CHAPTER 40

869 27 2
                                    

[Jerish POV]

Nung araw na yun ay nag-away kami ni Storm.Nagagalit ako sa kanya dahil ilang oras ako naghintay para sa kanya tapos malalaman ko lang na bumalik siya ng Manila dahil daw may emergency sa opisina niya!Sana tumawag man lang siya na hindi niya ako susunduin!Hindi yung naghihintay ako sa wala.

Ni hindi man lang niya ako sinuyo o kaya umuwi para makipag-ayos!

Iyan ang problema ko kay Storm!Lagi niyang inuuna ang trabaho niya kaysa sa amin.

Buti na lang nandun si Zero.Sa mga sumunod na araw ay si Zero na ang lagi kong kasama.Siya ang lagi kong kasama sa mga oras na magka-away kami ni Storm.I feel safe when I'm with him.I feel comfortable.

"Doc,andyan na yung sundo mo."pang-aasar ng mga co-doctors ko.Sabay sabay kasi kaming lumabas.

Tinignan ko yung tinuro nila at nandun nga si Zero na nakasandal sa kotse niya.Ang hot niya tignan!Pakshet!

"Ang hot naman doc ng boyfriend niyo."

"Hindi siya ang boyfriend ko.Alam niyo naman yun diba?"pagpapaalala ko sa kanila.

Kaibigan ko lang si Zero at hindi magbabago na si Storm ang mahal ko.

"Ay oo nga pala.Edi ako na lang ang jojowa sa kanya!"

Natawa kami sa sinabi niya.

Nagpaalam na ako sa mga kasama ko at lumapit na ako kay Zero.Binuksan niya ang pinto ng kotse at pumasok na ako.

Alam na namin ang gagawin kapag magkasama kami kaya hindi na namin kailangang magsalita pa.Tsaka tahimik lang si Zero at hindi palasalita.Nasanay na kami na mata lang namin ang nag-uusap.

"Kain tayo sa labas?"aya ko sa kanya.

"Sama ko si Elrah?"tanong niya.

"Sige lang"

Agad kong naalala si Riku.Yung anak kong iyon,hindi na kami nagkakasalubong sa bahay.Pag-gising ko ay pumasok na siya sa school,pagka-uwi ko naman ay tulog na siya.Buti nga maaga ang uwi ko ngayon,sana makasalubong ko siya.

Nasa gitna ako ng pag-iisip tungkol kay Riku ng tumunog ang phone ko.

"Hello?"

[Good afternoon,Ms.Lopez?]

"Good afternoon,Teacher Annie.Napatawag ka?"

[Uhm....Miss Lopez...]

Napansin ko na naghe-hesitate pa siya sa sasabihin niya.

"Teacher Annie?"

[May insidente po kasing nangyari rito sa school.Nakipag-away po kasi si Riku sa lalaking kalye dito.]

"What?!"

Napansin kong tumingin sa akin si Zero at tila inaalam kung okay lang ako.Kaya tumango ako.

[Pumunta na lang po kayo rito.]

"I'll go there!!"

Pinatay ko na yung tawag.

"What happened?"

"Sa MYS Academy!!"

Kahit alam kong gustong magtanong ni Zero ay hindi niya ginawa dahil alam niyang nagmamadali ako.Natataranta na ako!Baka kung anong mangyari sa anak ko!Hindi ko kakayanin na

Anong nangyari?!Unang beses pa lang ito na napaaway ang anak ko!Alam kong hindi pala-away si Riku!!Kaya ano bang nangyari?

[MYS Academy]

"Anong nangyari?!"taranta kong tanong pagkapasok na pagkapasok ko ng guidance office.

Nakita ko ang anak ko na may pasa sa mukha at sugat sa gilid ng labi.

Agad ko siyang niyakap at napaiyak na lang ako.Alam kong matanda na si Riku.Actually,Gr.6 na siya.Kaya na niya ang sarili niya.Ayaw na niyang bine-baby kaya hinayaan ko lang siya.Pero di ko akalain na aabot pa sa ganito ang lahat.

"Ma!Masakit!Natatamaan mo yung sugat ko."umatras ako at tinignan ko kung nasaan yung sugat na sinasabi niya.

Nanlumo ako ng makita kong nakabenda ang kamay niya.

Ano ba talagang nangyari at nagkaganito ang lahat?!

"Bakit may benda yan?"

"Pinigilan ko kasi yung nakaaway ko na saksakin ako.Hinawakan ko yung kutsilyo kaya ayun.Nasugatan ako."

Inangat ko yung uniform niya para tignan kung may saksak siya sa katawan.Buti na lang at wala siyang saksak.

"Ano bang nangyari?!Bakit nangyari ito sa anak ko?!"galit na tanong ko sa guidance counselor at teacher niya.

"Palabas na po kasi sila ng school ng may humarang po sa kaniyang lalaki.Hinahatak daw yung bag niya kaya pumalag siya kaya sinuntok siya at nasaksak siya."

"Bakit niyo hinayaan iyon?!Nasaan na yung lalaki?!"

"Nahuli na po ng pulis.Nasa presinto po ngayon.Isa rin pala iyong magnanakaw kaya kinulong siya."

"Buti na lang.Pero paano itong anak ko?Nasaksak siya!!"

"Magbibigay na lang po kami ng pangpagamot sa kanya.Hahayaan na muna namin siyang magpagaling at huwag muna pumasok ng dalawang linggo."

Nag-usap muna kami ng guidance counselor at ng teacher ni Riku kung anong gagawin dun sa lalaki tsaka sa mga ma-mi-miss out ng anak ko sa mga araw na hindi siya papasok.

Mga ilang minuto lang at natapos na rin ang pag-uusap namin.Lumabas na kami ni Riku.Uuwi na kami para magamot ko ng maayos yung sugat niya.

"Ma,kasama niyo po ba si Daddy-?'

Napatingin kami sa nagsalita.

"Bakit ka nandito?!"nagulat ako ng sumigaw si Riku.Maski ang ibang taong nandito ay nagulat rin.

"Kilala mo siya,Riku?"naguguluhang tanong ko.

Tinignan ko si Riku na galit na galit.Nanlilisik ang mga mata niya at umiigting ang panga niya sa galit.Si Zero naman ay nanatiling tahimik.Wala kang mababakas na emosyon sa mukha niya.Ano bang nangyayari?

"Ano wala kang sasabihin?!"galit na tanong ni Riku kay Zero.Nang hindi sumagot si Zero ay hinatak na lang ako ni Riku palayo.

"Lairen!"rinig ko pang tawag ni Zero sakin.

Gulong gulo ako sa nangyayari!

"Riku!Mag-explain ka nga kung anong nangyayari!!"

"Please,Ma!Iwasan mo na siya!"

"Paano ko gagawin yan kung hindi ko alam kung bakit ko gagawin yang sinasabi mo!!"hindi ko na mapigilang magtaas ng boses.

"Basta layuan mo na lang siya Ma!"

"Ano ba kasing problema?!"

"Wala Ma!"

"Alam kong meron!Ano nga?!"

"Ayoko lang na masaktan ka!!Ayokong saktan ka pa niya ulit!Ayokong maranasan mo ulit ang sakit na iyon!Kasi ayokong nakikita kong nararanasan mo yun!"

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Where stories live. Discover now