CHAPTER 34

916 29 2
                                    

[Lexi POV]

"I heard that Storm is here in Santa Barbara."sabi ko kay Jerish.Hindi pa rin ako sanay na Lairen ang tawag sa kanya.Parang ibang tao na siya.

Kahit ba hindi ko gusto na iniba ni Storm ang pangalan ni Jerish,ay wala rin akong magagawa.Baka hanapin pa siya ni Zero at saktan ulit.Kasalanan ni Zero kung bakit nasaktan at naaksidente si Jerish.

Malaki ang galit namin kay Zero dahil sa ginawa niya.Wala nang ginawa si Zero kundi saktan si Jerish.Kaya pati ang mga pinsan niya ay galit rin sa kanya at sumama sa malanding si Hazel.

Di ko alam kung anong pumasok sa utak ni Zero para gawin niya iyon.Wala rin naman kaming alam kung anong nangyari dahil bago sila umalis rito ay maayos at masaya naman sila.

"Ah oo.Umuwi siya kasi may kakilala siyang nakita ni Riku doon sa playground."napatigil ako sa narinig ko.Hindi kaya nahanap na siya ni Zero?

"Kakilala?"

Ayaw na ayaw ni Storm na naririnig ni Jerish ang pangalan ni Zero.At baka ma-trigger lalo ang mga alaala niya.Napapanaginipan ni Jerish si Zero pero walang mukha.Kahit na pilit pinapakalimot ni Storm si Zero ay wala siyang magagawa dahil nakatatak na iyon kay Jerish.

"Oo.Kakilala daw.Hindi daw niya kaibigan.Malay ko ba dun."natatawang sabi siya.Natatawa siya dahil hindi niya alam ang nangyayari.Kung alam lang niya.

"Lexi?"

"Sandali lang ah.Kailangan kong tawagan si Rex."lumayo ako sa kanya dahil ayaw kong marinig niya na kinakausap ko si Storm.Oo,si Storm.Wala namang pake sa mundo si Rex kundi ang matulog kaya hindi siya masyadong nangingialam.

"Storm!"

[Bakit?]

Narinig ko pang humihikab siya kaya paniguradong bagong gising lang siya.Tanghali na pero tulog pa rin.Ginagaya na ba niya ang pinsan niya?Ang pinsan niyang walang pake sa mundo basta makatulog lang?

"Kakagising mo lang?"

[Obvious ba?]

Hindi lang pala si Jerish ang nagbago,pati si Storm.Yung mabait at masayahin na Storm na kilala namin ay wala na.He became a cold person and gets easily mad.We're scared before but we get used to it.Sinanay namin ang sarili namin dahil mabuti siyang kaibigan sa amin kahit ganun siya.

"Sino yung kakilala mo na sinasabi ni Jerish?"

[How many times do I have to say that you should call her Lairen not Jerish?!]

Galit na naman siya.Lagi na lang siyang galit kapag naririnig niya ang Jerish.Ayaw niya kasing marinig ni Jerish kaya pinagbawalan niya kaming lahat.Even Lola Mercedes and Riku.Wala naman kaming magagawa dahil si Storm ang nandiyan sa mga pinagdaanan ni Jerish kaya karapatan niya rin iyon.

"Okay.Okay.Hindi rin naman siya malapit sa akin kaya okay lang."

[Just don't say that name again.]

"Fine.Tinawagan lang kita para itanong kung sino yung kakilala na sinasabi ni Lairen.Kutob ko na si Zero iyon."

Narinig ko ang pagtahimik sa kabilang linya kaya tinignan ko kung namatay ang tawag pero hindi naman.

"Storm?"

[Si Zero.]

Kumunot naman ang noo ko at lahat ng galit ko sa lalaking iyon ay biglang nagsibalikan.

"Anong ginagawa niya dito?!Nakita na ba niya si Lairen?!Anong nangyari?!"sunod sunod kong tanong.

Alam kong ang OA ko mag-react pero ayaw ko lang talagang makitang nasasaktan si Jerish.Ilang taon ko nang best friend ko si Jerish.Nakita ko kung paano siya naghinagpis nang mamatay ang magulang niya,nakita ko kung paano siya umiiyak dahil sa inaabuso siya nang mga kamag-anak niya pero wala akong nagawa,nakita ko kung paano siya nasaktan nang malaman niyang si Zero ang dahilan kung bakit nawala ang mga mahal niya sa buhay.Ngayon naman nakita ko kung paano siya naghirap para lang maalala ang mga alaala na nawala sa kanya dahil lang sa hinabol niya si Zero na iniwan siya para sa ibang babae.

[Muntikan na.Buti tumawag agad sakin si Riku.Ang kapal talaga ng lalaking yun na magpakita pa.Pero buti na lang,hindi niya hinanap si Lairen.]

"Buti na lang hindi sila nagkita.Uuwi na kami agad at baka magkita sila rito.Baka nandito rin si Zero."

[Sige,papasundo ko na lang kayo kay Rex.]

"Sige."

Pinatay ko na ang tawag at pupuntahan ko na sana si Lairen at baka makita siya ni Zero.Mamaya nasa paligid lang si Zero.

Pagkatapos nang tawag ni Storm ay si Rex naman ang tumawag.

"Bakit?"

[Wala man lang 'Hi babe'?]

"Ano na naman ang trip mo?"

[Nasaan ka?Bakit kanina ay busy yung phone mo?May kausap ka no?]

"Malamang.Magbu-busy pa yung phone ko kung wala akong kausap.Common sense?!"

[Kausap mo yung kalaguyo mo no?]

“Kalaguyo?Saan mo naman natutunan ang salitang yan?!"

[Malamang nag-aral ako babe.]

"Nag-aaral ka pala?"sarcastic kong tanong.

Lagi na lang ako nitong inaakusahan na may kabit daw ako.WTF?!Sa tagal nang relationship namin,ganun rin katagal siyang naghihinalang may ibang lalaki ako!!Ang sarap niyang bangasan!

[Grabe naman babe.Parang dati lang ay ako yung crush na crush mo.Tapos sunod ka nang sunod sakin.]

"Ipagmalaki daw ba?Tsaka nung narealize ko na hindi ka naman ganun ka-ideal kaso jowa na kita eh.Buti nga hindi kita bin-reak at umabot tayo nang ilang taon.Baka gusto mong makipag-break na ako?"

Kung magaling siyang mang-asar ay mas magaling ako.Tadyakan ko siya diyan eh!

[Joke lang naman yun,babe!]

Napatawa ako sa sigaw niya.Magaling mang-asar,takot naman din.

"Sige na.Pag-iisipan ko."hinanap nang mata ko si Jerish.Nakita ko siyang may batang kasama kaya nilapitan ko siya at kinalabit.

"Lairen?Anong ginagawa mo dyan?"

"Ah may nakita akong kakilala kanina.Tapos na kayo mag-usap?"

"Oo.Tara na!Hinahanap na ako ng jowa ko.Lintek na yun!Nambababae lang naman yung lalaking iyon eh!Tapos kung maka-bintang na baka may kinikita akong lalaki!Hay naku!Nakaka-highblood ang lokong yun!"inis na inis kong sabi.

"Kahit na ganun yun,mahal mo rin naman diba?"asar niya sakin kaya agad na nag-init ang mukha ko.Totoo naman yun!Kahit na lagi niya akong pinagbibintangan na may lalaki ako,kahit na lagi kaming nag-aaway dahil sa kama niya.Mahal na mahal ko ang lokong yun!

"Kung natatandaan mo lang ang pinagdaanan namin nang sira-ulo na yun!"natatawa kong sabi.

Napansin kong natahimik siya sa sinabi ko.

"Okay ka lang Jerish?"agad na tanong ko.Baka mamaya sumakit nanaman ang ulo niya.Lagot ako kay Storm niyan!

"Sinong Jerish?"

"Ah eh...."nataranta ako sa tanong niya.Natataranta,hindi dahil kung may masakit sa kanya kundi paano makatakas sa sitwasyon na ito.

Napahawak sa ulo si Jerish kaya hinawakan ko siya sa braso baka matumba nga siya.

Biglang bumagsak si Jerish at natigilan ako sa sumalo kay Jerish.

Bakit siya nandito?!

"Lairen"tinawag ko tawag ko siya para tanungin kung nasaan ang gamot niya.

"Bitiwan mo nga siya!!"sigaw ko kay Zero Smith na buhat ngayon si Jerish.

Maraming nagbago sa physical feature niya pero wala ako ngayon sa oras para diyan!

"Dalhin na natin siya sa hospital!"sabi niya sakin.Wala na akong choice mag-inarte pa dahil baka kung anong mangyari kay Jerish.

"Sige."tumakbo na ako palabas dala dala ang mga pinamili at gamit na binili namin.

"Kunin mo yung bata.Kasama ko siya."hinawakan ko sa kamay ang batang babaeng kausap ni Jerish kanina lang.

"JERISH!"tawag ni Zero kay Jerish.

Sumakay na agad kami nang kotse at dinala na namin si Jerish sa hospital.Natataranta na ako dahil wala nang malay si Jerish.

"Bilisan mo!"lalo kong binilisan ang takbo nang kotse ko hanggang sa nakarating na kami sa hospital.

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Where stories live. Discover now