CHAPTER 38

863 33 5
                                    

[Jerish POV]

Palabas na ako ng hospital at sa labas ko na lang hihintayin si Storm.Mahuhuli daw siya kasi may pupuntahan pa siya.Sinabi ko sa isang convenience store na malapit lang sa hospital na lang kami magkita.Nakakatamad naman kung nakatayo lang ako habang naghihintay sa labas ng hospital.

Habang naglalakad ako ay may humarang na kotse sa harap ko.Bumukas ang windshield nun at nakita ko si Mr.Zero Smith.Naka tuxedo at napakagwapong tignan.Kung wala lang talaga akong boyfriend baka pinatulan ko na ito.Ang landi ko.

Naalala ko tuloy bigla yung ginawa niya nung isang beses na nagkita kami.

"Done checking me out?"

Nawala ako sa pagpapantasya sa kanya at bumalik sa realidad.Pinagpapantasyahan ko talaga.

"Hindi kaya."

Pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko dahil sa sobrang hiya.

Jusko!May boyfriend na ako,ibang tao pa rin ang pinagpapantasyahan ko!!Pero syempre mas pogi ang boyfriend ko!Love ko yun eh!

"Sakay ka na."

"May hinihintay kasi ako."

"Si Storm?"tumango ako bilang sagot.

Naglakad na ako papuntang convenience store pero sumusunod pa rin si Mr.Zero Smith.Parang sumasabay yung kotse niya sa paglalakad ko dahil binabagalan niya ang pagtakbo ng kotse niya.Kaya huminto ako at huminto rin siya.

"Bakit mo ba ako sinusundan,Mr.Smith?"tanong ko sa kanya.Tinignan ko siya at nakita kong nakayuko siya.

Hindi ko pa rin siya napapatawad sa ginawa niya sa akin kagabi!!Baka akala niya diyan,okay okay na kami!

"Ihahatid na lang kita sa inyo bilang sorry sa ginawa ko kagabi.Tsaka Zero na lang.Huwag na Mr.Smith.Masyadong kakaibang pakinggan.Hindi ako sanay."mahinang sabi niya pero sapat na iyon para marinig ko.Mukha namang sincere siya sa sinabi niya.

Kakaibang pakinggan?Anong ibig sabihin niya dun?Paanong hindi sanay?Eh kahapon ko lang naman siya nakilala?

"Gusto ko sana kaso susunduin na ako ng boyfriend ko eh.Baka magalit yun sa akin kapag umalis ako."

"Oo nga pala,boyfriend mo si Storm."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.Nakangiti siya ng mapakla.Yung parang nakangiti siya kahit na hindi niya nagugustuhan ang naririnig niya.Ganun ang nakikita ko sa kanya.

Anong meron kung boyfriend ko si Storm?Parang di niya gusto na boyfriend ko si Storm,parang ganun.

Nakakaramdam na talaga ako na kilalang kilala na niya ako.Sa way ng pagsasalita niya!Parang andami niyang alam sa buhay ko!

Tama kaya ang hinala ko na parte siya ng alaala ko?Gaya ng desisyon ko kanina ay gusto ko sanang magpatulong sa kanya pero parang kay Mr.Zero Smith muna ang una kong kilalalanin.Dahil marami siyang alam sakin.

Nakarating na ako sa convenience store.Pumasok na ako sa loob.Alam kong aalis na rin yang si Mr.Smith or Zero na lang daw sabi niya.

Bumili muna ako ng softdrinks at mga pagkain tsaka umupo sa table sa loob nito.Dito talaga ang tambayan ko kapag may hinihintay ako o kaya pag-uwi ko ay dadaan muna ako rito.

Ka-text ko ngayon si Hanz.Pinsan rin siya nila Storm.Nakakatawa nga lang kasi lalaki siya pero lalaki rin ang gusto niya.Lagi niyang inaasar mga pinsan niya na baka magustuhan niya sila dahil mga gwapo daw.Pero gwapo rin si Hanz at lalaki naman ang pananamit niya at pakikipag-usap sa amin ni Lexi.

[From:Hanz Uno
Punta ka rito sa Manila.Pahatid ka kay bagyo. ]

[ To:Hanz Uno
Di ko alam eh.Susunduin ako ni Storm ngayon.Nandito siya sa Santa Barbara. ]

[From:Hanz Uno
Napakasweet naman ni Bebe bagyo]

Natawa naman ako sa text niya.Kung maka-react siya parang hindi niya pinsan iyon.Kung hindi nga lang niya siguro pinsan iyon,baka pinatulan na niya iyon.

Baliw talaga siya!Kaya inis na inis sa kanya si Storm eh!Bebe bagyo ba naman ang tawag niya!Kaya ayun!Laging pinapalayas ni Storm kapag magkasama kami.

Naiinggit nga ako sa kanila.Kahit na ganun silang magpipinsan ay magkakasama naman sila at masaya sila.Samantalang ako ay si Lola lang ang kasama ko.Ni pinsan ko o kaya kamag-anak ay wala akong kakilala dahil wala rin akong matandaan.Ayaw naman magsalita nila Storm kaya hindi na rin ako nagtanong kay Lola.Bakit ko pa daw poproblemahin ang ibang tao?

Patuloy lang kaming nag-text sa isa't isa hanggang sa naubos ko na yung inumin at pagkain ko pero di pa rin dumadating si Storm.Kumunot naman ang noo ko dahil napakatagal naman niya yata.

Lumabas na ako ng convenience store para tignan at baka nasa labas na si Storm.Sinundan ko ng tingin ang mga nagdadaang kotse at baka si Storm iyon.Pero hindi ko makita ang kotse niya.Napabuntong hininga naman ako dahil doon.

Pagkalinga ko ay napako ang tingin ko sa isang kotse na nakaparada.Ang kotse ni Mr.Smith.Nandito pa siya?Lumapit ako doon at kinatok ko iyon.

Walang bumukas na windshield kaya kinabahan ako dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

“Mr.Smith?Mr Smith,buksan mo ito!"

Patuloy lang akong kumatok.Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nakasandal sa upuan at nakapikit.Agad akong pumasok sa passenger seat at inalog ko siya ng inalog.

My god!!Baka nahimatay or mas malala pa ay patay na siya!!

Anong gagawin ko?!

Natandaan ko yung turo sa mga doktor na I-CPR.Natatakot ako na baka hindi na siya humihinga!

I-ci-CPR ko sana siya ng bumukas ang mata niya kaya napalayo ako sa kanya.Nagulat ako sa pagdilat niya kaya natulak ko pa siya.

"Okay ka lang?"

"Hmm?"nagkusot pa siya ng mata at mukhang nagising ko siya.

"Akala ko patay ka na!"

"Mukha bang mamatay ang mga gwapong katulad ko?"ngumisi siya sa akin na nakapagpainis sa akin.

Hinampas ko siya ng malakas sa braso sa sobrang inis ko.Akala niya nakikipagbiruan ako!!Akala ba niya joke joke lang yun?!

"Akala mo ba nakikipag-biruan ako?!Nakakainis ka!"

Agad kong binuksan yung pinto ng kotse pero naka-lock na iyon.Humarap ako sa kaniya at lalo lang akong nainis sa ngisi niya.Ang sarap burahin ng ngisi niya!

"Palabasin mo nga ako!!"

"Bakit ka muna nag-alala sakin?"

"Palabasin mo na ako!Isa Mr.Smith!"

"Bakit muna?"

Hinampas ko siya ng hinampas sa sobrang inis ko.Hindi na kasi ako nakikipagbiruan!

"Bakit ka ba nanghahampas?"napatigil siya ng makita niya akong umiiyak.Bigla bigla na lang tumulo ang luha sa inis ko.

"Kasi akala ko patay ka na!!Ayokong may mamatay sa harap ko ng wala akong ginagawa!Iniisip ko si Elrah!Ayokong mawalan siya ng tatay dahil naranasan kong wala akong magulang!Ayokong mamatay ka!"

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon