CHAPTER 8

1.6K 54 3
                                    

[Jerish POV]

“Oh my gosh!Sumasakit na ang ulo ko!!"kanina ko pa yan paulit ulit na sinasabi sa sobrang inis ko.

Mine-make up-an na ako para sa show na ito.I was not expecting na agad agad kami magsho-shoot.Kahapon lang yung pekeng kasalan tas ngayon,honemoon?What the fuck?Akala ko ba gagawa siya ng paraan pero bakit ngayon wala pa rin siyang nagagawa.

I already tried my best to persuade my boss to stop this nonsense but he don't want to help me.He already gave me special treatment na nagtataka na ang iba kaya hindi muna siya tutulong ngayon.

Wala na akong magagawa kundi umasa sa sinabi niya.

“Babalik na ako ng ibang bansa!!"tumayo na ako dahil tapos na rin naman yung hair at make up ko.Kinuha ko yung bag ko at naglakad papuntang pintuan.

Nandito na kasi kami sa sinasabing ‘titirhan'daw namin.Kahit labag sa kalooban ko ay napapunta ako rito.

“Sige!Bumalik ka ng ibang bansa but make sure na makakatakas ka kasi kakasuhan ka ng ABC Network dahil pumirma ka at di ka sumunod sa kontrata."pagbabanta ni Bea.

“I will pay for compensation na lang."

“Hindi mo kaya ang compensation,Feia.Baka gusto mong mabaon sa utang.Kaya kung ako sayo,just bear with it.Matatapos rin naman agad ito."

“Bwiset ka talaga!"naglakad na ako papunta sa kwarto ko at nahiga sa kama.Ni-lock ko pa yun para di makapasok si Bea.

Nag-online na lang ako sa social media account ko na ginagamit ko.Napangisi na lang ako ng makitang mas mataas ang followers ko kesa sa artistang nakaaway ko last month.Kapal ng mukhang magyabang na mas sikat daw siya.Nakakahiya naman yung followers ko sa followers niya.Isampal ko pa sa mukha niya ito.

Sa lahat ng social media accounts ko ay marami ang nakasuporta sakin.Sa IG,sa twitter and even in my facebook page.Wala akong account sa facebook.Wait...actually I have.Yung gamit ko bago ako umalis.

I didn't deactivate that one.Hopefully,I can still open it.Hindi ko lang talaga binuksan para hindi ako mahanap nila dahil n nagtatago ako sa kanila.

Napansin ko na ilang taon na rin pala akong di nag-o-online sa facebook ko.Buti natandaan ko pa ang password ko kaya nag-online ako at nagulat ako na sabog na sabog ang notification at message ko.

What the-?!

Puro mga message sakin ay puro ‘Bakit ka umalis?' at ‘Anong meron?'.Puro ganyan ang tanong sakin.Maski hindi ko naman totoong kaibigan ay nakikichismis.Nakikiepal lang sa sitwasyon.

Pero isang message lang ang nakapagpa-tigil sakin.Message ni Zero sakin.Maraming message ang nandoon.Mga pagbati nung birthday ko,nung pasko,nang bagong taon.Sinimulan kong magbasa kung kelan ako umalis ng bansa

War-freak.....
I'm sorry,Jerish.Hindi ko alam kung paano ito sisimulan.Pasensya na sa lahat ng problema na dinulot.Ayokong umalis ka pero hindi kita mapigilan dahil wala akong karapatan.Ano nga ba ako sayo?Minamahal?Kaibigan?O kakilala lang?

Pinapalaya na kita dahil hindi ko naman alam ang lugar ko sayo.It gets harder and harder everyday.I don’t know how much more I can handle.

Goodbye,Jerish.Maging masaya ka sana sa kung saan ka ngayon.

Ngumiti na lang ako ng mapait.Hindi ko alam kung bakit tumulo ang luha ko.Baka tears of joy?Dahil pinakawalan na niya ako and finally he moved on?

“Lopez,kakain na."agad akong nagpunas ng luha at napatingin ako sa pinto.

Kumunot ang noo ko.Nandito na siya agad?And what's with the calling of surname?

Tumayo ako at pinagbuksanan siya ng pinto.

“Bakit nandito ka?!"

“Dahil asawa mo ako?Alam kong natutuwa ka dahil tayong dalawa lang ang nandito."

He smirked at me and left me.

What the hell?Akala ko ba against siya sa idea na ito tapos yung nangyari pa kagabi.Ano yun?Joke lang?!

“That jerk!"

Bumaba agad ako at nakita ko siya na naghahain ng pagkain sa mesa.

“Nasaan si Bea?"inikot ko ang mata ko sa paligid.

Tumingin si Zero Smith sakin nang walang emosyon ang mukha.

“Kakaalis lang nya.Hindi natuloy ang shoot ngayon.Bukas na lang daw."

“Bakit naman ako iiwan ni Bea rito?"

Nagkibit balikat lang siya.Umupo ako sa harapan niya.Nagsisimula na siyang kumain habang ako ay nakakunot noo sa kaniya.

“Dito tayo matutulog dahil nakalock na lahat ng pwedeng labasan.Kung gusto mong magalit at magsisigaw,huwag na.I already shouted and cursed them to death but nothing happened."

“WHAT?!Kinulong nila tayo?!Kakasuhan ko talaga sila!Kidnapping na ito!"

“Do what you want to do.Alam ko namang ayaw mo tayong magkasama pero wala tayong magagawa."

Napapadyak na lang ako sa inis.Babalik na sana ako sa kwarto ko nang marealize kong di pa ako kumakain simula kaninang umaga.Kumakalam na rin ang sikmura ko.Hindi na ako nag-iinarte dahil gutom na talaga ako kahit ayaw ko itong kasama ko.

Bumalik ako at naupo sa tapat niya.Agad akong sumandok ng kanin at ulam.

“Hanggang kailan ba tayo dito?"

“Baka bukas makaalis na tayo dahil bukas babalik ang mga staff base sa sulat na iniwan nila."

Kinuha ko ang papel na inabot niya at binasa iyon.Mukhang bukas na nga kami talaga babalikan ng mga staff.Pag nakita ko talaga sila lalo na si Bea,sasakalin ko talaga sila.

Natapos ang pag-kain namin ng matiwasay at tahimik.Wala naman kaming dapat pag-usapan pa.Parang tanga naman kung ioopen ko yung nangyari dati.

I want to act professional when he's around.Ayokong ang galit ko ang mangibabaw kapag nagkikita kami.Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko katulad ng ginagawa niyang pagseseryoso kapag magkasama kami.Nakakahiya naman at baka lumabas na parang hindi pa ko nakakamove on sa nangyari.

“Oo nga pala.Saan ka matutulog?"tanong ko.Kasi iisa lang ang kwartong bukas.I mean naka-lock yung ibang room at yung kwarto na inokupa ko ang nag-iisang hindi naka-lock.Naglibot kasi ako sa buong bahay kanina.Paniguradong plano ito ng Marry Me staffs.Nakita ko rin ang mga CCTV sa buong bahay.Sinusubaybayan talaga mga galaw namin.Baka pati sa CR meron pa nga.

“Sa couch dahil baka mamaya gapangin mo ako kung magtatabi tayo."seryosong sabi niya bago kinuha ang ginamit kong plato at dumeretso sa kusina.

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.Seryoso ba siya sa sinabi niya?!

“Hindi ako ganung tao para gapangin ka!Tsaka di ka kagapang gapang kaya shut up ka na lang!"sigaw ko sa kaniya.

Mukha ba akong nanghaharass?Baka siya pa nga ang gumapang sakin!

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon