CHAPTER 27

1K 31 5
                                    

[Storm POV]

Mukhang umepekto naman kay Pretty ang mga pinagsasabi ko.

Ayokong masaktan siya pero kung ito lang ang paraan para makuha ko siya.I'll do it.Mas masasaktan lang siya sa walanghiya kong pinsan.

Pinagbigyan ko na siya nung una pero sinaktan lang niya si Pretty.Kaya ngayon,magkamatayan na kami.Aagawin ko sa kanya si Pretty.Hindi ko hahayaang mapunta sa kanya si Pretty.

Maayos na ang plano ko.Kailangan ko na lang ng oras para magawa iyon.

[Jerish POV]

Napadilat ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko.Sino naman itong papasok ng kwarto ko at di kumakatok man lang?

"Oh?Bakit ka nandito?"napataas ang kilay ko ng makita kong pumasok si Hazel sa kwarto ko.

Hindi usong kumatok?Anong akala niya pwede lang siyang pumasok sa kwarto ng walang paalam?!

"Gusto kitang makausap."

Napaisip ako sa sinabi niya.Ayokong makipag-usap sa kanya pero okay na rin para maliwanagan na rin ako.Hindi naman magsasalita si Zero kung kakausapin ko siya tungkol dito.

"Sige."

Tumango siya at umupo sa isang upuan.Nilapit niya iyon kung saan ako nakaupo.

"Anong gusto mong pag-usapan?"

"Tungkol kay Zero."

Sumeryoso ang mukha ko ng marinig ko ang pangalan ni Zero.Handa ko na siyang bungangaan si Hazel pero nang narinig ko ang pangalan ni Zero ay natigil ako.

"Anong meron sa kanya?"

"Alam kong mahal mo si Zero at mahal ka rin niya.Pero mahal ko rin siya,Jerish.Mahal na mahal ko siya.Ginawa ko na ang lahat para mapasakin siya"tumutulo na ang luha niya pero hindi ako naawa sa kaniya.Bumalik lang ulit sa akin lahat ng ginawa niya limang taon na nakakalipas.

"Kaya pati ang pang-blackmail ng pagkamatay ng mga magulang ko ay ginawa mo?!Ginamit mo pa sila!"naiinis at nagagalit ako na ginamit niyang pang-blackmail ang pagkamatay ng magulang ko.Hindi man lang niya nirespeto iyon.

Napayuko siya at mukhang guilty siya sa ginawa niya.

"Oo..lahat ginawa ko para mapa-sakin siya."

Natawa naman ako sa kaniya.Gagawin niya talaga lahat sa bagay na alam niyang hindi niya makukuha?

"Bakit ba baliw na baliw ka sa kanya?"

"Dahil sa mga oras na nasa panganib ako,siya ang nagligtas sakin.Hindi niya ako iniwan.Kaya pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging akin siya.Dahil magiging mabuting asawa siya sakin.Nagpatulong pa ako sa daddy ko na ma-arrange marriage kay Zero.Pero ayaw ni Zero.Kaya gusto kong tulungan mo ako."

"What?!Bakit naman kita tutulungan?!Hindi ako tanga para punan ang kalokohan mo!!"

Nagsimula na naman siyang umiyak.

What the hell?!Bakit naman siya umiiyak?!Nagpapaawa ba siya?!

"Pwede bang tigilan mo ang kakaiyak?!Hindi mo ako madadaan sa arte!!"

Pinunasan niya ang luha niya at tumingin sakin.Naiirita na ako sa pag-iyak iyak niya!

"Ipapakasal ako ni Daddy sa isang matandang gusto lang akong pagsamantalahan.Ayokong mapagsamantalahan.Ayokong mangyari yun.Kaya please lang Jerish.Si Zero na lang.Alam kong sobrang kapal na ng mukha ko para lumapit at humingi ng pabor kahit alam kong marami akong kasalanan,maski sa bagay na ito na lang..."

Napatigil ako sa narinig ko.Kahit na galit ako sa kanya,ayokong mangyari sa kanya ang sinabi niya.Hindi kakayanin ng konsensya ko.

Naranasan ko na maghirap sa kamay ng ibang tao.Baka saktan pa siya noong lalaking iyon.Ayokong maranasan pa ng ibang tao ang naranasan ko!

Nakasalalay sakin ang magiging buhay ni Hazel.Kung pipiliin ko ang kaligayahan ko,may masisira akong buhay.Kung pipiliin ko naman na ibigay na lang si Zero kay Hazel,ako ang masasaktan.

"Alam kong hindi mo naman ibibigay sakin si Zero.Pero please lang,Jerish.Alam kong hindi madali ang hinihingi ko,pero sana mapagbigyan mo.Ayokong mabuhay at makasama ang isang taong hindi ko mahal."

Hindi siya bagay na kaya ko lang ibigay ng ganun ganun lang!Mahal ko siya pero ayokong mangyari ang sinasabi ni Hazel.

"Pero kaya mo bang mabuhay at makasama ang taong hindi ka naman mahal?"tanong ko sa kanya.Ayaw niyang makasama ang taong hindi niya mahal pero siya mismo ay gustong makasama ang isang taong hindi siya mahal!

"Kaya ko,Jerish.Kaya kong ibigay lahat sa kanya para mahalin rin niya ako.Nagkaproblema na ang kompanya niya.Ako na lang ang magiging pag-asa niya dahil sabihin ko lang kay Daddy at maisasalba na niya ang kompanya.Mamahalin rin niya ako dahil hindi ko siya iiwan katulad ng ginawa mo."

Sumapol ang sinabi niya sakin.Lalo na yung sa bandang dulo na parte.Tinamaan ako dahil guilty ako.Kailangan ba lahat ng tao ipamukha sa akin na ako ang nang-iwan?

Oo nga pala,iniwan ko si Zero.Ako yung tangang hindi nakinig sa paliwanag niya.Ako yung tangang nagpadala sa takot at galit.Ako yung tangang wala man lang ginawa at hinayaang masaktan namin ang isa't isa.

"U-umalis ka muna,Hazel.Please."

Nag-aalangan pa si Hazel pero lumabas na rin si Hazel.Pagkasara ng pinto ay tumulo na agad ang luha ko.

Ayokong i-let go ulit si Zero dahil baka sa susunod ay hindi na niya ako mapatawad at pabalikin sa buhay niya.Ayokong masaktan ko ulit siya.Nagsisisi na ako.Masaya na kami ngayon.

Pero masisira ang buhay ni Hazel kung hindi ko papakawalan si Zero.Ayokong masaktan si Hazel dahil kahit papaano ay concern ako sa kanya.Pagsasamantalahan lang si Hazel ng matandang iyon.At ayokong mangyari iyon.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil gulong gulo na ako.Hindi ko na alam kung anong iisipin ko.

Tulo na ng tulo ang luha ko.Malabo na ang paningin ko.Kahit anong punas ko sa luha ko ay patuloy pa rin ang pag-agos nito.Tanging nasa isip ko ay si Zero.

Ayokong pumili dahil alam kong kahit anong piliin ko ay may masasaktan.

Gusto ko siyang ipaglaban pero parang ayoko.Dahil ayokong may masaktan pa dahil sakin.Parang ayoko dahil sa iniisip kong mas kailangan siya ng iba kaysa sakin.Mas may magmamahal sa kanya.Na hindi siya iiwan.

Love is either choosing your own happiness for someone's pain or choosing pain for someone's happiness

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Where stories live. Discover now