ako ng slight kay Rex.

"Bakit kasi hindi ka maghanap ng jowa mo?Kesa nagiging bitter ka sa amin ni Rex."

"Alam mo,hindi ako bitter sa inyo ni Rex.Talagang malantod lang kayo sa paningin ko at nakakagigil yun dahil nandito kayo sa restaurant ko naglalampungan."

"Atleast nandito kami at hindi sa ibang restaurant.Nagbabayad naman kami.Bitter ka lang talaga!Nandyan naman si Storm ah!Bakit di mo yun patusin?"

Napapansin ko kasing silang dalawa ang laging magkasama ni Storm.Malay ko dun sa dalawa.May nabubuo na yata sa pagitan nila.

"Imposible yun.May hinihintay siyang bumalik."bulong ni Kat pero narinig ko pa rin.

Sino naman kaya yun?

Hindi na ako nagtanong dahil mukhang hindi naman gustong pag-usapan ni Kat.

Tinuloy ko na lang ang pagkain ko sa carbonara.Ang sarap talagang magluto nitong si Katkat.Kaya yung unang review ko sa Trend Magazine ay yung resto ni Kat.Hindi sa pagiging biased pero masarap talaga ang mga pagkain nila.

"Ayan na ang jowa mo"sabi ni Katkat kaya napatingin ako sa kaniya na nakatingin sa pinto ng restaurant.Pumasok si Storm,Kaizer,at Rex.Para silang model kung pumasok.Akala mo rarampa sa fashion show.May pashades pa ang mga loko.Akala mo may araw rito sa loob.

Ang sarap tusukin ng mga mata ng nakatingin kay Rex!Kung makangiti naman ang gago!Malantod talaga!Malapit ko na talagang putulin ang ano niyan eh.

"Bakit ang tagal mo?!Sa tapat lang naman ang unit mo diba?!"inis kong sabi sa kanya.

Sa tapat lang naman kasi talaga!Pero ang tagal nila.Akala mo naglakad mula Luzon hanggang Mindanao.

Nagpaalam na si Katkat na babalik sa kusina pero sinundan siya ni Storm at mag-uusap ata ang dalawa.

Sasabihin siguro ni Kat na nandito si Jerish.Sasabihin ko kaya sa dalawang ito?Pero mukhang wala ako sa katayuan para sabihin sa kanila iyon.

Tinanggal ko muna sa utak ko na nakita namin si Jerish at bumalik sa kalokohan ng mga sira ulo sa harap ko.

"Bakit naman nagdala ka pa ng asungot?!"taas kilay kong tanong.

Naging ka-close ko ang mga Smith kaya ko sila nakakausap ng ganito maliban kay Zero na hindi masyadong nakikipag usap samin.Baka siguro ayaw niya kaming kausapin dahil connected kami kay Jerish.Sobrang seryoso rin kasi niya kaya nahirapan kaming makipag close.

Naguilty ako bigla sa sinabi naming may girlfriend si Zero.Wala naman talagang girlfriend si Zero simula ng mawala siya.Gusto lang namin makita ang reaksyon niya at sa tingin ko nakamove on na naman talaga siya.Pero mukhang si Zero hindi pa.

"Asungot talaga?Gwapo kaya!"sabi naman ni Rex.Ang hangin talaga ng hayop na ito.

"Sabi nung guard kanina ay may tinitilian ka raw na lalaki rito kanina?Totoo ba?"biglang dumilim ang mukha nya kaya napatawa ako.Si Kazero siguro ang sinasabi nya.Yung kaibigan ni Jerish.

"Kailan pa kayo naging close ni Kuya Guard?"

"Kanina lang.So sagutin mo ako.Totoo ba yun?"

"Totoo yun!"natatawa talaga ako.

Parang tanga naman kasing pati yung guard ay kuntsabahin niya para magreport sa kaniya kung may lalaking lumalapit sakin.

"How dare you chea-"naputol ang sasabihin ni Rex dahil may sumingit.

"Nakalimutan ko yung ba-"napatingin kami sa nagsalita.

"Eris?"
"Ish?"

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Where stories live. Discover now