CHAPTER 52

756 24 8
                                    

[Jerish POV]

Nakaupo ako ngayon sa edge ng kama at nakatingin sa kawalan.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na ito.

Si Storm umalis na at alam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko. Umalis na muna siguro siya dahil sobrang sakit na talaga na para sa kaniya.Lahat nang ginawa ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo at nakatulala sa kawalan.Wala na ring luha ang lumalabas sa mata ko.Napagod na sa pag-iyak.

Sa kalagitnaan ng katahimikan ng kwarto ay narinig ko ang pagbukas ng pinto.Isang lalaking may mga butas sa tenga,mga tatto sa katawan at amoy sigarilyo ang pumasok.

"Dad,nandiyan ka ba?Kelangan kong–"natigilan ang pumasok sa pagsasalita nang makita ako.

Napatayo naman ako at akmang hahakbang pero umatras ito.Naramdaman ko yung sakit sa ginawa niyang pag-atras.

"Riku..."tawag ko sa kaniya pero nakatingin lang siya sakin at hindi gumagalaw sa kinakatayuan.

In-expect ko na yayakapin niya ako dahil ilang buwan din akong nawala pero yung expectation na iyon ay napalitan ng takot,ng kaba.Dahil ang tanging nakikita ko sa mukha niya ngayon ay galit.Galit sa akin na alam kong dahil sa ginawa ko.

"Anong ginagawa mo rito?!"natahimik ako sa lakas ng boses niya at sa paghagis ng dala niyang gamit sa sahig.

Hindi siya ganito!Hindi bayolenteng tao si Riku pero anong nangyari sa kaniya?Bakit ganito na siya ngayon?!Napansin ko rin ang pasa at sugat sa iba't ibang parte ng katawan niya pati sa mukha.

Ano bang nangyari sayo,Riku?

"Ano?!Magtitinginan na lang tayo dito hanggang mamatay tayo?!"nagugulat ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

I want to say to him that he should respect me.Pero sino ba ako para sabihin iyon sa kaniya?Naging nanay ba ako sa kaniya?Ginawa ko ba yung tungkulin at responsibilidad ko sa kaniya?

Nakikita ko ang galit at pagkairita niya sakin kaya sumagot na ako.

"Bumalik ako para ayusin ulit ang lahat."

Pagak itong tumawa at tinignan ako na parang nang-iinsulto.

"Kaya mo ba?Sa lahat ng ginawa mo rito,maaayos mo ba agad nang ganun ganun na lang?Nagkanda-letse letse ang buhay namin nang dahil sayo.Bakit ka pa bumalik dito–"

Hindi ko na kinaya ang pang-iinsulto niya at nasampal ko na siya.Hindi na tama ang mga salitang binibitawan niya sakin.Alam kong mali ako at inaako ko ang responsibilidad sa mga ginawa ko pero ang pagsasalita niya ng walang respeto ay hindi ko ninais na marinig.

"Bumalik ako rito para ayusin ang pagkakamali na nagawa ko.Naging desperado ako sa mga bagay na dapat hinintay ko na lang para hindi na ako nakasakit!Oo,kasalanan ko.Ginagawa ko naman ang lahat.Wala kang karapatang sabihan ako nang ganiyan dahil ginagawa ko naman ang kaya ko!Alam ko naman ang nangyayari sa inyo."

Nakahawak siya sa panga na sinampal ko.Alam kong nasaktan ko talaga siya pero sumosobra na siya.I want to say sorry pero alam kong hindi rin naman niya iyon tatanggapin.

"Alam mo?Alam mo ang mga nangyayari samin?Sakin?Sigurado ka ba?"

Sa tono ng boses niya ay alam kong may nangyari sa ilang buwan na nawala ako na hindi nakarating ang balita sa akin.

"Alam mo bang pinuntahan ako ng mga kamag-anak ko at kinukuha na ako dahil sa kanila daw ako hinabilin ng mga totoo kong magulang?Alam mo bang pinipilit nila si Lola na ibigay na ako sa kanila?Alam mo bang gulong gulo na ako?Sila Daddy at Lola ang dahilan kung bakit ako kumakapit sa pamilya na ito.Tanging sila Daddy na lang ang kakampi ko sa buhay kong ito tapos dahil sayo tatanggalin mo pa iyon.Bakit dahil bumalik ka na doon sa lalaking iniwan ka at sinaktan ka?"ramdam ko iyong sakit niya.

Alam kong alam rin niya na maghihiwalay kami ni Storm dahil nga sa nakaalala na ako.Pero yung sakit na nararamdaman ngayon ni Riku ay dahil sa pinapangarap niyang buong pamilya ay unti-unti na nasisira.Pinagkaitan siya ng pagmamahal simula bata pa lang mula sa pagkamatay ng magulang niya at pang-mamaltrato ng kamag-anak niya.Kaya alam kong hindi niya agad matatanggap ang nangyari.

"I'm sorry pero mali na.Oo,minahal ko si Storm pero naramdaman ko lang iyon dahil nakikita ko kung paano niya ako alagaan at mahalin.It was my mind who told me to love him because he care for me.It's my brain who told me to love him because he loves me and it's not my heart who told me that he's the one."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko.Naglabas lang siya ng sigarilyo mula sa bulsa niya at sinindihan.Humithit pa siya bago binuga ang usok sa harap ko.

"I tried to waste my life because of this shit.Kasi yung nanay na minahal ako na parang totoo niyang anak ay biglang naglaho na parang bula at nag-iwan lang ng isang sulat.Sa isang sulat lang.Nagpakalunod sa alak,nagbarkada,nag-bisyo hanggang sa tumigil sa pag-aaral.Lahat ginawa ko para mawala yung sakit.Yung sakit ng pang-iiwan mo at yung sakit na nakikita ko sa mga mata ni Dad kapag hinahanap ka niya.Pumasok sa utak ko na 'Oo nga pala.Ampon lang ako.Bakit ba ako nag-e-expect ng malaki?Paniguradong iiwan rin niya ako.Ampon lang kasi ako.'Masakit kasi wala akong karapatang isumbat sayo yung pagkawala mo kasi ano ba ako?Ampon lang naman.Nakikikain,nakikitira.Sampid lang sa bahay na ito.Nakikiepal lang ako."

Kita ko ang pag-agos ng luha sa mata.Si Lola at si Riku ang pinaka nasaktan sa nangyari dahil hindi nila alam kung ano ang nangyayari.Na parang okay lang naman kami pero bakit ngayon nasaan ka na?

"Hindi ka sampid.Hindi ka epal.Anak kita.Hindi man sa dugo,anak kita.Hindi kita tinuring na ampon dahil ayaw kong maramdaman na walang nagmamahal sayo.Sa mga oras na umalis ako ay iniisip ko lang na mahalin ko muna yung sarili ko,unahin ko muna yung sarili ko at iyon ang alaala ko.Hindi porket inuna ko ang sarili ko ay hindi na kita mahal,hindi ko na kayo mahal kaso hindi nawala ang pagmamahal ko sa inyo."

Tumango lang ito na parang naiintindihan niya ang pinahihiwatig ko.

"Patawarin mo ako sa pagkukulang ko sa inyo kaya ngayon ay bumabawi na ako.Ayokong mawala pa kayo dahil kayo na lang ang tanging pamilya ko."

Tumayo ito kaya sinundan ko siya ng tingin.Nagsalubong kami ng tingin.Walang emosyon ang matang iyon.Alam kong ayaw lang niyang makita ko yung nararamdaman nita ngayon.

"I'm sorry.Gusto kitang respetuhin ngayon pero hindi ka na karespe-respeto sa paningin ko.Sinira mo na ang tiwalang binigay namin sayo."

Umalis na siya kaya ako naman ang napahagulgol.

Ganun na ba talaga kasama ang pag-iwan ko at nawalan na ng respeto ang ibang tao dahil sakin?

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Where stories live. Discover now