CHAPTER 33

954 31 2
                                    

[Jerish/Lairen POV]

"Ma!"

Napatigil ako sa pag-iisip kung saan ko narinig ang boses nang lalaking nakabangga sakin.Lumingon ako at nakita ko si Riku.

"Nandiyan ka lang pala.Oh?Bakit?"hinatak niya ako palabas ng playground.Simula kanina pa akong hinahatak nang kung sino sino ah!

"Bakit ba,anak?"kanina pa ako tanong nang tanong pero hinahatak pa rin niya ako palabas.

"Bakit ba?Pwede ba sagutin mo nga ako.Hindi na ako nakikipagbiruan!"tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakahawak sakin.

Naguguluhan ako sa mga ginagawa nila.Kanina sinisigawan ako ni Storm dahil kay Elrah.Hindi ako sinisigawan ni Storm kaya nagulat talaga ako.Ngayon naman si Riku ang humahatak sakin na hindi naman gawain niya.Ano ba talagang nangyayari?!

"Si Daddy na ang magsasabi sayo."napansin ko rin ang dilim ng awra niya kaya tumahimik na lang ako.Ngayon ko lang nakita silang seryoso na ganyan.

Inuwi na ako ni Riku at hinintay na lang namin sa bahay si Storm.Kailangan kong makausap si Storm!Kailangan kong malaman kung anong nangyayari!!Parang ako lang yung walang alam sa nangyayari!

"Storm!"sinalubong ko siya at pansin ko ang madilim pa rin niyang awra.May problema soya siguro kaya ganyan ang mukha.

"Nadala mo na ba si Elrah sa police station?Nakuha na ba siya nang daddy niya?"tanong ko sa kanya.Mamaya hindi pa niya dalhin ang bata dun.Nag-aalala ako dun sa bata.

"Pagdating na pagdating ko,yung bata agad ang inuna mong tanungin?Hindi mo man lang ako tanungin kung kamusta ako?"nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya kaya niyakap ko siya nang mahigpit at pinugpog nang halik ang pisngi niya.

"Hay nako!Nagtampo pa oh!"asar ko sa kanya.Ang cute cute niya kapag nagtatampo siya.

Napansin ko na ngumiti na siya kaya napangiti rin ako.

"Nakita siya nang tatay niya nung papunta kami sa police station.Don't worry,hindi ko sinigawan o nagalit sa bata."ngumiti naman ako sa sinabi niya.

"Sino pala yung kaibigan mong nandun sa playground?Kilala ko ba?"umiling siya bilang sagot.

"Sana man lamang pinakilala mo ako.Gusto ko ring makilala yung mga friends mo."

Wala kasi siyang binabanggit tungkol sa mga friends niya dahil sila Rex lang ang kilala ko na related sa kanya.

"Hindi ko siya kaibigan.Kakilala lang.And you don't need to meet him babe."lalong humigpit ang yakap niya.

Napaisip ako sa sinabi niya.Kung kakilala lang niya iyon ay hindi siya mag-aatubiling bumalik rito sa Santa Barbara para lang kausapin ang taong iyon.

Hindi ko naman siya matanong at baka ma-bad mood ulit siya .

"Bukas nga pala,nag-aaya mag-mall si Lexi.So pwede ba akong pumunta?Pretty please?"nagpa-cute ako para pumayag siya.Hindi naman niya ako matatanggihan kapag ganyan eh.Atsaka,kahit hindi naman siya pumayag,aalis pa rin ako.

"Basta,sa mall lang kayo babe ah!"napangiti ako nang malaki nang pumayag siya.Hindi talaga niya ako matatanggihan.Love na love talaga niya ako!

"Yes babe.Ikaw?Babalik ka na ba sa Manila??Pabalik balik ka na ah!Hindi ka ba napapagod?"

"Hindi babe.Magste-stay muna ako rito nang isang linggo."

"Bakit?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko.Hinalikan niya ako sa noo at niyakap nang mahigpit.

"Babe,inaantok na ako."sabi ko kay Storm.Pagod na talaga ako.

Humiga ako sa hita niya at pinikit ko na ang mga mata ko.

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Where stories live. Discover now