CHAPTER 30

971 34 2
                                    

[Storm POV]

Kanina ko pa tinatawagan si Pretty dahil kanina pa nakaalis ang flight ni Zero.Pero wala pa rin siya.Kung naabutan man niya si Zero,dapat nakabalik na sila rito.

"Fvck!Calyx,natawagan niyo na ba si Pretty?"kanina pa ako paikot ikot rito sa sobrang pag-aalala.

"Hindi ko matawagan si Rish."

"Hindi ko rin siya matawagan."sabi naman ni Rex.

Kanina pa kami tawag ng tawag sa kanya.Hindi pa siya bumabalik!Fvck!Bakit kasi hindi ko siya sinamahan?

"Try niyo kayang tumawag ng pulis?Baka matulungan tayo."suggestion ni Lexi.Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Tumawag ka,Lexi.Kaizer,tawagan mo si Zero."utos ko sa kanila.

"Cannot be reached si Zero."

Patuloy kong tinawagan si Pretty.Hindi sa praning ako pero parang may hindi magandang nangyayari.

Fvck!What happened on her?!Damn!

Hinayaan ko na nga silang dalawa at nagsimula ko na tanggapin na wala na talaga.Naaawa na ako kay Pretty.Sobra na siyang nasasaktan.

"Storm,tumutunog ang phone mo.Baka si Ish na yan."

Sinagot ko na agad ang tawag ng makita kong si Pretty iyon.Lumuwag ang paghinga ko nang makita ko ang pangalan niya.

"Pretty!Nasaan ka?Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?!"napatingin naman sakin sila Kaizer.

[Hello,Sir.Nurse po ito mula sa sa St.Michael Hospital.Nasangkot po sa aksidente ang may-ari ng phone na ito.Yung nasa latest call logs po niya-]

"What?!Naaksidente?!"

Agad na sigaw ko nang marealize ko ang sinabi ng nasa kabilang linya.Biglang sumikip ang dibdib ko sa narinig ko.

[Yes po,Sir.]

Binaba ko na ang tawag.Agad akong kumilos.

"Where's your car keys?"

"What happened on Jerish?Answer me,Storm!!"tanong ni Lexi.Nakasunod silang lahat sa bawat galaw ko.

"Naaksidente si Pretty.Kailangan natin siyang puntahan"nanginginig ang kamay ko na binuksan ang pintuan at lumabas.

"What?!"sigaw nila at sabay sabay kaming tumakbo pababa.Kanina pa ako mura ng mura.Kasalanan ko ito!Kung bakit kasi hindi ko pa siya sinamahan.

Nakarating na rin naman kami agad.Nagpunta agad ako sa nurse station at tinanong kung nasaan si Pretty.Nang sabihin niya kung nasaan si Pretty agad akong dumiretso sa operating room.Pinilit kong pumasok pero pinipigilan ako nila Kaizer.Nasa loob pa sila!

"Please lumaban ka!"paulit ulit kong sinasabi.Umiiyak na rin si Lexi na niyakap naman ni Rex.

Hindi ko mapigilan ang luha ko.Nanginginig na ako sa kaba.Hindi ko alam ang gagawin ko.

Kasalanan ito ni Zero.Hinayaan ko na nga si Pretty sa kaniya!

Napasuntok ako sa pader!!Hinihintay ko ang doktor na lumabas na may magandang balita.Na buhay si Pretty,na hindi siya susuko.

Isang oras na ang lumipas pero walang lumabas na doktor.Maraming 'paano' ang umiikot sa utak ko.Paano kung biglang sumuko si Pretty?Paano kung mamatay siya?

"Kakayanin ni Rish yan.Matapang siya!"tumango na lang ako pero hindi pa rin ako natatahimik hanggat hindi ko malaman na ligtas na siya.

Bumaba sila Lexi para bumili ng pagkain namin.

Hindi ko muna tinawagan si Manang Mercedes at baka atakihin siya sa puso pag nalaman niya.Sasabihin rin namin,pero hindi pa ngayon.

"Maraming reporters sa baba.Mukhang alam na nila ang nangyari kay Eris."

"Hayaan mo sila.Ang mahalaga,mabuhay si Ish."

Alam kong hinding hindi niya kami iiwan.Marami pa siyang kailangang gawin rito sa mundo.

Biglang lumabas ang doktor mula sa OR kaya napatayo kaming lahat.

"Doc,anong nangyari?Anong kalagayan niya ngayon?"agad na tanong ko.

"Successful ang operation niya pero in coma at unstable ang kondisyon ng pasyente ngayon."

Napahawak ako sa noo ko.Oo ligtas na siya pero hindi pa rin stable ang kondisyon niya.

"Sobrang lakas ng impact sa ulo niya at marami ring dugo ang nawala sa kanya.Buti na lang nadala siya agad dito.Ililipat na siya sa isang private room.Puntahan niyo na lang siya doon."umalis na ang doktor kaya napahinga kami ng maluwag.

"This is his fvcking fault!Kasalanan ng Zero na iyon!Muntik mamatay si Eris dahil sa kanya!"

Lahat kami ngayon ay galit kay Zero.Napaka walang hiya niya!!Wala siyang kwenta!Hindi siya dapat minamahal!!That fvcking bastard!!!

[Lexi POV]

Tatlong linggo na ang nakalipas at coma pa rin si Jerish.Balitang balita na sa buong mundo ang aksidente ni Jerish.Maraming nagpapadalang mga regalo sa kanya mula sa mga fans niya at may ilang mga kaibigan na rin niya mula ibang bansa ang pumunta rito.

Hindi namin alam kung nakarating na kay Zero Smith ang nangyari kay Jerish.

Galit na galit ako ngayon kay Zero.Sinaktan niya si Jerish.Kinwento na samin ni Storm na sumama si Zero kay Hazel kaya iniwan niya si Jerish.

Nandito kami nila Rex sa supermarket.Bumibili kami ng mga prutas para kay Jerish kahit na sila Kaizer lang ang kumakain.Kapag kasi nagising si Jerish kailangan niyang kumain ng prutas para bumalik ang mga vitamins na nawala sa kanya.

Si Storm ang nagbabantay ngayon kay Jerish.Salitan kami ng pagbabantay sa kanya.Baka kasi magising na siya.

Binibilisan ko na ang pamimili dahil alam kong pagod na sila na nagbabantay doon.Simula kagabi di sila natutulog kaya nagsasalitan kami.

"Bili ka ng bili nyan,Lexi.Kami lang din naman kumakain."

"Magandang handa na tayo kapag gumising si Jerish.In any moment,pwede syang gumising."tumango na lang sila at nagpatuloy ako sa pamimili.

"Nakausap niyo na ba si Zero?"rinig kong tanong ni Calyx.Napatigil ako sa tanong niya.

"Magkasama daw sila sabi ng private investigator ko.That bastard didn't even tell us that he's having problems in his company so that we can help.He proved to us that he's a coward and asshole"

"Alam mo namang mataas ang pride ng isang iyon.Hindi niya ibaba ang pride niya para lang masalba ang kompanya nya.At kailanman,hindi niya ibaba ang pride niya."sabi naman ni Rex.

Umagree ako kay Rex.Zero is the type of person who will never give up his pride no matter what.He always think that people will pity him if he will lower down his pride.

"Tigilan niyo nga ang pag-uusap tungkol sa lalaking iyan.Wala tayong pinsan na katulad niya."nagulat na lang ako sa pagiging seryoso ni Kaizer.Hindi usual kay Kaizer ang pagiging seryoso at to be fact na nasa supermarket kami na maraming pagkain.Nakakagulat talaga.Baka siguro dahil galit na galit siya kay Zero at sa nangyari kay Jerish.

"Lexi"napatingin ako sa nagsalita.Si Hanz pala.Naging ka-close ko siya dahil lagi niyang binibisita si Jerish at ako lagi ang batay niya sa hospital.

May gusto siya sa lalaki pero hindi siya nagsusuot ng pambabaeng damit.Nagpapasalamat ako na hindi siya katulad ng kapatid niya na walang hiya!

"Oh bakit?Di pa ako tapos mamili."nagpatuloy ako sa pamimili.Sumusunod naman siya sa akin.

"Tara na!Kailangan nating pumunta sa hospital!!"pilit niyang hinahatak ang kamay ko hanggang sa pigilan siya ni Rex.

"Bakit ba?Hayaan mo siyang mamili dyan."

"Tara na!Gising na si JerishnBilisan niyo!"dahil sa sinabi niya ay ako na ang humatak sa kanila palabas ng supermarket.

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Where stories live. Discover now