CHAPTER 11

1.4K 45 2
                                    

[Jerish POV]

“Finally!!"nagmartsa ako palabas nang kwarto.Natapos na naman namin ang shooting kaya agad akong umalis pagkatapos kong kunin ang script para sa susunod na shooting.

Kailangan ko nang magtago para hindi ako makita ni Zero Smith.Ayoko talagang makita pa niya ako dahil nahihiya ako sa nangyari kanina!

“Pinagtataguan mo ba ako?"napatingin ako sa nagsalita at lalo akong namula ng makita ko ang seryosong pagmumukha ni Zero Smith.Hindi ba ito ngumingiti?Mukhang nastiff na ata ang mukha niya ka di makangiti.

“Hindi kaya."mabilis akong naglakad papasok ng kwarto ko at iniwan siya sa labas.

Kung pwede lang lamunin na ako ng lupa o di kaya bigla akong ipa-assassinate dito dahil sa sobrang kahihiyan ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ako ng kwarto.Mukhang wala na ang mga staff.Napagkasunduan kasi namin na magste-stay na kami dito ni Zero base sa kontratang pinirmahan naming dalawa.

Pababa pa lang ako ng hagdan ay narinig ko na ang pakikipag-usap ni Zero sa phone niya.Nasa harap niya ang maletang nakabukas na nakapatong sa mesa.

“Alfred...wala akong paglalagyanan nitong mga gamit ko rito...I'm not sleeping on that room as I've said before...Babae siya at lalaki ako kaya pangit tignan na magkasama kami...Fuck!"binaba niya ang tawag at napasuklay sa buhok.Halatang iritado na siya.

Bigla naman akong naguilty dahil dapat nandun sa closet yung mga gamit niya.Malaki pa yung space sa closet pero siya nasa maleta pa ang gamit niya.

“Are you hungry?"tumango na lang ako bilang sagot.Alangan namang sabihin ko na pinapanood ko siya.Edi dagdag kahihiyan na naman.

“The staffs left some food in the table."

Dumiretso na ako sa kusina dahil nagugutom na rin naman ako.Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa sala kung saan ay abala si Zero sa laptop niya.Work siguro.Hanggang dito busy pa siya.Ganun siguro talaga kapag business man.

“Kumain ka na ba?"tumango siya bilang sagot.

“What's that?"

“Work."

“Sinong nag-aasikaso sa kumpanya mo kung nandito ka?"

“Kaizer."

“Sino yung Alfred na kausap mo nung isang beses?"

“Secretary."

Napatahimik na lang ako dahil puro one word lang ang sagot niya sakin.Grabe namang pagtitipid ng laway nitong taong ito!

“Sige akyat na ako."mukhang wala naman ang mapapala kung magstay pa ako rito.

Pahakbang na ako sa hagdan nang magsalita si Zero.

“Samahan mo akong mag-mall mamaya."

“Mall?Anong gagawin natin sa mall?"

“Maglalampaso sa tingin mo?"napatingin ako sa kaniya at seryoso pa rin siya sa ginagawa niya sa tapat ng laptop niya.

“Seryoso kasi.Ano ngang gagawin natin?"

“May pinabibili sakin si Kaizer."

“Yung secretary mo na lang utusan mo."pagsa-suggest ko.May secretary naman siyang gagawa ng trabaho niya so why bother to buy it himself?

“Kaizer ask it personally and I owe him something.I'll finish this and we'll go."napatango na lang ako.

“Sige sige.Katukin mo na lang ako sa kwarto kapag aalis na."

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Where stories live. Discover now