CHAPTER 44

795 23 3
                                    

[Jerish/Lairen POV]

"Bakit nakasimangot ka?"

Pinuntahan niya kasi ako rito sa kusina para mangulit.Nagluluto kasi ako ng dinner namin ngayon.Talagang katulong ako ngayon.

"Wala nga.Ang kulit!"

"Seryoso?"

"Oo nga!!"

"Hmm."umalis na lang siya kaya napanganga na lang ako.

Wala talaga siyang kasweet-sweet sa katawan.Kaya di ko alam kung anong nagustuhan nung mother ni Elrah kay Zero.Duh?Walang parte sa kanya ang sweet!

"Akala mo sobrang gwapo kung makaarte ng ganyan!Well,gwapo naman siya pero kung mabait lang siya.Mas nakakagwapo yun!"

Nilagay ko na sa lamesa ang ulam na niluto ko.Tinawag ko na rin yung lalaking yun.

Tahimik lang kaming kumain.Walang umiimik.

Gusto kong magtanong sa kanya ng mga kailangan kong maalala at mga alam niyang makakatulong na makaalala ako.Pero sasagutin kaya niya ako?Sasagutin na hindi pinipilosopo at walang kasungitan?

Hayst!Nakakaloka naman itong buhay na ito!

"May gusto kang itanong?"

"Ha?"nag-angat ako ng tingin ng marinig kong nagsalita siya.Patuloy lang siyang kumakain at mukhang hindi naman ako ang kausap kaya tinuloy ko ang pag kain.

"Are you deaf?"

"Ha?Ako ba kinakausap mo?"inangat ko ulit ang tingin ko at inaasahan kong kumakain pa rin siya pero hindi!Nakatingin na rin siya sakin.

"No.I'm talking to the wall.As if it will answer.Of course!I'm talking to you!"

"Ang sungit ah!!"inirapan na lang niya ako at kumain na ulit.

Bakla talaga!Kung makairap parang babae!

"Ano nga yong tatanong mo?"

Kahit na gusto ko siyang talakan at irapan ng bongga,ay hindi ko nagawa.Mamaya bigla akong palayasin dito at wala akong matutuluyan rito.

"Ayoko nga!Ayaw mo diba?!"

"Wala akong sinabing huwag kang magtanong.Tell me what you want to say."

Napakamot ako ng ulo ko dahil sinagot sagot ko siya tapos ako naman hihingi ng tulong.Itong bunganga ko kasi hindi ko matahimik.

"Ano ba ang mga bagay na kailangan kong gawin para makaalala na ako?Kasi alam kong big step na pumunta ako ng Maynila.Dahil malaki ang part ang lugar na ito para makaalala ako.Nandito na nga ako pero paano ako magsisimula?"

"Simulan natin sa pagpunta sa mga dating pinupuntahan mo.It helps you to bring back the memories you've forgot.Don't worry,I'll help you with that."

Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga sinasabi niya sakin.

Kahit na sobrang sama ng ugali niya,walang ka-sweet sweet sa katawan,parang hangin kausap,at malakas ang hangin sa katawan.May good sides rin pala si Zero na hindi mo makikita kung puro bad sides lang ang tinitignan mo sa kanya.

"Thank you talaga ah!Kung pwede lang na ako na lang mag-isa ang gumawa kung kaya ko lang."

"Hindi mo nga alam kung ano ang mga tatandaan mo,paano pa kung aalalahanin mo pa?"papilosopo niyang sagot.

Napa-poker face na lang talaga ako sa lalaking ito.Okay na eh!Sinisira pa yung moment!!Puring puri na nga siya isip ko,babasagin pa niya.Psh!

Pinigilan ko ng magsabi pa ng kung ano ano!Baka bigla pa niyang bawiin yung tulong na bibigay niya sakin.Kahit na ang kating kating na yung kamay ko na dumapo sa mukha niya sa sobrang inis ko.

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon