CHAPTER 35

898 31 7
                                    

[Jerish/Lairen POV]

Minulat ko ang paningin ko at naramdaman ko na may nakahawak sa kamay ko.Alam kong si Storm yun dahil siya lang ang lalaking nakakabigay nang sparks sa akin kahit na hawak lang iyon sa kamay.

"S-storm....."

Tinignan ko ang may-ari ng hawak kong kamay.Napabitaw agad ako nang hindi si Storm ang may-ari nang kamay na hawak hawak ko.Ibang tao.Sino siya?Bakit may sparks rin nung hinawakan niya ang kamay ko?Katulad nang kay Storm?

"Sino ka?"

Nakita ko ang pain na nasa mata niya.Pain na hindi ko malaman kung bakit.Siguro sa ginawa ko?

Nabaling ang atensyon ko sa biglang pagpasok ng magpipinsan na madilim ang awra.Hinatak nang magpipinsan ang lalaking iyon palayo sa kama at sila ang lumapit sakin.

"Kamusta ka na?"natanong pa nila yan kahit sobrang dilim na nang awra nila.Parang papatay sila nang tao sa tingin nila.

"Anong nangyari sa inyo at ganyan ang mga mukha niyo?"puno ng kuryosidad na tanong ko.May nakaaway ba sila?

"May papalayasin lang kami na basura na mukhang naligaw rito."sabay sabay na tumingin sila sa lalaking iyon.Napatingin naman ako sa tinignan nila.

In fairness gwapo siya.I mean yung lalaking kanina lang ay hawak ang kamay ko.Cold yung mga mata niya at di ko masabi kung ano ang iniisip niya.

"Umalis na kayo.Tawagin niyo yung doctor niya."lumabas na silang lahat at naiwan si Storm rito.Pumipiglas pa iyong lalaki kanina pero hinatak na siya nila Rex.

Hinalikan niya ako sa noo bago tumabi sakin si Storm.Napangiti naman ako sa ginawa niya.Sa halik pa lang niya,binigyan na niya ako nang lakas.

"Are you okay,Lairen?"

"I'm fine now."

Masakit lang konti ang ulo ko pero kaya pa naman.Pero iba talaga ang sakit kanina.

"Ano bang nangyari?Bakit hindi mo dala ang gamot mo?Sana pala sumama na ako kung ganyan din pala ang mangyayari.Kaya sa susunod.Sasama na ako lagi sayo para incase of emergency."sermon niya sakin.Ngiting ngiti lang ako.Nacu-cute-an ako habang nagsesermon siya.

"Huwag mo ako madaan daan sa ngiti na iyan,Lairen."hinawakan ko na yung kamay niya.Pero napansin kong wala nang gaanong sparks iyon katulad nung sa lalaki kanina.

"Huwag ka na kasing magtampo."

Natahimik siya pero ilang segundo lang ay napabuntong hininga na siya kaya lumaki ang ngiti ko.

"Sige na nga.Hindi kita matiis."

Pumasok na yung doctor ko na may kasamang mga nurse.

Binitawan na ni Storm ang kamay ko at ilang minuto rin bago natapos ang doctor at nagpaalam na.

Okay na naman daw ako.Magpahinga daw muna ako at huwag piliting makaalala.Huwag rin daw pumalya sa pag-inom nang gamot.

Matutulog na ako ulit dahil mahina pa ako at pagod rin.Hindi ko pinansin ang ingay sa labas dahil sa sobrang antok.

[Storm POV]

Kanina ko pa kating kati na suntukin at patumbahin sa bugbog ang pinsan naming loko pero pinigilan ko dahil ayaw kong makita iyon ni Lairen.

Kaya paglabas na paglabas ko nang pinto ng kwarto ni Lairen ay nagsimula na akong magpatama nang suntok sa mukha niya.Salubungin ba naman ako sa may pinto.

Pinagsusuntok ko siya kahit na nakahandusay na siya.

Kulang pa yan sa mga ginawa mong kalokohan kay Lairen!!Tangna!

"Storm,tumigil ka na!"hindi ko alam kung sino ang humatak sakin dahil iisa lang ang nasa isip ko.Patayin itong lalaking ito!

"Hayaan niyo ako!Papatayin ko lang yan!!"pinilit kong makawala sa pagkakahawak nila para mabawasan ang mga katulad niya sa mundo.

"Ano bang problema mo?!"

"Problema ko?!Ikaw!!Papakita ka pa,kung kailan maayos na ang buhay niya?!Nasobrahan yata sa kapal ang pagmumukha mo?!"

"Ano bang problema mo?!Kayo?!Balak niyo ba akong patayin?!"

"Hindi lang balak!Papatayin talaga kita!!"

"Ano bang ginawa ko?!"

"Magmalinis daw?!Sabagay dyan ka naman magaling!Baka kasi nagka-amnesia ka rin!Naaksidente lang naman ang babaeng nasa loob nang kwarto na iyon!"

Natigilan siya sa sinabi ko.Ano maang maangan?

"Aksidente?"

"Pwede ba,huwag kang magtanga-tangahan?!"sumabat na rin si Calyx.Lahat kami ay malaki ang galit sa taong ito.Di siya tao,hayop siya!Hayop ang ugali!

"Anong gagawin ko?!Wala nga akong alam!"

Nagmamalinis pa.Maang-maangan.Kakasura!

"Naaksidente lang naman si Jerish nang hinabol ka niya habang umalis ka kasama ang malanding si Hazel."natigilan siya sa sinabi ni Rex.

"Linis-linisan pa!"

"Wala akong kasalanan."

"Pwede ba?!Lahat nang iyan ay narinig na namin!Hindi mo na kami maloloko!"

"Nagmamarunong kayo diba?Alam niyo siguro kung bakit ako umalis diba?"

"Dahil sumama ka sa malanding babaeng iyon."

"Pwede ba?Bago kayo magalit nang ganyan sakin,alamin niyo ang kwento!Mahal ko si Jerish!Siya nagbigay nang rason para iwan ko siya!Mga walang katuturan binibintang niyo!"

Gagawin pa niya kaming sinungaling?!Binabaliktad niya ang sitwasyon!

Mahal?Mahal o sinaktan?!

Kaming apat na ang bumugbog sa mayabang na ito.Kahit na marami na ang umaawat ay di kami patitinag.

"Tumigil na kayo!"dumating si Lexi na may kasamang mga guards kaya napigilan na kami.Basag ang mukha nang loko.Ni daplis lang ay wala man lang kaming nakuha.

"Daddy!"napadako kami nang tingin sa isang bata na umiiyak na lumapit sa pinsan naming walang kwenta.

Ito yung batang nakilala ni Lairen kahapon.

Bakit ba ang gulo nang tadhana?!Pilit namin silang pinaglalayo pero kusa iyong gumagawa nang paraan para mapaglapit sila?!

Napatawa ako sa lalaking ito.Ang kapal talaga ng mukha!

"Mahal?Mahal mo nga ba talaga?Kung mahal mo siya bakit may anak ka ngayon?!Bakit bumuntis ka nang iba nang wala siya?"

Sa sinabi kong iyan ay natigilan siya kaya iyon na ang ginawa kong pagkakataon para suntukin siya maski isa lang.

"Paalisin mo na ang lalaking iyan!"utos ko dun sa guard.

Pumasok na kami nang kwarto ni Lairen.Nakita kong natutulog na siya.Buti na lang hindi siya nagising sa ingay.

Wag ko lang talagang maabutan iyang lalaking iyan pagbalik!Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mapatay ko yan!

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Where stories live. Discover now